Marami ang nagtatanong kung paano mag-detox ng katawan. Ang mga detox diet ay sinasabing nakapag-aalis ng mga lason, kung kaya nasusuportahan ang pagpapabuti ng kalusugan at nagtataguyod ng pagbaba ng timbang. Bagama’t sikat ang mga diyeta na ito, hindi naman ito kinakailangan. Ito ay marahil ang iyong katawan ay maroong napakahusay na detoxification system. Dahil dito, maaari mong pahusayin ang natural detoxification system ng iyong katawan at mapabuti ang iyong pangkalahatang kalusugan sa pamamagitan ng pananatiling hydrated, pagkonsumo ng mas kaunting asin, pananatiling aktibo, at pagsunod sa isang antioxidant-rich diet.
Paano Mag-Detox Ng Katawan: Mga Maling Akala
Ayon sa mga pahayag, ang mga detox diet ay nakatutulong sa iyo na maalis ang mga lason sa iyong katawan, mapalakas ang iyong kalusugan, at mahikayat ang pagbaba ng timbang.
Ngunit sa kontekstong ito, hindi natukoy nang maayos kung ano ang pakahulugan sa terminong “toxin.” Ito ay kadalasang tumutukoy sa mga pollutant, sintetikong kemikal, mabibigat na metal, at naprosesong pagkain na maaaring makasama sa kalusugan. Gayunpaman, bihirang tukuyin ng mga sikat na diyeta ang mga tiyak na lason na naglalayong tanggalin o ang mga paraan kung saan dapat nilang gawin ito. Higit pa rito, walang katibayan upang suportahan ang paggamit ng mga diyeta na ito para sa pangmatagalang pagbaba ng timbang o pagtanggal ng mga lason.
Ang iyong katawan ay may kumplikadong sistema para sa pagtatanggal ng mga pollutant, na kinabibilangan ng atay, bato, balat, baga, maging ang iyong digestive system. Gayunpaman, ang mga organ na ito ay makapag-aalis lamang ng mga nakapipinsalang sangkap kapag sila ay nasa mabuting kalusugan. Samakatuwid, ang mga detox diet ay hindi gumagawa ng anumang bagay na hindi pa kayang gawin ng iyong katawan nang mag-isa. Ngunit maaari itong mapabuti.
Paano Mag-detox Ng Katawan? Heto Ang Ilang Mga Tips
1. Limitahan ang pag-inom ng alak
Magsimula sa pamamagitan ng pagbawas sa iyong pag-inom ng 10% araw-araw. Halimbawa, kung karaniwan kang kumukonsumo ng 20 yunit bawat araw, subukang bawasan ito hanggang 18 yunit bawat araw. Pagkatapos ng apat na araw, subukang bawasin uli ito ng isa pang 10%. Ang iyong atay ay siyang nag-memetabolize ng higit sa 90% ng alkohol na iyong iniinom, kaya kung magsisimula kang makaranas ng anumang mga withdrawal symptoms, masyadong mabilis ang pagpababang konsumo ang ginagawa.
Ang alkohol ay na-metabolize ng mga enzyme ng atay na maging acetaldehyde, isang kilalang sangkap na nagiging sanhi ng kanser. Kinikilala ng iyong atay ang acetaldehyde bilang isang lason at binabago ito sa hindi nakapipinsalang compound acetate, na pagkatapos ay inaalis nito sa iyong katawan.
Ang labis na pag-inom ay maaaring magresulta sa iba’t ibang mga isyu sa kalusugan, sa kabila ng obserbasyonal na pananaliksik na nagpapakita na ang mababa hanggang katamtamang pag-inom ng alkohol ay kapaki-pakinabang para sa kalusugan ng puso.
Gayunpaman, ang sobrang pag-inom ay maaaring seryosong makapinsala sa kakayahan ng iyong atay na gumana sa pamamagitan ng pag-iipon ng taba, pamamaga nito, at pag-iiwan ng peklat dito. Kapag nangyari ito, ang iyong atay ay hindi makagagawa nang mahusay, maging ang mahahalagang tungkulin nito, tulad ng pagsala ng mga lason at iba pang dumi mula sa iyong katawan.
Ano ang unang tip sa kung paano mag-detox ng katawan? Bawasan o tuluyang tanggalin ang alak sa pamumuhay.
2. Matulog nang mahimbing
Ang “glymphatic system” na kumokontrol sa daloy ng cerebrospinal fluid, ay “nagbubukas” habang tayo ay natutulog. Ito ang nagbibigay-daan para sa mas mabilis na daloy ng fluid sa buong utak na siyang dahilan ng detox. Kaya ang pagtiyak na nakakukuha ka ng sapat na kalidad ng pagtulog bawat gabi ay mahalaga sa pagsuporta sa kalusugan ng iyong katawan at natural detoxification system.
Maaaring mag-ayos at mag-recharge ang iyong utak habang natutulog ka. At dagdag pa rito, maaari rin itong mag-flush out ng mga mapanganib na waste byproduct na namuo sa buong araw. Ang isa sa mga waste products ay isang protina na kilala bilang beta-amyloid, na tumutulong sa Alzheimer’s disease.
Kailangang isagawa ng iyong katawan ang mga prosesong iyon kapag nakakuha ka ng sapat na tulog. Ngunit kapag hindi ka nakatulog nang maayos, ang mga lason ay maaaring maipon at negatibong makaapekto sa ilang mga salik sa kalusugan. Ang panandalian at pangmatagalang epekto sa kalusugan ng hindi sapat na pagtulog ay kinabibilangan ng stress, anxiety, altapresyon, sakit sa puso, type 2 diabetes, at obesity.
Pangalawang tip paano mag-detox ng katawan: Matulog ng 7 hanggang 9 na oras bawat gabi upang makatulong na mapanatili ang pinakamabuting kalagayan ng kalusugan.
3. Uminom ng maraming tubig
Kapag nabigyan mo ang iyong katawan ng sapat na tubig na siksik sa mineral, hindi mo kailangan ng kumplikado at mamahaling mga detox plan upang suportahan ang proseso. Higit pa ang nagagawa ng tubig malibasn sa pag-pawi ng iyong uhaw.
- Kinokontrol nito ang temperatura ng iyong katawan
- Nagpapadulas ng mga kasukasuan
- Tumutulong sa digestion at nutrient absorption
- Na-dedetoxify ang iyong katawan sa pamamagitan ng pag-alis ng mga waste product
Ang karaniwang rekomendasyon ay uminom ng kalahati ng iyong timbang (na ounces) bawat araw. Para sa isang average na 150-lb na babae, ang 75 ounces bawat araw ay nagpapanatili ng tamang hydration.
Para gumana nang mahusay ang iyong katawan at ma-break down ang mga sustansya para magamit ng iyong katawan bilang enerhiya, dapat na patuloy na ayusin ng iyong mga cell ang kanilang mga sarili. Ngunit ang urea at carbon dioxide, na inilalabas sa mga aktibidad na ito, ay maaaring makapinsala kung maipon sa dugo. Ang tubig ay mahusay na nag-aalis ng mga basurang ito sa pamamagitan ng pag-ihi, paghinga, o pagpapawis. Samakatuwid, ang pagpapanatili ng isang malusog na antas ng hydration ay mahalaga para sa detoxification.
Pangatlong tip paano mag-detox ng katawan: Ang mga lalaki ay nangangailangan ng 125 ounces (3.7 liters) ng tubig bawat araw. Samantala, ang mga babae ay nangangailangan ng 91 ounces (2.7 liters). Gayunpaman, depende sa iyong diyeta, kung saan ka nakatira, at kung gaano ka aktibo, maaaring kailangan mo ng higit pa o mas kaunti.
4. Kumonsumo ng mas onting asukal at mga processed food
Ang mga itlog, peanut butter, beans, lentil, protein smoothies, mataba na isda, at almonds ay mga pagkaing mataas sa protina. Ang pagkain ng maraming mga pagkaing may healthy fats ay nakatutulong din sa proseso ng pag-detox ng iyong katawan mula sa asukal. Marami sa mga alalahanin sa kalusugan ng publiko ngayon ay karaniwang nauugnay sa asukal at mga naprosesong pagkain.
Ang mataas na intake ng matatamis at highly-processed food ay naiugnay sa obesity at iba pang malalang kondisyon tulad ng diabetes, kanser, at sakit sa puso. Ang mga sakit na ito ay nakapipinsala sa mga mahahalagang organ tulad ng iyong atay at bato, na kinakailangan para sa detoxification. Kaya, kapag naapektuhan ang mga ito, nagiging mas mahirap para sa iyong katawan na gawin ito nang natural.
Halimbawa, ang fatty liver, isang kondisyon na may negatibong epekto sa paggana ng atay, ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng pag-inom ng malalaking halaga ng matatamis na inumin.
Pang-apat na tip kung paano mag-detox ng katawan: Bawasan ang pagkain ng chichirya. Maaari mo itong palitan ng mga mas masusustansiyang pagkain tulas ng prutas at gulay.
5. Kumain ng mga pagkain na mataas sa antioxidants
Pinoprotektahan ng mga antioxidant ang iyong mga cells mula sa pinsalang dulot ng mga molecules na kilala bilang mga free radicals. Ang oxidative stress ay isang kondisyon na nangyayari mula sa labis na henerasyon ng mga naturang radicals. Maaaring mabawasan ang iyong panganib na magkaroon ng mga sakit na maaaring makaapekto sa detoxification sa pamamagitan ng pagsunod sa diyeta na mataas sa antioxidants.
Karaniwang nililikha ng iyong katawan ang mga molecules na ito para sa mga cellular function tulad ng pagtunaw, ngunit ang mga sangkap tulad ng alkohol, tabako, hindi magandang diyeta, at exposure sa polusyon ay maaaring magpataas ng bilang ng nagawang mga free radicals. Isinasaad ng pananaliksik na ang mga molecule na ito ay nakapipinsala sa iba’t ibang mga cells, at ang pinsala sa free radicals ay nag-aambag sa mga sakit tulad ng dementia, sakit sa puso, sakit sa atay, hika, at ilang uri ng kanser.
Ang diyeta na sagana sa antioxidant ay maaaring makatulong sa iyong katawan na labanan ang oxidative stress na dulot ng napakaraming free radicals at iba pang pollutants. Ang mga ito ang kilalang mga salik na nagpapataas ng iyong pagkakataong magkaroon ng sakit.
Pagtuunan ng pansin ang pagkuha ng mga antioxidant mula sa mga pagkain sa halip na mga supplements, na kapag iniinom nang marami ay maaaring aktwal na magpataas ng iyong pagkakataong magkaroon ng ilang sakit. Ilan sa mga halimbawa ng mga antioxidant ang mga sumusunod:
Panglimang tip paaano mag-detox ng katawan: Damihan ang mga antioxidant. Ang pinakamataas na konsentrasyon nito ay matatagpuan sa mga prutas tulad ng berries, mani, tsokolate, gulay, pampalasa, at inumin tulad ng kape at green tea.
6. Kumain ng mga pagkaing sagana sa prebiotics
Ang iyong mga intestinal cells ay naglalaman ng detoxification at excretion mechanism na nagpoprotekta sa iyong tiyan at katawan mula sa mga mapanganib na lason, tulad ng mga kemikal. Kung kaya, mahalaga ang pagpapanatili ng mabuting kalusugan ng bituka.
Ang mga prebiotics ay tumutukoy sa uri ng fiber na kinakain ng mga kapaki-pakinabang na bacteria sa iyong bituka na kilala bilang probiotics. Ito ay kinikilalang pundasyon ng mahusay na kalusugan ng bituka. Sa mga prebiotics, ang iyong good bacteria ay maaaring gumawa ng short-chain fatty acids, mga sustansya na mabuti para sa iyong kalusugan.
Maaaring baguhin ng paggamit ng antibiotic, poor dental hygiene, at kalidad ng diyeta ang balanse ng bacteria sa iyong bituka. Samakatuwid, ang hindi magandang pagbabagong ito sa bacteria ay maaaring makapinsala sa iyong immune at detoxification system, dahilan para mapataas ang iyong panganib ng pamamaga at sakit.
Kabilang sa masusustansiyang pagkain na pinagmumulan ng prebiotics ang mga sumusunod:
Paano mag-detox ng katawan? Ang pagkain ng mga pagkaing mataas sa prebiotic ay maaaring magpanatili ng kalusugan ng iyong immune at detoxification system.
7. Bawasan ang asin
Maaaring kailanganin mong uminom ng sapat na tubig upang maalis ang sobrang sodium sa iyong sistema. Ito ay marahil ang mga nasa hustong gulang ay karaniwang nangangailangan ng 8 hanggang 12 tasa ng tubig bawat araw upang mapalitan ang mga regular na pagkawala. Para sa ilang mga tao, ang pag-dedetox ay isang paraan upang maalis ang labis na tubig.
Kung hindi ka umiinom ng sapat na tubig o may kondisyon na nakaaapekto sa iyong mga bato o atay, ang pagkaing may sobrang asin ay maaaring magpapanatili ng labis na likido sa iyong katawan.
Kung kumakain ka ng mga pagkaing sobra sa asin, maaari mong magawan ng paraan upang mawala ang labis na timbang ng tubig. Ang sobrang fluid buildup na ito ay maaaring lumikha ng bloating at hindi komportable pakiramdam habang kapag nakasuot ng damit.
Ang pag-inom ng maraming tubig ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maalis ang labis na timbang ng tubig na nagreresulta mula sa pagkain ng labis na asin. Iyon ay dahil ang isang antidiuretic hormone na inilalalabas ng iyong katawan kapag kumakain ka ng masyadong maraming asin at hindi sapat na tubig ay pumipigil sa iyong pag-ihi at, sa gayon, mula sa pag-detox. Sa pamamagitan ng pag-inom ng mas maraming tubig, ang iyong katawan ay naglalabas ng mas kaunting antidiuretic hormone, na nagiging sanhi ng iyong pag-ihi nang mas madalas at nag-aalis ng mas maraming tubig at basura.
Ang pagtaas ng iyong pagkonsumo ng mga pagkaing mataas sa potassium, na tumutulong upang mabawi ang ilan sa mga epekto ng asin, ay kapaki-pakinabang din. Kabilang sa mga pagkaing ito ang saging, spinach, patatas, kalabasa, at kidney beans.
8. Maging aktibo
Paano mag-detox? Ang pag-eehersisyo ay maaaring maging kapaki-pakinabang at ligtas na gawain habang dumadaan sa withdrawal. Kung sa tingin mo ay handa ka na, subukan ang malumanay na mga ehersisyo tulad ng paglalakad, jogging, stretching, yoga, pagsakay, o paglangoy. Ang regular na ehersisyo ay nauugnay sa mas mahabang buhay at mas mababang panganib ng ilang mga karamdaman at sakit. Kabilang dito ang type 2 diabetes, sakit sa puso, altapresyon, at ilang mga malignancies, anuman ang timbang ng katawan.
Bagama’t mayroong ilang mga mekanismo na pinagbabatayan ng mga benepisyo sa kalusugan ng ehersisyo, ang pagbawas ng pamamaga ay isang mahalagang kadahilanan. Habang ang ilang pamamaga ay kinakailangan para sa pagpapagaling ng mga sugat at pagbawi mula sa mga impeksyon, ang labis na pamamaga ay nagpapahina sa mga depensa ng iyong katawan at naghihikayat sa sakit.
Bukod pa rito, makatutulong din ang pag-eehersisyo sa mga system ng iyong katawan, kabilang ang detoxification system, na siyang gumagana nang maayos at nagbibigay proteksyon laban sa sakit sa pamamagitan ng pagbabawas ng pamamaga. Nararapat na gawin mong layunin ang mag-ehersisyo ang hindi bababa sa 150-300 minuto ng moderate-intensity exercise sa bawat linggo, tulad ng mabilis na paglalakad, o 75-150 minuto ng vigorous-intensity exercise, tulad ng pagtakbo.
Key Takeaways
Ang tubig ay nagdadala ng mga lason sa iyong sistema sa pamamagitan ng iyong daluyan ng dugo upang matiyak na maalis ito sa katawan. Sinasabing ang mga detox diet ay nag-aalis ng mga lason na siyang sumusuporta sa pagpapabuti ng kalusugan at nagtataguyod ng pagbaba ng timbang. Ang pag-inom ng tubig ay isa sa pinakamahusay at pinakamabilis na paraan upang maalis ang mga lason sa iyong sistema.
Sa kabila ng kanilang pagkakakilanlan, hindi naman kinakailangan ang mga detox diet dahil ang iyong katawan ay mayroon nang mabisang detoxification system. Gayunpaman, maaari mong suportahan ang natural na proseso ng detoxification ng iyong katawan at pagbutihin ang iyong pangkalahatang kalusugan sa pamamagitan ng pananatiling hydrated, pagkonsumo ng mas kaunting asin, pananatiling aktibo, at pagkain ng diyeta na mataas sa antioxidants.
Alamin ang iba pa tungkol sa Tips sa Masustansiyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmr]