Matagal nang tinanggap na ang black coffee ay mayaman sa mga antioxidants, mga compound na maaaring maprotektahan ang mga cell mula sa pinsala at mabawasan ang panganib ng mga sakit, tulad ng kanser at mga sakit sa puso. Gayunpaman, ito rin ay mayroon mga downside: ito ay acidic at maaaring magdulot ng jitters. Ang mga downside na ito ay maaaring ang dahilan kung bakit ang ilang mga tao ay mas interesado na sa mushroom coffee. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa kung ano ang mushroom coffee at mga benepisyo nito.
https://hellodoctor.com.ph/fil/masustansiyang-pagkain/233307/
1. Hindi lang ito gawa sa mga mushroom
Ano ang mushroom coffee? Maaari mong isipin na ang ganitong uri ng kape ay gawa lamang sa mga brewed mushroom, ngunit hindi iyon ang kaso.
Ang proseso ay karaniwang nagsasangkot ng pagpapatuyo ng mga kabute at pagkatapos ay kinukuha ang kanilang mga kapaki-pakinabang na sangkap. Pagkatapos, hinahalo sila sa regular na kape.
Kaya, huwag mag-alala! Hindi kabute ang lasa ng mushroom coffee, matitikman mo pa rin talaga ang kape!
2. Sa karamihan ng mga kaso, ang mushroom coffee ay may mga timpla ng iba’t ibang mushroom
Isa pang bagay na dapat mong malaman patungkol sa kung ano ang mushroom coffee ay karaniwang itong may halo ng iba’t ibang klase ng mushroom.
Ilan sa mga karaniwang uri ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Chaga
- Cordyceps
- Lyons Mane
- Raishi
3. Karaniwan itong may mas kaunting kape; samakatuwid ay maaaring hindi gaanong acidic
Isa sa mga sikat na benepisyo ng kape na ito ay kadalasan hindi ito gaanong acidic. Ito ay marahil natutunaw ng mushroom extract ang caffeine. Ito ay kapaki-pakinabang para sa mga taong gustong ganahan na siyang ibinibigay ng kape nang walang jitters o sa mga gustong magkape ngunit pinanghihinaan ng loob dahil sa acidity nito.
Gayundin, ang mushroom coffee ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga taong gustong huminto sa kape.
4. Ang mga mushroom ay isang mahusay na source ng iba’t ibang micronutrients at maaaring magkaroon ng mga antiviral properties
Isa sa mga kinikilaalang benepisyo ng kape na ito ay maaari itong maging isang mahusay na mapagkukunan ng micronutrients, tulad ng vitamin B, vitamin D, copper, zinc, magnesium, at selenium.
Para sa mga taong nagtatanong kung ano ang mushroom coffee, ang kasaganahan ng kabute sa mga bioactive compound ay naka-aambag din sa mga antiviral properties nito. Makatutulong ito kung nais mong palakasin ang iyong immunity laban sa mga viral infections at diseases.
5. Maaari itong makatulong sa diabetes at obesity
Nag-aalala ka ba sa diabetes at obesity? Kung gayon, maaaring gusto mong isaalang-alang ang pag-inom ng mushroom coffee.
Mayroong mga ulat na nagsasabi na ang mga kabute ay may antidiabetic at anti-obesogenic properties dahil maaari nilang i-regulate ang:
- Gana (appetite)
- Pagtunaw at pagsipsip ng mga sustansya (digestion at absoprtion)
- Insulin sensitivity
- Energy expenditure
- Adipogenesis o ang pagbuo ng mga taba
- Komposisyon at paggalaw ng gut microbiota