Kung isa kang extrovert, maraming tao ang inilalarawan ka bilang “life of the party”. Mas gusto mo ang makipagkaibigan sa maraming tao at madali mong naihahayag ang iyong nararamdaman sa iba. Dahil dito, maaaring pinaghuhugutan mo ng lakas ang pakikipagkapwa. Gayunpaman, hindi lahat ng mga institusyon ay maganda para sa mga extrovert. Tulad ng mga introvert, maaari ding maubos ang social battery ng mga extrovert. Narito ang paraan kung paano ang self-care ng extrovert.
Mga Tip sa Self-care ng Extrovert
Makiramdam sa mga tao sa paligid
Una, madalas na ikinakahon ang mga extrovert bilang mga taong madaling nakakapagsabi ng nasa isip nila at may tiwala sa sarili. Gayunpaman, may mga pagkakataong nagmumukha itong masama, arogante, o nakakainis para sa iba. Bagaman mahalagang makapagpahayag ng mga naiisip, mahalagang makiramdam muna sa mood at sitwasyon ng nasa paligid mo.
Halimbawa, kung isa sa kakilala mo ang may problema sa relasyon, hindi ngayon ang oras para ikuwento ang malalambing na bagay na ginawa sa iyo ng kasintahan mo ngayong umaga. Bukod dyan, kung natanggal sa trabaho ang isa sa kakilala mo, mas maganda kung iiwasan mong ikuwento sa kanila na tinaasan ang sweldo mo (kahit karapat-dapat ka naman sa dagdag mong sweldo).
Maaari kang mapahamak sa sobrang pagiging prangka. Hindi lamang ito nangyayari tuwing mag-uusap ang extrovert at introvert, nangyayari din ito sa pagitan ng dalawang extrovert. Napakahalaga ang pagpapanatili ng magandang relasyon at working environment para lumago ang mga extrovert.
Magtungo sa gym
Mahalaga ang regular na pag-eehersisyo anuman ang iyong personalidad o klase ng katawan. Kahit na may maganda ka nang kalusugan, may karagdagang benepisyo para sa mga extrovert ang pagpunta sa gym.
Una, ang mga gym, parke, at health club ay magandang lugar upang makakilala ng mga bagong kakilala na may kaparehong interes. Puwede itong maging source ng motibasyon ng extrovert para mag-workout araw-araw. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng “accountability buddy” ay makatutulong sa iyong sundin ang diet at itulak kang malagpasan ang iyong limitasyon.
Pangalawa, ang tamang diet at pag-eehersisyo ay nakapagpapabuti ng iyong katawan at kalusugang pangkaisipan. Ang pagkain ng tama at pagbabawas ng calories ay nakapagpapatibok ng iyong puso, na naglalabas ng endorphins, at nagpapataas ng level ng energy. Kaiba sa alam ng marami, hindi palaging may tiwala at mataas ang pagpapahalaga sa sarili ng mga extrovert. Kaya naman, maganda ang naidudulot ng pagpapanatili ng magandang pangangatawan sa pagmamahal sa sarili at pagpapakita nito.
Matulog
Kailangan nating lahat ng sapat na tulog. Sa kasamaang palad, marami sa atin ang madalas abala sa buhay kaya’t hirap tayong magkaroon ng sapat na tulog. Nakapagpapabuti ng ating pisikal at mental recovery ang magandang pahinga. Para sa isang extrovert, malaki ang naidudulot ng pagkakaroon ng kompletong tulog. Kaya kung ikukumpara, ang mga extrovert ay parang mga smartphone na pinapatay sa gabi upang makapag-recharge ng baterya.
Magkaroon ng healthy debate
Maraming extrovert ang walang takot na makipag-usap tungkol sa mga problema. Depende sa pagkakakuwento, maaari itong pasimulan ng healthy debate o hindi inaasahang pag-aaway. Bilang extrovert, bahagi ng iyong pagkatao ang kagustuhang magpahayag ng iyong naiisip kaysa ilihim ito.
Alang-alang sa iyong kalusugang pangkaisipan at pagtitipid sa oras, “piliin ang iyong laban” nang mabuti. Huwag mong hayaang pangunahan ng iyong emosyon ang paraan mo ng paghuhusga at pagkontrol sa iyong kinikilos. Tandaang lahat ng iyong bibitawang salita ay maaaring bumalik sa iyo, lalo na kung ipinaskil ito sa social media. Hindi palaging mahalaga na nasa iyo ang huling salita o malagay sa alanganin ang inyong relasyon dahil lang sa kagustuhang palaging ikaw ang maging tama.
Kung talagang kailangan mong itama ang isang tao, palaging gumamit ng constructive criticism. Iwasan ang personal na atake at maging objective hangga’t maaari.
Ang pag-iisip at pagsasalita ng mga negatibong bagay ay maaaring makasama sa iyong mood at kalaunan ay makaubos ng iyong lakas. Kaya pinakamainam na harapin ng bawat sitwasyon nang patas at makatwiran.
Palaging makipag-ugnayan
Panghuli, ang pakikipag-ugnayan sa matatagal nang kaibigan at kasama ay mahalaga para sa self-care ng extrovert. Maaaring matulungan ng extrovert na mailabas ang magagandang katangian ng iba, lalo na kung mahiyain sila o nawawalan ng pag-asa. Madalas, kinokonsidera ng mga introvert ang kanilang sarili bilang “ampon” ng kanilang mga extrovert na kaibigan.
Sa kasamaang palad, dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, maraming tao ang nawalay sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Dahild ito, bumababa ang kalusugang pangkaisipan ng mga tao sa pangkabuoan. Maaaring maprotektahan ng social distancing ang mga tao laban sa impeksiyon, ngunit kawalan naman ito pagdating sa paghahanap natin na makasama ang isa’t isa.
Parehong naaapektuhan ng matagal na isolation ang introvert at extrovert. Gayunpaman, mas maagang nahihirapan ang mga extrovert at mas matindi. Buti na lang, may mga smartphone at social media site na magagamit upang makipag-ugnayan tayo sa iba nang hindi kailangan ng personal na presensiya. Hindi man ito sapat ngunit mahalagang may nakakausap ang mga extrovert araw-araw.
Key Takeaways
Sa kabuuan, priyoridad sa self-care ng extrovert ang magandang interaksiyon sa kapwa kaysa sa potensiyal na sitwasyon na sobrang nakaka-stress. Mag-isip muna, makiramdam at palaging bantayan ang iyong emosyon. Para sa mga extrovert, mas madalas kang nakikipag-ugnayan, mas nagkakaroon ka ng lakas. Gayunpaman, hindi lang mga introvert ang dapat gumawa ng pagsusuri ng sariling naiisip at emosyon.
Kung napansin mong palagi kang nakararamdam ng pagkapagod at nawawalan ng gana, maaaring panahon na upang makipag-usap sa iyong doktor o sa mental health specialist upang matukoy ang sanhi nito.
Matuto pa tungkol sa Stress Management dito.