backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Pinggang Pinoy: Paano Mo Malalaman Kung Wasto Ang Iyong Kinakain?

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen · Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

    Pinggang Pinoy: Paano Mo Malalaman Kung Wasto Ang Iyong Kinakain?

    Sa panahong ito, ang mga tao ay spoiled sa pagpili ng diet na makatutulong sa kanila upang magpapayat. Ngunit minsan, may mga  bagay na  maaaring napakabilis at nakalilito, lalo na sa mga unang beses na mag-diet. Kaya’t,  isang magandang paraan ng  pag-diet  ay ang paggamit ng pinggang Pinoy. 

    Ang pinggang Pinoy. ay mainam para sa mga taong ayaw mag-diet. Mayroong kaunting pagbibilang ng kaloriya  (depende sa  edad), at ito  ay madaling maunawaan.

    Wala ring mga espesyal na kinakailangan para sa ganitong  diet, kaya hindi  kailangang bumili ng anumang espesyal na uri ng  pagkain.

    Ano ang pinggang Pinoy ? 

    Ang pinggang Pinoy ay simpleng konsepto ng  “balanseng diet.”  Ang balanseng pagkain ay sumasaklaw sa lahat ng mahahalagang grupo ng pagkain at nagbibigay ng lahat ng kinakailangang bitamina at mineral ng katawan.

    Ang paggamit ng meal plate ay ginagawang mas simple ang mga bagay. Sa halip na subukang magbilang ng mga kaloriya o mahigpit sa iyong kinakain, mas nakatuon ang mga meal plate sa pagkontrol. Ipinapakita nito kung anong uri ng pagkain ang kailangan  at kung gaano karami ang kakainin. 

    Nakatutulong ding maiwasan ang pagkakamali ng mga tao pagdating sa laki ng serving.  Ang iba’t ibang uri ng pagkain ay may iba’t ibang laki ng serving. Halimbawa, binibilang ang 1.5 hati ng tinapay bilang isang serving. Sa prutas, ang laki ng serving ay nag-iiba ayon sa uri ng prutas. Ang kalahating hati ng saging, 1 pisngi ng mangga, at 7 piraso ng lansones ay binibilang bilang isang serving bawat isa. Para sa kanin o pasta, kalahating tasa ang isang serving. Ang tuntunin  sa  laki ng serving ay nakalilito sa mga tao, at nagiging mahirap ang pagplano ng pagkain.

    Maaari mong mapansin na ang isang meal plate  ay parang katulad ng isang piramide ng pagkain  dahil ito ay nagpapakita kung anong uri ng pagkain ang kailangang kainin sa bawat proporsyon. Ngunit sa kaso ng meal plate,  mailalarawan ito at maaaring magkaroon ng  madaling oras sa pagsukat ng pagkain na kailangan.

    Anong Uri ng Pagkain ang Kailangan Mong Kainin?

    balanced meal plate

    Kapag gumagamit ng meal plate, ang pagkain na iyong kinakain ay nahahati sa 4 na pangunahing grupo ng pagkain. ito ay binubuo ng sumusunod: 

    • Prutas
    • Gulay
    • Carbohydrate tulad ng bigas, grain, o tinapay
    •  Masustansyang protina

    Narito ang pagkakahati ng bawat pangkat ng pagkain

    Prutas

    Mga prutas ang pinagmumulan ng mga bitamina, mineral, at asukal. Ang pagkain ng prutas ay nagpapanatili ng malakas na katawan at immune system.

    Ang asukal dito ay maaaring magbigay ng higit na kailangang enerhiya, mas mahusay kaysa sa kape o iba pang inuming may caffeine.  Sa katunayan! ang pagkain ng prutas ay hindi nagbibigay ng crashna kadalasang nauugnay sa caffeine o matamis na inumin.

    Siguraduhing pagsama-samahin ang  mga prutas na iyong kinakain. Ang ilang mga prutas tulad ng lychees, mangga, at mansanas ay medyo mataas ang asukal at dapat kainin ng katamtaman. Sa halip, piliing kumain ng citrus at prutas na maasim dahil ang mga ito ay naglalaman ng kaunting asukal at mas maraming bitamina C.

    Gulay

    Tulad ng mga prutas, ang gulay ay lantad ang hatid nito. Subukang  magkaroon ng mas maraming sariwang gulay tulad ng

    • Letsugas 
    • Broccoli
    • Repolyo
    • Carrots
    • Spinach
    • Kamatis 
    • Bawang

    Ang gulay ay nagbibigay sa iyong katawan ng fiber, gayundin ng kinakailangang bitamina at mineral tulad ng iron, zinc, at magnesium na mahalaga upang makontrol ang  bodily  function ng katawan.

    Tandaan,  ang patatas ay maituturing na  gulay, hindi ito kabilang sa pinggang Pinoy. Kaya huwag isama ang  french fries o mashed potatoes!

    Carbohydrates

    Ito ay mahalagang macronutrient na kailangan ng iyong katawan. Ang mga macronutrients ay nutrisyon na kailangan ng iyong katawan. Pinagmumulan ito ng enerhiya  na tumutulong sa katawan sa buong araw. Ang kawalan ng sapat na carbohydrates ay maaaring maging sanhi ng iyong  paghina at pagbaba ng enerhiya.

    Gayunpaman, kapag maraming carbohydrates ay maaaring maging sanhi ng pagtaba, at  makaramdam ng bloated at maaari  ring humantong sa diabetes at cardiovascular.

    Kabilang sa carbohydrates ang pasta, patatas, tinapay, at iba pang  cereal at grains. Dapat unahin ang pagkain ng grains kaysa sa ibang  uri nito. Ngunit kung ito ay napakamahal, o mahirap hanapin, ang  regular na carbohydrates ay maaari na.

    Protina 

    Ang protina ay isang uri ng macronutrients na kailangan ng katawan. Ito ay tumutulong sa pag-aayos ng  tissue ng  katawan, at kailangan sa paggawa ng mga enzyme at hormone. Ang mga buto, kalamnan, cartilage, balat, at dugo ay nangangailangan ng protina.

    Maaaring ang protina ay magmula sa gulay, at  karne mula sa manok, isda, baboy, o baka.

    Paano Gamitin ang pinggang Pinoy? 

    Madali lamang itong gamitin. Kailangang tandaan ang 4 na grupo ng pagkain,  gayundin ang dami ng bawat grupo ng pagkain sa pinggan.

    50% Prutas at Gulay 

    Una, 50% ng mga pagkain ay dapat na binubuo ng gulay at prutas. Ang mga ito ay maaaring maging anumang kumbinasyon ng  gulay at prutas, hangga’t ito ay bumubuo sa kalahati ng pinggan.

    25% Carbohydrates

    Sunod, carbohydrates. Ang mga carbs ay dapat lamang binubuo ng humigit-kumulang 25% o 1/4 ng pinggan, dahil mahalaga ang carbs, ang sobrang pagkain ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng  asukal sa dugo, at maaaring maging sanhi ng pagtaba.

    25% Protina 

    Huli,  25% ng pinggan ay dapat  isang uri ng protina. Dapat ay walang taba ng karne, ngunit ang mga gulay ay maaari ring magbigay sa  ng ilang protina.

    Pansinin, hindi kasama ang mga taba sa isang pinggang Pinoy,  dahil sa pangkalahatan, hindi kailangang kumain ng maraming matatabang  pagkain, at ito ay dapat kainin ng kaunti lamang.

    Narito ang isang biswal  na halimbawa, kung ano ang pinggang Pinoy:

    balanced meal plate

    Key Takeaways

    Mahalagang tandaan na ang   pinggang Pinoy ay nagsisilbing gabay para sa iyong mga pagkain. Kung mayroong partikular na pangangailangan sa pagkain o may  kondisyong pangkalusugan na kailangang lamang kainin, mainam na kumonsulta sa iyong doktor, o isang rehistradong nutritionist-dietitian para gumawa ng meal plate na angkop sa iyo.

    Matuto pa tungkol pa sa Malusog na Pagkain dito.

    Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyu ng Eksperto

    Chris Icamen

    Dietetics and Nutrition


    Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement