Sumisimangot ka pag naririnig mo, nandidiri pag nakita mo, o tatakpan ang ilong pag naamoy mo ito. Maging anuman ang reaksyon mo, bahagi ito ng ating buhay. Ano nga ba ang pinag-uusapan natin? Well, kung hindi mo pa nahulaan, ito ay dumi. Ang feces, poop o dumi ay isang mahalagang bahagi ng ating kalusugan at anatomy. Alam mo ba na may 7 uri ng dumi? Tama ang nabasa mo. At ang mga hugis, laki, at consistency ay nagsasabi ng tungkol sa kalusugan mo.
Ang dumi ay naglalaman ng 25% solid matter at 75% na tubig. Ang solid matter ay kumbinasyon ng bacteria, in inorganic na produkto, at hindi natutunaw na pagkain. Karaniwan, kailangan ng nakonsumong pagkain ng humigit-kumulang tatlong araw upang dumaan sa iyong system at bumuo ng waste products na kilala bilang poop, dumi, o feces.
Pag-usapan natin ang tungkol sa uri ng dumi para malaman natin ang mga palatandaan ng “masamang dumi’ at magpatingin agad sa doktor.
Uri ng Dumi Ayon sa Hugis
Ang Bristol Stool Form Chart ay ginagamit sa medikal na paraan upang uriin ang pagkakapare-pareho at hugis ng dumi. Mayroong 7 kategorya. Tingnan natin ang mga ganitong uri.
Uri ng Dumi 1 : Pebble Poop
Ang ganitong uri ng dumi ay butil butil na matitigas na mahirap ilabas. Karaniwan ang ganitong uri kapag may constipation. Kasing liit ito ng nuts o batong maliliit. Ito ay nanatili sa malaking bituka at colon sa loob ng mahabang panahon, na naging dahilan upang ito ay mapirasong tubig at nutrients. Dahil dito, tumigas ito na parang mga bato.
Sa tagal nito sa bituka at colon, naalis na ang healthy bacteria na binubuo ng colon. Ang bacteria na ito ang humahawak ng tubig sa dumi. Kaya kapag naalis ang healthy bacteria, awtomatikong nawawala ang kanyang kalidad ng water retention.
Uri ng Dumi 2: Matigas
Ito ay matigas na dumi na cylindrical-shaped na tulad ng sausage pero lumpy.
Resulta rin ito ng matagal na pananatili sa bituka ng ilang linggo. Lampas ito sa average na tagal na tatlong araw.
Kaya ito ay natuyo na, pero hindi kayang mapiraso na mas maliliit– palatandaan ng pagtitibi o constipation. Mahirap ito ilabas dahil ito ay malaki at tuyo.
Uri ng Dumi 3: Mahaba na may Crack
Ito ay cylindrical na tulad din ng sausage, pero ito ay may bitak. Tinatawag din itong organic constipation dahil sa hindi maayos na lifestyle at hindi balanseng diet.
Malinaw na palatandaan ito ng unhealthy diet at lifestyle na kulang sa pisikal na aktibidad. Ang may bitak na dumi ay tumatagal sa bituka ng hindi bababa sa isang linggo bago mailabas. Ito ay medyo mahirap mailabas pero hindi masakit.
Uri ng Dumi 4 : Healthy Poop
Katulad ito ng dalawang nauna na cylindrical ang hugis, pero makinis at malambot. Para itong soft-serve ice cream. Ang malusog na duming ito ay karaniwang parang saging.
Nananatili itong buo kahit na i-flush mo ito. Ibig sabihin, mayroon itong tamang balanse ng hindi natutunaw na materyal, bakterya, at tubig. Nangangahulugan din ito na hindi ito lumampas sa oras nito sa bituka.
Uri ng Dumi 5: Soft Blob
Ang uri ng dumi na ito ay malambot pero may clear edges at madaling ilabas. Maaari itong mailabas nang walang sakit o stress. Wala itong hugis dahil nailalabas ito sa katawan dalawa o tatlong beses sa isang araw, kadalasan pagkatapos ng bawat major meal.
Uri ng Dumi 6: Malambot
Sa lahat ng uri ng dumi, ang ganitong uri ay katulad ng pudding na may malambot na mga gilid.Ibig sabihin nasa unang stage ng pagtatae. Ang pagdumi, sa kasong ito, ay karaniwang sinasamahan ng madalas at agarang pagbisita sa banyo. Nagiging malambot dahil sa biglaan at kumpletong pagbabago sa uri ng pagkain, sobrang stress, o activity level.
Ang mga dahilang ito ay nakakaapekto sa bituka kaya mabilis na nailalabas ang dumi kaysa sa normal. Hindi naging kumpleto ang pagkuha ng tubig, indigestible material, at healthy bacteria mula sa dumi. Kaya kulang ang oras ng dumi na bumuo ng hugis.
Uri ng Dumi 7: Matubig
Ang dumi ay maaaring talagang matubig na walang matigas na piraso. Malinaw na indikasyon ito ng acute o chronic diarrhea. Dahil sa impeksyon sa bituka, napipilitang lumabas ang dumi, kasama na ang tubig, bago makumpleto ang proseso ng digestion. Ang resulta ay sumasabog, hindi makontrol na pagdumi.
Natapos na nating talakayin ang mga hugis at consistencies ng uri ng dumi. Ngayon ang oras para sa kulay, na nagsasabi ng mga volume tungkol sa uri ng pagkain at mga sustansyang na-consume. Kaya, magsimula tayo.
Uri ng Dumi Ayon sa Kulay nito
Brown
Ang kulay na ito ay naiiba-iba ng shades mula sa dark brown hanggang light brown. Dahil ito sa pigment na tinatawag na bilirubin. Ang pigment na ito ay ginagawa kapag ang hemoglobin ay na-break down sa atay. Susunod, ang bilirubin ay pumapasok sa mga bituka at sumasama sa dumi upang bigyan ito ng kulay brown.
Normal at healthy ang kulay ng dumi na ito.
Berde
Ang natural ng kulay ng apdo sa gallbladder ay berde. Kapag ang dumi ay dumaan sa bituka nang mas mabilis sa karaniwan, hindi nagkakaroon ng sapat na oras na mawala ang berdeng kulay at mahalo sa bilirubin.
Karaniwang normal ang berdeng dumi. Maaari ring dahil sa pagkain ng berdeng gulay o berdeng pagkain. Gayunpaman, kung may ibang sintomas tulad ng pagtatae o pagsusuka, kumunsulta sa isang doktor. Ito ay maaaring senyales ng Crohn’s disease.
Itim
Ang kulay na ito ay senyales na ang dumi ay naglalaman ng tuyong dugo. Ang panloob na pagdurugo sa isang bahagi ng katawan na malayo sa bituka, malayo para matuyo ang dugo sa oras na umabot ito sa bituka at sumama sa dumi, ay nagbibigay ng itim na kulay sa dumi.
Kung ito ang madalas na kulay ng dumi sa loob ng ilang magkakasunod na araw, bumisita kaagad sa doktor. Maaaring ito ay sintomas ng isang underlying medical condition.
Dilaw
Kapag ang taba mula sa dumi ay hindi na-aabsorb, ito ay nagiging dilaw.
Nangyayari ito dahil sa mga sakit na nagdudulot ng pamamaga sa pancreas, parasites, o mga congenital na sakit. Magpatingin sa doktor kung ang iyong dumi ay dilaw nang higit sa dalawang araw.
Puti
Ang kakulangan ng sapat na bile salts na hinalo sa dumi sa bituka ay nagbibigay ng maputla o puting shade. Ito ay maaaring mangyari dahil sa mga problema sa atay, pagbara ng bile duct, at gallstones. Higit pa sa puting dumi, ang maputla at kulay clay na dumi ay isang dahilan ng pag-aalala.
Blue
Ang pagkain ng maraming edible blue dye ay hahalo sa dumi kaya may ganitong kulay. Gayunpaman, mayroong pagkakaiba sa blue at blue-green. Kung ito ang huli, kumunsulta agad sa doktor.
Pula
Ang pagdurugo sa lower intestine, kadalasan dahil sa almoranas, ay nagdudulot ng pulang dumi. Agad na humingi ng payo ng isang doktor kung mangyari ito.
Matuto nang higit pa tungkol sa pagpapanatili ng iyong digestive health dito.
[embed-health-tool-bmi]