avatarbadge

Corazon Marpuri

Author's Profile

Nagtapos ng BSE-English sa Philippine Normal University, si Corazon R. Marpuri ay isang gurong may malawak na karanasan sa pagtatrabaho sa mga institusyong nauugnay sa edukasyon, kabilang  ang  isang NGO or non-government organization.

Nagtataglay ng kasanayan sa komunikasyon, pag-eedit, quality assurance,  training/mentoring, at pagtuturo ng English, hinasa niya ang kanyang mga kakayahan sa pamamagitan ng kanyang dedikasyon at debosyon sa mga trabahong may kaugnayan sa pagtuturo.

Isang dating English teacher, classroom adviser, school paper moderator sa isang Filipino-Chinese Catholic school sa Maynila kung saan siya ay nagsilbi sa loob ng 18 taon, ibinahagi rin niya ang kanyang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pagiging Senior Evaluator/Editor ng English essays mula sa Japan, at sa pamamagitan din ng pagiging mentor/trainer ng core skills sa mga out-of-school youth ng isang non-government organization / NGO.

Masigasig sa pagtuturo at sa pagkatuto, siya ay nagsusulat din ng maikling tula, kwento, at iba pang uri ng panitikan sa English at sa Filipino bilang kanyang libangan.

Ang kanyang interes sa pagta-translate ay nag-uugat sa kanyang karanasan sa isang Voice Acting short course kung saan niya naranasan na magsalin sa Filipino ng English scripts para sa Korean drama.