Para sa sinumang nag-try mag-exercise, ang tanong na “Bakit ako hirap mag-ehersisyo?” ay malamang na naitanong na nila. Hindi mo sila masisisi. Kailangan ng sobrang effort at disiplina sa pag-eehersisyo. Hindi madali para sa lahat na makahanap ng tamang motivation sa ehersisyo. Mas karaniwan para sa mga tao na gumawa ng mga excuse at huminto sa pag-eehersisyo sa halip na gawing bahagi ng kanilang lifestyle ito.
Pero ano ang mga pangunahing dahilan kung bakit nawawalan ng interes ang mga tao sa pag-eehersisyo? Kung naisip mo na “Bakit ako hirap mag-ehersisyo?” narito ang isang listahan ng 10 sa mga pinaka karaniwang dahilan kung bakit, pati na rin ang mga hakbang na pwedeng gawin para malampasan ang mga hadlang na ito.
Bakit ako hirap mag-ehersisyo?
Hindi makatotohanang expectations
Isa sa mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit nawawalan ng motivation ang mga tao sa pag-eehersisyo ay ang kanilang mga unrealistic expectations sa sarili. Kapag hindi nila naabot ang kanilang mga goals, malamang na madismaya sila at mawalan ng gana mag-ehersisyo.
Halimbawa, pagdating sa weight loss, ang focus ng mga tao ay pagbabawas ng maraming timbang sa maikling oras hangga’t maaari. Maaaring gusto nilang magbawas ng timbang sa loob ng isang buwan o higit pa.
Pero ang totoo, ang ideal target ay isa hanggang dalawang pounds na bawas sa timbang every week. Ito ang perpektong target, at ito ay isang mas napapanatiling goal. Kaya kapag nagsisimula ng exercise regimen, siguraduhing pasiglahin ang iyong expectations at mag-set ng makatotohanang goals.
Walang short-term goals
Bukod sa mga unrealistic expectations, ang isa pang madalas na problema ay ang hindi maabot na mga short-term goals.
Ang pagkakaroon ng mga short-term goals ay nagpaparamdam sa iyo ng progress mo.
Nakakatulong ito sa iyong manatiling on track at focused sa pwede mong makamit sa maikling panahon.
Halimbawa, kung gusto mong mabawasan ng 50 pounds, magfocus muna sa pagbabawas ng kahit 2 pounds kada linggo. Ibig sabihin ang iyong monthly goal ay hindi dapat bababa sa 8 pounds. Nagiging mas madaling makamit ang goal kung mas maliliit ang mga ito. Dahil hindi mawawala ang motivation mo.
Masyadong pagod na mag-ehersisyo
Isa pang madalas na sagot sa tanong na “Bakit ako hirap mag-ehersisyo?” Maaaring maging medyo nakakalula mag-ehersisyo ng 30 minuto hanggang isang oras araw-araw. Ito ay lalo na pagkatapos ng 8 oras sa trabaho!
Ang nakakagulat, ang solusyon dito ay ehersisyo lang! Pinapapagod ng ehersisyo ang mga kalamnan mo, ngunit nakakatulong ito na pasiglahin ang iyong utak. Ang pagtaas ng daloy ng dugo ay nakakatulong na palakasin ang energy levels mo. Ito rin ay maaaring magpababa ng pakiramdam ng pagkapagod o fatigue.
Kaya’t sa susunod na makaramdam ka ng pagod, subukan ang mabilis na 30 minutong ehersisyo. Magugulat ka na energized ang pakiramdam mo!
Walang sapat na oras
Bukod sa sobrang pagod, posibleng magreklamo ang mga tao na wala silang sapat na oras para mag-ehersisyo. Ito ay totoo lalo na sa mga taong nagtatrabaho ng mahabang oras, o para sa mga nakatira malayo sa opisina.
Ngunit sa halip na maghanap ng oras para mag-ehersisyo, bakit hindi maglaan ng oras dito? Ang susi ay para makahanap ng hindi bababa sa 30 minuto sa iyong iskedyul kung saan wala ka talagang ginagawa. Maaaring ito ang oras mo sa panonood ng TV, paglalaro, o pagtatamad-tamaran lang.
Maaari ka ring magsimula sa pamamagitan lamang ng paglalaan ng 10 minuto bawat araw, at unti-unting dagdagan ito habang naglalaan ka ng oras para mag-ehersisyo.
Madaling magsawa
Bakit hirap mag-ehersisyo? Maaaring maging boring ang pag-eehersisyo, lalo na kung palaging pareho lang ang ginagawang ehersisyo.
Para hindi mangyari ito, subukang ibahin ang mga bagay!
Pwede mong subukan ang yoga this week, at sa susunod na linggo ay body exercises. Sa susunod pang linggo pwede ang jogging para masubukan ang endurance mo.
Hindi kailangan na manatili ka sa isang routine kapag nag-eehersisyo. Ang susi ay ang paghahanap kung anong mga ehersisyo ang effective para sa iyo at iba-ibahin ito.
Masyadong unhealthy ang pakiramdam para mag-ehersisyo
Maaaring mahiya ang mga taong obese o overweight na mag-ehersisyo sa gym. Maaari din nilang maramdaman na sila ay masyadong unhealthy para mag-ehersisyo, kaya hindi sila gumagawa ng paraan.
Pero ang katotohanan ay kahit na ang basic exercises araw-araw ay maaaring makatulong sa kanila ng maging fit.
Kung ikaw ay obese o overweight, mag-focus sa mga ehersisyo na may low impact na kaya mong gawin at mag-eenjoy ka. Huwag mag-alala sa mga masyadong advanced na bagay. Magsimula na mabagal at unti-unting magdagdag ng ehersisyo habang nakikita mo na mas lumalakas at lumulusog ka.
Hindi makapunta sa gym
Isa pang madalas na dahilan kung bakit hirap mag-ehersisyo ay hindi makapunta sa gym. Pero ang totoo ay hindi mo talaga kailangan ng anumang magarbong kagamitan para manatiling malusog at fit.
Maraming mga epektibong ehersisyo na maaari mong gawin sa bahay na walang anumang espesyal na kagamitan. Mayroon ding maraming mapagkukunan na magagamit online na makakatulong sa pagbibigay sa iyo ng exercise routines na madali mong magagawa sa bahay.
Mga negatibong kaisipan
Ang isa pang malaking problema na mayroon ang mga tao pagdating sa pag-eehersisyo ay ang kanilang ng mga negatibong pag-iisip. Pwedeng maging sanhi ng pagkawala ng motivation ang mga negative thoughts, at kawalan ng gana mag-ehersisyo.
Ang susi sa pag-aalis ng mga negatibong kaisipan ay ituon ang iyong pansin sa ibang bagay. Sa tuwing nakakaramdam ka ng lack of motivation, o pakiramdam na maaaring hindi ka gumagawa ng sapat na ehersisyo, mag-isip ng ibang bagay.
Kailangan mong sabihin sa iyong sarili na nagsusumikap ka at iyon lang ang kailangan mong malaman.
Paghahambing ng iyong sarili sa iba
Sa pagtaas ng mga influencer sa social media, ang mga tao ay posibleng maging insecure o mainggit sa ibang mga tao na may fit at malusog na katawan.
Malinaw, maaaring nakakawalang gana ang mag-ehersisyo ng maraming buwan at hindi pa rin makuha ang katawan na tulad ng ilang celebrity o influencer.
Ngunit dapat tandaan na ang mga celebrity at influencer na ito ay karaniwang nag-eehersisyo ng ilang oras araw-araw. Maaaring mayroon din silang team ng trainers at nutritionists na nag-aasikaso sa kanila para maging ganoon sila kaganda.
Hindi lahat ay maaaring magmukhang isang celebrity, at okay lang ‘ýon! Ang importante ay nagsusumikap ka na maging “the best” sa abot ng makakaya mo, at ginagawa mo ito para sa health mo.
Hindi sapat na motivated na mag-ehersisyo
Lastly, nawawalan ng motivation ang mga tao pagdating sa exercise. Talagang frustrating ito. Dahil hirap mag-ehersisyo at maaaring nakakapagod. Kaya mabilis kang mawalan ng interes sa pag-eehersisyo.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang tingnan ang ehersisyo bilang isang habit, at bahagi ng lifestyle. Huwag mong tingnan ito na isang bagay na ginagawa para lang pumayat.
Sa halip, ituring ang ehersisyo na isang mahalagang aktibidad sa pang-araw-araw na buhay. Ang simpleng pagbabagong ito sa mindset mo ay makakatulong para sa motivation at makakatulong na manatili ka sa tamang landas.