Mayroong ilang mga tao na kapansin-pansin ang pangangalit ng ngipin. Ngunit posible rin namang hindi lang namamalayan ng iba na nangyayari ito sa kanila sa kadahilanan na ito ay nagaganap sa kanilang pagtulog. Alamin sa artikulong ito kung may pagkakaiba ba ang dalawa at anu-ano ang mga posibleng sanhi nito.
https://wp.hellodoctor.com.ph/fil/oral-kalusugan/isyu-oral-kalusugan/paano-maiiwasan-ang-singaw-ano-ang-dapat-gawin/
Ano Ang Pangangalit Ng Ngipin?
Ang pangangalit ng ngipin, o teeth grinding sa Ingles ay tumutukoy sa isang kondisyon kung saan nangangalit ang iyong mga ngipin. Ito ay kinikilala rin sa medikal na terminong bruxism.
Maaari itong mangyari kapag ikaw ay gising (awake bruxism) o sa iyong pagtulog (sleep bruxism).
- Awake bruxism. Ito ay ang uri kung saan may kamalayan ka sa pangangalit. Kadalasan itong nauugnay at nangyayari bilang reaksyon sa mga emosyonal na isyu. May mga taong maaaring nangangalit ang ngipin buhat ng pakiramdam ng pagkabalisa, pagka-stress, o pagkagalit. Gayunpaman, posible rin itong mangyari sa mga taong nagiging tutok sa isang bagay. Dahil kapansin-pansin naman ito, maaaring kusang matigil ang pagsasagawa nito.
- Sleep bruxism. Ang sleep bruxim ay ikinokonsidera bilang isang sleep-related movement disorder. Hindi tulad ng nauna, ito ay maaaring magdulot ng higit na pinsala. Ito ay marahil hindi mo namamalayan na nangyayari at kung gaano na ito kalakas. Posibleng gumamit ng 250 pounds na force para rito, dahilan para humantong sa pananakit ng panga at iba pang problema sa ngipin. Bukod pa rito, malaki rin ang posibilidad na makaranas ng pananakit ng ulo at magkaroon ng iba pang sleep disorders. Ang paghihilik at sleep apnea ay ilan lamang sa mga halimbawa.
Ano Ang Sintomas Ng Pangangalit Ng Ngipin?
Kadalasan, hindi alam ng mga tao na mayroon na sila ng naturang kondisyon. Naaapektuhan ang hanggang sa isang-katlo ng mga nasa hustong gulang sa umaga. Samantala, higit sa 1 sa 10 naman sa kanilang pagtulog.
Maaaring magkakaiba ang mga senyales at sintomas sa bawat tao, ngunit ilan sa mga karaniwan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Pagkaputol ng tulog (sleep disruption)
- Pananakit ng ulo o mukha, lalo na sa umaga
- Pananakit ng tenga
- Pagiging sensitibo ng ngipin
- Masakit o maluwag na ngipin
- Pananakit habang kumakain
- Pagkabasag o pagkasira ng ngipin
- Lock jaw
- Jaw dislocation
- Popping o clicking sa temporomandibular joint (TMJ)
- Abraded teeth
- Tongue indentations
- Masakit na jaw muscles
- Pinsala sa loob ng pisngi
Ang pagkatanggal ng tooth enamel ay maaari ring maglantad sa ilalim na dentin, dahilan para maramdaman ang pananakit.
Bakit Nangyayari Ang Pangangalit Ng Ngipin?
Ang naturang kondisyon ay karaniwan sa mga bata. Ngunit madalas naman itong humihinto kapag nasa hustong gulang na at lumabas at lumaki na ang kanilang mga adult teeth.
Kadalasang nauugnay ang pangangalit ng ngipin sa mga sumusunod na dahilan:
- Stress at anxiety
- Sleep disorders tulad ng paghilik at sleep apnea
- Pag-inom ng ilang mga gamot, kabilang ang selective serotonin reuptake inhibitors (SSRIs) na isang uri ng antidepressant medicine
Bukod sa mga nabanggit, maaari ring makaapekto ang ilang lifestyle habits tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at kape, maging ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot tulad ng ecstasy at cocaine.