Nagkakaroon ang isang tao ng masakit na ngipin kapag ang pulp na nagtataglay ng mga blood vessels, nerves, at tissues sa loob ng ngipin ay namamaga at naapektuhan. Ang mga pulp nerves na ito ay itinuturing na pinakasensitibong parte ng katawan. Kung kaya ito ay nagiging pangunahing dahilan kung bakit nakararamdam ng pananakit sa loob o sa paligid ng ngipin.
Maaaring magmula ang minor toothaches sa pansamantalang pangangati ng gilagid na maaari namang gamutin sa bahay. Samantala, ang mga malulubhang toothaches ay dulot ng mga problema sa ngipin at bibig. Ang mga ganitong uri ay nangangailangan na ng tulong at eksperto ng dentista upang mabigyang lunas.
Ilan sa mga karaniwang sintomas ng masakit na ngipin ay ang mga sumusunod:
- Pananakit na nailalarawan bilang tumutusok, tumitibok, o patuloy. Ang ilang mga tao ay nararamdaman lang ang naturang sakit kapag naglalagay ng presyon sa ngipin.
- Pananakit habang kumakain
- Pamamaga sa paligid at sa loob ng ngipin
- Pamamaga ng panga at mukha
- Pagdurugo ng mga ngipin o gilagid
- Pagiging maselan sa pagkain (mapa mainit, malamig, matamis, o maanghang man ito)
- Lagnat
- Sakit ng ulo
- Foul-tasting drainage mula sa apektadong ngipin
- Mabahong amoy mula sa bibig
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap