backup og meta

Shelf-Life Ng Pagkain

Shelf-Life Ng Pagkain

Mahalagang paksa ng usapan ang shelf-life ng pagkain partikular sa panahon ngayon na ang food storage at food delivery ay laganap. Kapag laging sariwa at hindi panis ang pagkain, nananatili itong edible, masustansya, maganda sa paningin, at malasa. Ang lahat na ito ay mahalaga sa paghahahain ng pagkain.   

Pag-unawa sa Shelf-Life ng Pagkain: Kailan Itinuturing na Sira ang Pagkain?

Karaniwan, ang pagkain ay sira na kapag hindi na ito katanggap-tanggap sa mamimili. Ang pinakamasamang kaso ng pagkasira ay kapag food safety na ang isyu. Ito ay maaaring magdulot ng sakit o matinding kaso ng kamatayan.

Ang hindi gaanong seryosong kaso ng pagkasira ng pagkain ay makikita kapag ang kulay, lasa, texture, o aroma ng pagkain ay nag-deteriorate hanggang sa punto na hindi na ito katanggap-tanggap. Kapag nag-deteriorate na ang pagkain sa puntong kulang na ang nutritional value nito, ito ay sira na. Shelf-life ng produkto ang tawag sa oras na kinakailangan para sa isang food product na maabot ang isa sa mga kondisyon ng pagkasira.  

Lahat ng pagkain ay natural na naglalaman ng maliit na halaga ng bakterya. Kaya lang ang hindi tamang handling, pagluluto o storage ng pagkain ay maaaring magresulta sa pagdami ng bacteria. Ito ay sa puntong maaari silang magdulot ng mga sakit. Dagdag pa rito, ang karamdaman ay maaari ding sanhi ng mga parasite, virus, lason, at kemikal kapag na-contaminate nila ang pagkain.

Storage at refrigeration     

Ang ilang pagkain ay mas madaling kapitan ng mga pathogens. Tulad ng bacteria o toxins na maaaring makapagdulot sa iyo ng sakit. Dito pumapasok ang refrigeration. Ang refrigeration ay matagal nang naging wastong paraan upang makatulong sa pag-iimbak at pag-iingat ng pagkain. Ito ang dahilan kaya humahaba ang shelf-life ng pagkain. Ginagamit ang refrigeration sa lahat ng stages, mula sa pagproseso ng pagkain, hanggang sa pamamahagi, retail, at ang pagkonsumo sa mga tahanan.  

Ang global food industry ay gumagamit ng parehong mga proseso ng chilling at freezing. Pinalalamig ang pagkain mula sa kapaligiran hanggang sa mga temperaturang higit sa 0 °C sa chilling process. Samantala ang freezing ay nangangailangan ng mga temperatura sa pagitan ng −18 °C at −35 °C. Ginagawa ang mga ito upang mapabagal ang pisikal, microbiological, at kemikal na aktibidad na nagdudulot ng pagkasira ng pagkain.

Habang ang karamihan sa atin ay sanay kumain ng mga tira, ito ay kadalasang ginagawa sa pagkain na sa tingin natin ay ligtas pa ring kainin at nasa loob ng shelf-life ng pagkain. Ang dahilan kung bakit kinakain pa rin natin ang tira ay dahil sa ating kaalaman sa mga uri ng pagkain, wastong pag-iimbak, at paghahanda. Gayunpaman, karaniwang nakasanayan nang itapon ang mga natira sa loob ng tatlong araw. 

Shelf life ng pagkain para sa pag-iimbak

Mas mababang panganib na pagkain

  • Prutas at gulay – Kapag ang prutas ay nahugasan at nilinis ng mabuti, maaari itong itabi sa loob ng 3-5 araw. Ang mga natirang gulay, kapag niluto at nakalagay sa airtight container, ay maaari sa refrigerator ng 3-7 araw.
  • Tinapay – Ang homemade na tinapay ay maaaring tumagal ng tatlong araw sa room temperature. Samantala ang binili sa tindahan ay ligtas na kainin ng hanggang isang linggo maliban kung magkaroon ito ng amag. Ang paglalagay ng tinapay sa refrigerator ay maaaring magpahaba ng kanilang shelf-life ng 3-5 araw.

Mas mataas na panganib na pagkain

  • Lutong kanin – Ang kanin ay dapat na nakaimbak at pinalamig sa loob ng isang oras ng pagluluto nito dahil ito ay maaaring magdala ng mga spore ng Bacilius cereus. Ang bacterium na ito ay gumagawa ng mga lason na maaaring magdulot ng sakit.
  • Karne at manok – Maaaring tumagal sa refrigerator ang giniling na karne at manok na niluto sa isang ligtas na temperatura ng hanggang dalawang araw hangga’t ito ay nakaimbak ng mababa sa 5 °C. Ang karne at manok, tulad ng mga steak, fillet, chops, at roasts, ay tumatagal ng 3-4 na araw sa refrigerator.
  • Shellfish, itlog, sopas, at nilaga – Dahil ang mga itlog ay maaaring magkalat ng Salmonella, ang mga shelled hard-boiled na itlog ay dapat kainin sa loob ng isang linggo pagkatapos maluto at ilagay sa refrigerator. Dapat ubusin ang shellfish at isda sa loob ng tatlong araw. Ito ay dahil maaari silang maging lugar ng maraming pathogens o toxins. Ang sopas at nilaga ay karaniwang tumatagal ng 3-4 na araw sa refrigerator.

Key Takeaway

Bagaman ang shelf-life ng pagkain ay pwedeng tumagal sa pamamagitan ng storage at refrigeration, mas mainam na ubusin ang pagkain sa lalong madaling panahon. Ang bacteria at toxins na maaaring magawa ng iba’t ibang uri ng pagkain habang unti-unting nasisira ay maaaring makapinsala sa katawan ng tao.
 

Alamin ang tungkol sa Iba Pang Mga Tip sa Malusog na Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Understanding and measuring the shelf-life of food, https://books.google.com.ph/books?, Accessed November 22, 2021

Temperature performance and food shelf-life accuracy in food supply chains – Insights from multiple field studies,

https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0956713517305145, Accessed November 22, 2021

A review of emerging technologies for food refrigeration applications, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1359431109002737, Accessed November 22, 2021

How Long Do Leftovers Keep? https://www.healthline.com/nutrition/how-long-are-leftovers-good-for, Accessed November 22, 2021

Foodborne illness, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-food-borne-illness/basics/art-20056689, Accessed November 22, 2021

Kasalukuyang Version

01/11/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement