Ang ating kinakain ay maaaring magkaroon ng epekto ng higit pa sa ating kalusugan. Sa katunayan, may ilang mga memory- boosting na pagkain at nakakatulong din na patalasin ang isip.
Basahin dito kung ano ang mga pagkaing ito, at paano ito maisasama sa iyong diet.
5 Memory-boosting na pagkain
Ayon kay Dr. Uma Naidoo, isang nutritional psychiatrist at isang faculty member ng Harvard Medical School. Mayroong ilang mga pagkain na maaaring kainin para patalasin ang iyong isip. Sa katunayan, naglathala pa siya ng isang libro tungkol dito. Ito ang “This is Your Brain on Food.” Dito ay kanyang idinetalye ang mga epekto ng pagkain sa utak. Bukod sa nakakaapekto sa kalusugan ng ating utak, ibinahagi niya na ang pagkain ay maaari ding makaapekto sa ating kalooban, at sa gayon ang ating kalusugan sa isip.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang kumain ng mga tamang pagkain upang mapanatiling malusog ang ating utak, at mapanatili ang mabuting memory. Narito ang ilan sa mga pagkain na personal niyang kinakain upang makatulong na mapanatili ang kalusugan ng kanyang utak:
Mga berry
Ang mga berry sa pangkalahatan ay naglalaman ng maraming bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan at memory. Ngunit partikular ang mga maitim na berry, tulad ng mga blackberry, blueberry, at seresa, ay naglalaman ng maraming flavonoid at anthocyanin. Napatunayan na ang mga ito ay nagpapabuti ng brain function, pati na rin ang memory.
Ang mga berry ay mahusay bilang meryenda at maaaring mabilis na magbigay ng enerhiya kapag nag-eehersisyo. Pinakamahusay na kinakain ang mga ito ng sariwa, ngunit ang mga pinatuyong berry ay mahusay din. Tandaan lang na ang mga pinatuyong berry ay maaaring may mas maraming asukal kaysa sa mga sariwa, kaya huwag kumain ng sobra.
Mga Gulay na Berde
Hindi na bago na ang berdeng madahong gulay ay isa sa pinakamasustansyang pagkain na maaaring kainin ng isang tao. Bukod sa pagiging punung-puno ng fiber, ang berdeng madahong gulay ay naglalaman din ng mga bitamina, mineral, at halos walang taba.
Isa ito sa mga memory-boosting na pagkain dahil naglalaman ang mga ito ng bitamina K, lutein, folate, at beta carotene. Ang mga sustansyang ito ay maaaring makatulong na mapanatili ang paggana ng utak at maiwasan ang pagbaba ng cognitive.
Hangga’t maaari, dapat kang kumain ng berdeng madahong gulay araw-araw. Dapat silang palaging maging pangunahing bahagi ng iyong mga pagkain.
Cocoa
Maaaring matuwa kang malaman na ang kakaw o cocoa ay isang memory-boosting na pagkain. Ang kakaw ay mayaman sa flavonoids, na isang uri ng antioxidant na nakakatulong na maiwasan ang pinsalang dulot ng kolesterol sa katawan. Maliban dito, mayroon din itong arginine na nakakatulong sa pagpapabuti ng daloy ng dugo sa utak. Ito naman ay makakatulong na mapabuti ang paggana ng utak, at memory.
Tandaan na hindi ito nangangahulugan na maaari kang mag bingeing sa milk chocolate. Ang gatas na tsokolate ay naglalaman ng maraming taba at asukal, na maaaring maging lubhang hindi malusog. Kaya pinakamainam na kumain ng dark chocolate, o gumawa ng masustansyang inuming kakaw na may fat-free milk at kaunting asukal lamang.
Turmeric
Ang turmeric ay napag-alaman na nagpapahusay ng daloy ng dugo sa utak ng isang tao, at naglalaman din ito ng isang compound na tinatawag na curcumin na tumutulong sa paglaban sa pamamaga. Ang turmeric ay madaling mahanap, at maaari ka ring bumili ng turmeric ginger tea sa mga supermarket.
Oily Fish
Panghuli, ang mamantikang isda tulad ng tuna, mackerel, salmon, at sardinas ay mahusay na mga memory-boosting na pagkain. Ito ay dahil mayaman sila sa omega-3 fatty acids na makakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng utak, pati na rin ang pagpapababa ng mga antas ng kolesterol sa katawan.
Ang mga ito ay isa ring mas malusog na alternatibo sa karne ng baka at baboy, at isa ring magandang mapagkukunan ng protina at iodine. Subukan ang fish-based diet, at tiyak na makikita mo ang ilang positibong resulta sa iyong kalusugan.
Key Takeaways
Kasama ng ehersisyo, ang isang malusog na diet ay nagpapanatili sa atin na malakas at walang sakit at karamdaman.
[embed-health-tool-bmi]