backup og meta

Masustansyang Pagkain Para sa Puso: Anu-ano ang Dapat Mong Kainin?

Masustansyang Pagkain Para sa Puso: Anu-ano ang Dapat Mong Kainin?

Iba’t iba ang mga dahilan kung bakit madalas natin marinig ang payong kumain ng mga masusustansyang pagkain. Isa na dito ang pagnanais na magkaroon ng magandang pangangatawan. Maaari rin naman ito ay dahil sa kagustuhang umiwas sa anumang uri ng sakit. Ngunit, alam mo ba na mayroong mga masustansyang pagkain para sa puso? Halina’t alamin natin kung ano-ano ang mga ito.

Isa ang sakit sa puso sa mga pinakanakamamatay na kondisyon na mundo. May ilang mga partikular na pagkain na kilalang nagpapataas ng panganib sa sakit sa puso. Sa katunayan, ang ilang mga pagkain ay maaaring makaimpluwensya sa mga sumusunod:

Ang mga ito ay maaaring maugnay sa panganib para sa sakit sa puso. Kung kaya, malaki ang gampanin ng diyeta sa pangkalahatang kalusugan. Makatutulong kung alam mo kung ano mga masustansyang pagkain para sa puso at kung aling mga pagkain ang dapat limitahan tungo sa heart-healthy diet.

Anu-ano ang mga Masustansyang Pagkain Para sa Puso?

Narito ang ilan sa mga masustansyang pagkain para sa puso na maaari mong ipasok sa iyong diyeta:

Mga berdeng gulay 

Ang mga gulay na kabilang sa kategoryang green leafy vegetables tulad ng spinach, kale, Swiss chard, at maging ang pechay ay mainam para sa iyo dahil sagana ito sa mga nutrisyon. Naglalaman ang mga ito ng vitamin K na may taglay na proteksyon para sa mga arteries. Dagdag pa rito, nakatutulong din ang mga naturang gulay para sa wastong pamumuo ng dugo. 

Ayon sa isang pagsusuri, ang pagdagdag ng green leafy vegetables sa diyeta ay nakatulong sa pagbaba ng kaso ng sakit sa puso na hanggang 16%. 

Sa kabilang banda, ang iba pang berdeng gulay tulad ng broccoli at asparagus ay may kaakibat din na sustansya. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:

Mga prutas

Kung mayroong mga gulay na kabilang sa masustansyang pagkain para sa puso, mayroon din namang mga prutas na pwede ihanda. 

Ang oranges, cantaloupes, papaya, at avocadoes ay mayaman sa mga sumusunod na nutrisyon na mainam para sa kalusugan ng puso:

  • Beta-carotene
  • Potassium
  • Magnesium
  • Fiber

Bukod sa mga nasabing prutas, kilala rin ang mga berries, tulad ng strawberries, blueberries, rasberries, at blackberries, na mayaman sa antioxidanys. Isa sa mga naturang antioxidants ay ang anthocyanins na responsable sa iyong puso. Pinoprotektahan nito ang puso mula sa oxidative stress at pamamaga na maaaring makaambag sa pagunlad ng sakit sa puso. 

Mga mani

Ang mga masustansyang mani tulad almonds at walnuts ay nakatutulong hindi lang para maibsan ang iyong gutom, pati na rin sa iyong puso. 

May taglay na heart-healthy monounsaturated fats at fiber ang almonds na nakatutulong bilang proteksyon laban sa sakit sa puso. Samantala, kapansin-pansin naman din sa ilang pag-aaral ang epekto ng regular na pagkain ng walnuts sa sakit sa puso.

Mga isda

Ginagampanan ng mga fatty fish, na kung tawagin, ang responsibilidad na protektahan ang puso mula sa panganib ng anumang cardiovascular disease. Napagalaman din sa isang pananaliksik na ang pagkain ng isda ay nakakapagpababa rin ng panganib sa depression, maging sa buhay.

Ilan sa mga isda na mayaman sa omega 3 ay ang mga sumusunod:

  • Salmon
  • Tuna
  • Mackerel
  • Herring
  • Trout

Dark chocolate

Sa iba’t ibang uri ng tsokolate, ang dark chocolate raw ang pinakamasustansya sa lahat tulad ng ibang nabanggit na masustansyang pagkain para sa puso, ito ay naglalaman ng mga antioxidants. 

Ayon sa isang pag-aaral, ang katamtamang pagkonsumo ng tsokolateng ito (mas mababa sa 6 na servings sa isang linggo) ay maaaring makapagbawas ng iyong panganib sa coronary heart disease, stroke, at diabetes. 

Mga Tips kung Paano Maiwasan ang Iba’t ibang Sakit sa Puso

Dahil nauunawaan namin na hindi basta-basta ang pagdagdag ng ilan sa mga nabanggit na masustansyang pagkain para sa puso, mayroong kaming inihandang mga madadaling tips na maaari mong sundan sa iyong proseso tungo sa iyong heart-healthy diet. 

  • Kontrolin ang pagkain sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng portion size ng bawat klase ng pagkain sa iyong plato. Maaari mong gawing mas malaki ang bahagi ng mga prutas at gulay. 
  • Paglimita sa mga pagkain na mayroong mga unhealthy fats (saturated at trans fats) tulad ng mga cookie, keyk at chichirya. Mangyari ring limitahhan ang mga pagkaing mataas ang sodium content. 
  • Ugaliin ang pagplano ng mga kakainin sa pangaraw-araw habang isinasaalang-alang ang mga nabanggit na masustansyang pagkain para sa puso. 
  • Hayaan ang sarili na kumain ng “treat” paminsan-minsan. Hindi naman masamang bigyan ang sarili ng keyk o chichirya, ngunit huwag hayaan itong maging dahilan upang sukuan ang plano tungo sa masustansyang pagkain.

Mahalagang Mensahe 

Maraming benepisyo ang dulot ng pagkain ng mga masustansyang pagkain, Isa na rito ang pagprotekta sa sarili sa anumang uri ng sakit sa puso. Kung kaya, ugaliing kumain nang tama at wasto hindi lang para matamo ang nais mong katawan, higit pa para sa iyong pangkalahatang kalusugan. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Tips sa Masustansiyang Pagkain dito

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart Disease and Stroke Statistics—2017 Update, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5408160/ Accessed May 21, 2022

Healthy eating to protect your heart, https://www.heartfoundation.org.au/heart-health-education/healthy-eating Accessed May 21, 2022

12 Heart-Healthy Foods to Work into Your Diet, https://health.clevelandclinic.org/12-heart-healthy-foods-to-work-into-your-diet/ Accessed May 21, 2022

Heart-healthy diet: 8 steps to prevent heart disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-disease/in-depth/heart-healthy-diet/art-20047702 Accessed May 21, 2022

Berry anthocyanins as novel antioxidants in human health and disease prevention – Shirley Zafra-Stone, Taharat Yasmin, Manashi Bagchi, Archana Chatterjee, Joe A Vinson, Debasis Bagchi, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17533652/ Accessed May 21, 2022

Chocolate Consumption and Risk of Coronary Heart Disease, Stroke, and Diabetes: A Meta-Analysis of Prospective Studies – Sheng Yuan, Xia Li, Yalei Jin, Jinping Lu, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28671591/ Accessed May 21, 2022

Nut consumption and risk of cardiovascular disease, total cancer, all-cause and cause-specific mortality: a systematic review and dose-response meta-analysis of prospective studies – Dagfinn Aune, NaNa Keum, Edward Giovannucci, Lars T. Fadnes, Paolo Boffetta,  Darren C. Greenwood, Serena Tonstad, Lars J. Vatten, Elio Riboli, and Teresa Norat, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5137221/ Accessed May 21, 2022

Omega-3 fatty acids for the primary and secondary prevention of cardiovascular disease – A Jaca, S Durão, J Harbron, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/33403957/ Accessed May 21, 2022

Fish Consumption and the Risk of Chronic Disease: An Umbrella Review of Meta-Analyses of Prospective Cohort Studies – Ahmad Jayedi, Sakineh Shab-Bidar, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32207773/ Accessed May 21, 2022

Nut consumption and incidence of cardiovascular diseases and cardiovascular disease mortality: a meta-analysis of prospective cohort studies – Nerea Becerra-Tomás, Indira Paz-Graniel, Cyril W.C. Kendall, Hana Kahleova, Dario Rahelić, John L Sievenpiper, and Jordi Salas-Salvadó, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6845198/ Accessed May 21, 2022

Role of cis-Monounsaturated Fatty Acids in the Prevention of Coronary Heart Disease – Peter J. Joris and Ronald P. Mensink, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4879159/ Accessed May 21, 2022

The effect of green leafy and cruciferous vegetable intake on the incidence of cardiovascular disease: A meta-analysis – Richard Lee Pollock, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4973479/ Accessed May 21, 2022

Proper Calcium Use: Vitamin K2 as a Promoter of Bone and Cardiovascular Health – Katarzyna Maresz, PhD, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4566462/ Accessed May 21, 2022

Kasalukuyang Version

06/28/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement