backup og meta

Bakit Tumataba Nang Di Inaasahan? Heto Ang Mga Maaaring Dahilan

Bakit Tumataba Nang Di Inaasahan? Heto Ang Mga Maaaring Dahilan

Ang mga pagbabago sa timbang ay normal sa maraming punto sa buhay. Ang ating paglaki at pag-unlad — lalo na sa panahon ng pagdadalaga at middle age — ay nagiging sanhi ng pagbabago-bago ng ating timbang bawat taon. Kahit sa loob ng isang araw, ang ating timbang ay nagbabago dahil sa kung paano tayo kumakain at kung paano natin ginagawa ang ating pang-araw-araw na buhay. Sa artikulong ito, tuklasin natin ang mga posibleng dahilan kung bakit tumataba nang di inaasahan at iba pang sintomas ng mga sakit na kadalasang nauugnay dito.

Mga Posibleng Dahilan ng Biglaang Pagtaas ng Timbang

Kadalasan, tayo ay nag-aalala o nag-iisip sa ating pagtaba (o pagpayat). Ito ay lalo na kung hindi sinasadya, at kung minsan ay hindi natin ito napapansin. Habang lumilipas ang mga buwan, kapag nakita natin ang ating mga larawan nang magkatabi, pakiramdam natin ay biglaan ang pagbabagong ito. Gayunpaman, hindi ito dahilan para maalarma. Maliban kung nabawasan o nadagdagan ka ng hindi bababa sa 15% ng iyong timbang sa isang buwan.

Narito ang ilang posibleng dahilan ng biglaang pagtaas ng timbang.

1. Acromegaly

Ang Acromegaly ay isang hormonal na kondisyon na nauugnay sa pituitary gland, na siyang namamahala sa paggawa ng growth hormone. Ito ay isa sa mga posibleng dahilan ng biglaang pagtaas ng timbang. Kapag ang pituitary gland ay gumagawa ng labis nito, na maaaring mangyari sa middle adulthood, maaari kang makaranas ng paglaki ng mga paa, kamay, labi, dila, o ilong. 

Kasama sa iba pang mga sintomas ang pananakit ng mga kasukasuan, lumalalim ang boses, labis na pagpapawis, sleep apnea, at mga skin tag.  

2. Cirrhosis

Ang cirrhosis ay kapag ang malusog na tissue sa atay ay pinalitan ng scar tissue. Nagdudulot ito ng biglaan at matinding pagtaas ng timbang na madalas sa bahagi ng tiyan, na maaaring mukhang malaki. Ito ay dahil ang likido ay namumuo sa loob ng abdominal cavity. Kasama sa iba pang sintomas ang pananakit ng tiyan, namamaga ang mga bukung-bukong, at hirap sa paghinga.

3. Cushing Syndrome

Ang isa pang posibleng dahilan kung bakit tumataba ay isang bihirang sakit na tinatawag na Cushing Syndrome. Ito ay ang mataas na antas ng hormone, cortisol. Ang sakit na ito ay nabubuo bilang resulta ng isang tumor o pangmatagalang paggamot sa steroid. Kadalasan, ang pagtaas ng timbang ay nakatuon sa dibdib, mukha, tiyan, o itaas na likod, habang pinananatiling manipis ang mga braso at binti, depende sa sanhi.  

Kasama sa iba pang mga sintomas ang erectile dysfunction, pagkapagod, hindi regular na cycle ng regla, at panghihina ng kalamnan. Kadalasan, ito ay na-trigger ng mga glucosteroid, na isang karaniwang paggamot para sa rheumatoid arthritis at systemic lupus erythematosus.

4. Fluid Retention

Ang isa sa mga paraan kung paano nagbabago ang timbang sa loob ng isang araw ay ang pananatili ng likido. Gayunpaman, ang mga pagbabagong ito ay maaaring maging mas marahas kung dumaranas ng premenstrual syndrome, nakatayo nang mahabang panahon, o may pamamaga sa ilang bahagi ng katawan.

Maaari rin itong sanhi ng mas kumplikadong mga kondisyon tulad ng pagkabigo ng organ at mga problema sa bato. Kung ang anumang pagbabago ay masyadong marahas at masyadong agaran, siguraduhing makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor.

5. Hypothyroidism

Ang thyroid ay gumagawa ng mga hormone na nauugnay sa metabolismo. Nangangahulugan ito na kapag mayroon kang hindi aktibo na thyroid o hypothyroidism, ang iyong thyroid ay hindi gumagawa ng sapat na mga hormone. Nagiging sanhi ito ng paghina ng iyong metabolismo, na nagreresulta sa iyong pagtaas ng timbang. 

Sinuman ay maaaring masuri na may hypothyroidism sa anumang edad ngunit ito ay pinakakaraniwan sa mga mas nakatatandang kababaihan. Kasama sa iba pang mga sintomas ang paninigas ng dumi, pagkapagod, pakiramdam ng malamig, pagkakaroon ng tuyong balat, buhok, at mga kuko, o naninigas na kasukasuan.

6. Steroid Treatment

Kung ang iyong doktor ay nagreseta ng mga corticosteroid para sa mga sakit tulad ng hika at arthritis, posibleng ang iyong steroid treatment ang dahilan kung bakit tumataba nang di inaasahan.

Maaaring mapataas ng corticosteroids ang iyong appetite. At ang pagkain ng higit pa ay magpapataas ng mga calorie, na humahantong sa pagtaas ng timbang. Siguraduhing humingi ng gabay ng iyong doktor para makatulong na mapanatili ang iyong timbang sa pamamagitan ng iyong plano sa paggamot.

7. Stress

Ang hormone na iniuugnay sa stress ay cortisol at ang hormone na ito ang nagti-trigger ng paglabas o paggawa ng insulin. Pagkatapos ay gumagana ang insulin upang mapataas ang iyong gana, na nagpapaliwanag kung bakit ang stress eating ay isang karaniwang tugon sa mataas na antas ng cortisol. Ito ay madalas na nagpapakain sa iyo ng higit pang mga calorie kaysa sa kailangan. Nagiging sanhi ito ng pagtaas ng timbang at maaaring biglaan kung ikaw ay na-stress at palaging kumakain.

8. Insomnia 

Ipinakita ng pananaliksik na ang insomnia ay nauugnay kung bakit tumataba ng di inaasahan. Ito ay dahil ang mga taong kulang sa tulog ay kadalasang kumakain ng mas maraming carbohydrates sa maghapon bilang pinagkukunan ng enerhiya dahil sa kawalan ng pahinga. Sa paglipas ng panahon, ito ay maaaring biglang  magpagtaas ng timbang kung hindi masusuri at hindi ginagamot.

9. Pagtigil sa Paninigarilyo

Ang nicotine, na nasa sigarilyo, ay isang pampapigil ng gana. Samakatuwid, ang paghinto ay maaaring magdulot ng matinding pagtaas ng appetite na humahantong sa pagtaas ng timbang. Bukod pa rito, kasama sa mga sintomas ng withdrawal ang stress na humahantong din sa labis na pagkain.

Key Takeaways

Ngayong natalakay na ang ilang posibleng dahilan kung bakit tumataba. Mahalagang paalala na humingi ng propesyonal na medikal insight kung nangyari ito sa iyo o sa isang kakilala. Ito ay lalo na kung ang pagtaas ng timbang ay lubhang mabilis o sa isang nakababahalang rate.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nine medical reasons for putting on weight, https://www.nhs.uk/live-well/healthy-weight/nine-medical-reasons-for-putting-on-weight/, Accessed May 15, 2021

hypothyroidism, https://www.thyroid.org/hypothyroidism/, Accessed May 15, 2021

Cushing’s Syndrome, https://www.niddk.nih.gov/health-information/endocrine-diseases/cushings-syndrome, Accessed May 15, 2021

Acromegaly, https://www.niddk.nih.gov/health-information/endocrine-diseases/acromegaly, Accessed May 15, 2021

Kasalukuyang Version

04/19/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement