backup og meta

Bakit Mahalagang Kumain Ng Pagkaing Mayaman Sa Vitamin K?

Bakit Mahalagang Kumain Ng Pagkaing Mayaman Sa Vitamin K?

Iniisip ng ilang tao na ang vitamin K at potassium ay pareho lamang. Ito ay dahil ang potassium ay may simbolong titik K sa periodic table. Ngunit alam mo bang ang dalawang ito ay magkaiba? Ang vitamin K, tulad ng isinasaad ng pangalan nito, ay isang vitamin. Samantala, ang potassium ay isang mineral. Alamin kung paano nakatutulong ang vitamin K sa katawan at kung anu-ano ang mga pagkaing mayaman sa vitamin K.

Ano Ang Vitamin K?

Generic na pangalan ang vitamin K para sa grupo ng compounds na may kemikal na 2-methyl-1,4-naphthoquinone. Natuklasan noong 1920s, ang titik na “K” ay nagmula sa mga salitang Danish at German na koagulation.

Ito ay isang fat-soluble na vitamin na makukuha sa dalawang anyo.

  • Phylloquinone (vitamin K1). Ito ang pinakakaraniwang uri ng vitamin K. Ang mga madadahong gulay na kulay berde ay ilan sa mga pagkaing mayaman dito.
  • Menaquinones (vitamin K2). Ang ganitong uri ng vitamins ay matatagpuan sa mga pagkain ng hayop at mga fermented na pagkain. Ang bakterya sa katawan ng tao, lalo na sa ibabang bahagi ng bituka, ay maaari ding magprodyus ng vitamin K2.

Paano Nagiging Epektibo Ang Pagkaing Mayaman Sa Vitamin K?

Ang vitamin K ay tumutulong sa pagprodyus ng maraming mga protina na kinakailangan para sa pamumuo ng dugo at pormasyon ng buto, bukod pa sa ibang mga bagay. Ang prothrombin (clotting factor II) ay isang vitamin K-dependent na protina na may direktang gampanin sa pamumuo ng dugo. Samantala, ang osteocalcin ay isa pang protina na nangangailangan ng vitamin K upang lumaki ang bago at malusog na tissue ng buto.

Ito ay matatagpuan sa maraming bahagi ng katawan, tulad ng atay, utak, puso, pancreas, at buto. Mabilis na bumababa ang bilang nito at lumalabas mula sa katawan sa pamamagitan ng ihi o dumi. Bilang resulta, kahit sa mataas na dose, ito ay bihirang lumampas sa nakalalason lebel sa katawan, tulad ng maaaring mangyari sa ilang iba pang mga fat-soluble na bitamina.

Tinutukoy ito ng ilan bilang “clotting vitamin” na natural na matatagpuan sa ilang mga pagkaing mayaman sa vitamin K at iba pang dietary supplements.

Ang mga taong umiinom ng blood thinner na warfarin ay pinapayuhang panatilihin ang consistent na dietary intake ng vitamin K. Kung hindi, ang kanilang gamot ay maaaring maging hindi gaanong epektibo.

Pagkaing Mayaman Sa Vitamin K

Ang pagkain ay isa sa pangunahing mapagkukunan ng vitamin K1 (phylloquinone) at K2 (menaquinones). Ang mga madadahong gulay na kulay berde ay ang pinakapangunahing pagkaing pinagmumulan nito na kinabilang ng mga sumusunod:

  • Collard greens
  • Turnip greens
  • Beet greens
  • Mustasa
  • Kale
  • Kangkong
  • Brussels sprouts
  • Swiss chard
  • Repolyo
  • Parsley
  • Romaine
  • Litsugas

Ang mga sumusunod ay ang iba pang mga pagkaing mayaman sa vitamin K:

  • Broccoli
  • Sibuyas
  • Soybean
  • Natto (fermented soybeans)
  • Soybean oil
  • Canola oil
  • Rapeseed oil
  • Olive oil
  • Asparagus
  • Cauliflower
  • Kiwi
  • Isda
  • Atay
  • Karne
  • Itlog

Iminumungkahing Intake Ng Vitamin K

Ginawa ng Food and Nutrition Board (FNB) ang Dietary Reference Intakes (DRI), na nagpapayo ng Adequate Intakes (AI) ng vitamin K at iba pang mahahalagang nutrients para sa araw-araw na pagkonsumo.

  • Sanggol hanggang 6 na buwan – 2 mcg
  • 7 hanggang 12 buwan – 2.5 mcg
  • 1 hanggang 3 taon – 30 mcg
  • 4 hanggang 8 taon – 55 mcg
  • 9 hanggang 13 taon – 60 mcg
  • 14 hanggang 18 taon – 75 mcg
  • 19+ taon — 120 mcg (lalaki) at 90 mcg (babae)

Ang antibiotics ay maaaring malagay sa panganib ang vitamin K na na po-produce ng bakterya sa bituka, at posibleng makapagpababa ng level ng vitamin K sa katawan. Ang mga indibidwal na hindi magana sa pagkain, lalo na habang umiinom ng mga pangmatagalang antibiotic ay maaaring mas may tyansang magkaroon ng deficiency at maaaring mangailangan ng tulong mula sa vitamin K-containing na supplements.

Key Takeaways

Tulad ng anumang uri ng vitamin, ang vitamin K ay nagbibigay ng mga benepisyo sa mga tao tulad ng pagpigil sa mga kondisyong pangkalusugan tulad ng cardiovascular disease, osteoporosis, at osteoarthritis. Maaari din nitong mapabuti ang kognisyon at pagkilos na maaaring makatulong sa araw-araw na gawain.
Katulong ng vitamin D, ang vitamin K ay nakatutulong upang mapanatili ang level ng calcium sa stability ng ating buto. Kaya, mahalagang kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin K upang magkaroon ng malusog na balanseng micronutrients para sa pinakamainam na growth ng buto at kabuoang kalusugan.

Matuto pa tungkol sa iba pang Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Are You Getting Enough Vitamin K?, https://www.aarp.org/health/drugs-supplements/info-2021/vitamin-k.html Accessed February 9, 2022

Vitamin K, https://medlineplus.gov/ency/article/002407.htm Accessed February 9, 2022

Vitamin K, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/vitamin-k/ Accessed February 9, 2022

Vitamin K Content of Foods – Fact Sheet, https://www.nutrition.va.gov/docs/UpdatedPatientEd/VitaminKContentofFoods-nationalboard03-2011.pdf Accessed February 9, 2022

Vitamin K – Fact Sheet for Health Professionals, https://ods.od.nih.gov/factsheets/VitaminK-HealthProfessional/ Accessed February 9, 2022

Vitamin K: foods, functions, how much do you need & more, https://www.eufic.org/en/vitamins-and-minerals/article/vitamin-k-foods-functions-how-much-do-you-need-more Accessed February 9, 2022

Kasalukuyang Version

06/18/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement