Marami ang nagtatanong kung nagkaka-ulcer ba dahil sa stress. Alamin kung paano nagiging sanhi ng ulcer ang stress sa artikulong ito.
Marami ang nagtatanong kung nagkaka-ulcer ba dahil sa stress. Alamin kung paano nagiging sanhi ng ulcer ang stress sa artikulong ito.
Bago tayo tumungo sa pagsagot ng katanungan kung nagkaka-ulcer ba dahil sa stress, atin munang alamin kung ano ang mga stress ulcer.
Ang mga stress ulcer ay tumutukoy sa mga pinsala dulot ng stress sa lining ng tiyang (gastritis) kung saan ang mucosal barrier ng tiyan ay ang nagambala matapos ng isang matinding sakit.
Karaniwang lumilitaw ang mga ito pagkatapos magdusa ang isang tao mula sa malalang mga kondisyon tulad ng:
Ito ay maaaring lumitaw sa anyo ng erosive gastritis, o isang uri ng gastritis kung saan ang lining ng tiyan ay nasira dahil sa pamamaga.
Maaari rin nitong magpakita bilang gastrointestinal bleeding, na mula sa hindi gaanong matindi hanggang sa malubhang pagdurugo.
Pagdating sa katanungan kung nagkaka-ulcer ba dahil sa stress, mayroon dalawang bagay na maaaring mangyari: pagtaas ng paglabas ng gastric acid o pagbaba ng sirkulasyon ng dugo patungo sa mga digestive organs.
Malamang na naramdaman mo na ang “butterflies in your stomach” sa tuwing kinakabahan ka, o marahil nakararanas ka ng heartburn sa tuwing ikaw ay nasa ilalim ng labis na stress. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga posibleng kasagutan sa tanong kung paano nagkaka-ulcer ba dahil sa stress. Maaaring magdulot ng pisikal na pagtugon ang iyong katawan base sa iba’t ibang uri ng stress.
Ito ay kilala bilang ang brain-gut connection, at ang mga siyentipiko ay nagsisimula pa lamang na matuklasan ang koneksyon sa pagitan ng tiyan at utak. Ang brain-gut connection ay nangangahulugan na ang mga problemang nakaaapekto sa mental health, ay posibleng magkaroon ng epekto sa gut health. At isa na rito ang stress ulcers.
Sa kaso ng stress ulcers, pinaniniwalaan na ang stress ay maaaring maging sanhi ng paglabas ng katawan ng isang uri ng hormone na tinatawag na gastrin. Ang hormone na ito ay responsable sa pagkontrol ng produksyon ng gastric acid sa tiyan.
Kapag nagkaroon ng masyadong maraming gastrin, ang katawan ay nagsisimulang gumawa ng mas maraming gastric acid kaysa sa kinakailangan. At ito ay posibleng dahilan ng pagkasira ng lining ng tiyan. Kung ito nga ay masira, maaari itong mamaga dahil sa acid ng tiyan, na siyang maaaring magdulot ng mga stress ulcer.
Ang stress ay maaari ring lumitaw kasama ng malubhang karamdaman. Ang kritikal na karamdaman ay aktwal na nakakapag-trigger ng maraming mga sistematikong abnormalidad at mga pagbabago sa kung paano umiikot ang iyong dugo sa iyong katawan. Bilang resulta ng mga ito, bumababa rin ang daloy ng dugo sa iyong tiyan. Pinipigilan nito ang iyong tiyan na gumana nang maayos katulad ng pagpapanatili ng mucus protective lining ng tiyan. Kapag na-expose sa gastric acid, doon nagsisimulang magkaroon ng stress ulcer.
Ang impeksyon buhat ng Helicobacter pylori ay maaari ring mag-trigger ng ganitong uri ng ulcer. Mayroon ding ilang katibayan na nagpapakita na ang stress ay maaaring magpalala ng mga ulcer na dulot ng H. pylori.
Kasabay ng pagtanong kung nagkaka-ulcer ba dahil sa stress, maraming nagnanais malaman paano ito nagagamot. Mabuti at mayroong iba’t ibang paraan upang gamutin ang mga stress ulcer. Ngunit ang unang bagay na dapat mong gawin ay makipag-usap sa iyong doktor tungkol dito.
Ang mga ulcer ay maaaring mula sa banayad hanggang sa mas malala o mga life-threatening problems. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong bisitahin ang iyong doktor upang makakuha ng diagnosis.
Karaniwang nireresetahang ng mga gamot ang mga taong mayroong mga stress ulcer. Ang mga ito ay nakatutulong na mabawasan ang produksyon ng acid sa iyong tiyan upang maging mas maliit ang posibilidad ng pamamaga. Ito ay kadalasang ibinibigay sa intravenous na paraan o direkta sa pamamagitan ng iyong mga ugat.
Sa panahong may gastrointestinal bleeding, kakailanganing suriin ng iyong doktor ang kalubhaan ng iyong kondisyon. Posibleng kailanganin mo ng blood transfusion kung sakaling nawalan ka ng masyadong maraming dugo.
Posibleng kailanganin din ang operasyon upang alisin ang bahaging may ulcer at maiwasan ang karagdagang pagdurugo. Gayunpaman, ito ay panghuling paraan lamang pagdating sa paggamot sa mga stress ulcer.
Narito ang ilan sa mga bagay na kailangan mong tandaan pagdating sa paggamot ng naturang kondisyon:
Maaring magkaroon ng epekto sa iyong katawan maging sa kalusugan ng iyong isip ang stress at anxiety. Tulad ng kaso ng mga stress ulcer, ang nakararanas ng sobrang stress at pagkabalisa ay maaaring magkaroon ng epekto sa kung paano gumagana ang katawan ng isang tao, na maaaring magdulot ng sakit.
Upang maiwasang mangyari ito, mahalagang magsagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang iyong stress at anxiety.
Magagawa mo ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:
Ang ilang mga uri ng pagkain ay maaaring maging dahilan upang maging mas prone ang mga tao na magkaroon ng nasabing kondisyon. Kung hindi man, maaari nito mapalala.
Narito ang mga pagkain na dapat mong iwasan:
Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga ito, nababawasan mo rin ang pagkakataong ma-trigger mo ang ulcer.
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan sa Digestive dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Stress ulcers: their pathogenesis, diagnosis, and treatment – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/793064/, Accessed September 15, 2020
Stomach ulcer – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/stomach-ulcer/, Accessed September 15, 2020
Stomach ulcer – Causes – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/stomach-ulcer/causes/, Accessed September 15, 2020
Curling Ulcer (Stress-induced Gastric) – StatPearls – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK482347/, Accessed September 15, 2020
The attributable mortality and length of intensive care unit stay of clinically important gastrointestinal bleeding in critically ill patients, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC83859/, Accessed September 15, 2020
Stress ulceration in the critically ill, https://www.aic.cuhk.edu.hk/web8/stress%20ulcers.htm, Accessed September 15, 2020
How to Calm an Anxious Stomach: The Brain-Gut Connection | Anxiety and Depression Association of America, ADAA, https://adaa.org/learn-from-us/from-the-experts/blog-posts/consumer/how-calm-anxious-stomach-brain-gut-connection, Accessed September 15, 2020
Stress ulceration: prevalence, pathology and association with adverse outcomes, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4056012/, Accessed September 15, 2020
Kasalukuyang Version
10/14/2022
Isinulat ni Fiel Tugade
Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD
In-update ni: Vincent Sales