Bagamat may bakuna para sa flu immunity, ang flu virus ay mabilis na nagbabago kaya posible pa rin na magkasakit kahit may bakuna ka na. Kaya mahalagang malaman kung paano palakasin ang resistensya laban sa trangkaso.
Ang trangkaso ay sanhi ng isang virus na partikular na tina-target ang respiratory system.
Maaari itong humantong sa mga sintomas ng sipon tulad ng pagbahing at pananakit ng lalamunan, pati na rin ang pananakit ng katawan.
Kahit na karamihan sa mga taong nahahawaan ng trangkaso ay gumagaling, ang mga komplikasyon ay maaaring humantong sa pulmonya. Maaari ding lumala ang mga pangmatagalang kondisyon tulad ng sakit sa puso.
Sintomas ng Trangkaso
Madalas napagkakamalang karaniwang sipon ang trangkaso. Maaring mukhang magkapareho, pero sila ay sobrang magkaiba.
Parehong mga sakit na nakakaapekto sa respiratory system at maaaring magdulot ng mga magkatulad na sintomas, ngunit ang mga kondisyong ito ay sanhi ngmagkaibang mga virus.
Ang pagsuri nang mas mabuti sa mga sintomas ay makakatulong sa iyo na makilala ang pagkakaiba ng mga ito.
May mga sintomas na karaniwang makikita sa parehong trangkaso at sipon. Ang mga taong may alinmang karamdaman ay kadalasang nakakaranas ng:
- Runny nose
- Pagbahing
- Sakit ng katawan
- General fatigue
Mas malala, kumpara sa mga sintomas ng sipon, ang mga sintomas ng trangkaso.
Ang isa pang paraan upang makilala ang pagkakaiba ng dalawang ito ay ang kalubhaan ng sakit. Ang sipon ay hindi karaniwang humahantong sa iba pang mga problema sa kalusugan, habang ang trangkaso ay maaaring humantong sa mas malubhang mga kondisyon tulad ng sinusitis at impeksyon sa tainga, pulmonya, at sepsis.
Maaaring magkaroon ng mas malubhang komplikasyon lalo na sa mga matatanda na may mga dati ng may matagalang kondisyong medikal.
Paano Palakasin ang Resistensya sa Trangkaso
Heto ang ilan sa mga paraan na maaari mong gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga sintomas na ito at upang mapalakas ang iyong immunity laban sa trangkaso.
Matulog ng Sapat
Ang pagtulog at immunity ay magkaakibat. Kapag nakakaranas ka ng kakulangan sa tulog, mas madali kang kapitan ng sakit. Mas madaling kapitan ng sipon ang mga kulang sa tulog kumpara sa mga may sapat na dami ng tulog.
Ang pagkakaroon ng sapat na pahinga ay pinakikinabangan ng buong katawan. Sa panahon ng pagtulog, ang katawan ay nagre-regenerate at gumagaling. Ang pagtulog ay ang oras kung kailan namamahagi ang katawan ng mga immune cells tulad ng mga cytokine at T cells.
Kumain ng Maraming Plant-Based Food
Ang mga prutas, gulay, at mani ay mga plant-based food na mayaman sa sustansya. Tulad ng zinc, iron, folate, at bitamina A, C, at E na nagbibigay sa iyong immune system ng mga sustansya na kailangan nito. Ito ay para magawa ang trabaho nito, at ang mga prutas at gulay ay mayaman sa mga ito.
Ang plant-based food ay mayroon ding antiviral at antimicrobial properties.
Limitahan ang Added Sugars
Ang pagiging sobra sa timbang at obese ay nagpapataas ng tyansa ng pagkakasakit. Ang pagiging obese, tulad ng iba pang uri ng malnutrisyon, ay nakakaapekto sa produksyon ng mga tinatawag na leukocyte at cell-mediated immune response. Maaaring makatulong sa pagbaba ng timbang at maaari ring makabawas sa pamamaga ang pagkontrol sa sugar intake.
Maging aktibo
Ang pakikilahok sa regular na katamtamang ehersisyo ay maaaring magpalakas sa iyong immune system. Maaari nitong bawasan ang pamamaga at tulungan ang iyong mga immune cell na mabilis na mag-regenerate.
Nakakatulong din ito sa sirkulasyon ng mga cell sa iyong katawan. Kabilang sa mga halimbawa ng katamtamang ehersisyo ang pagbibisikleta, jogging, paglangoy, at hiking.
Manatiling Hydrated
Ang pananatiling hydrated ay hindi tiyak na makapipigil sa mga virus sa pagpasok sa iyong katawan, ngunit ang pag-iwas sa dehydration ay nakakatulong sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao.
Ang pananakit ng ulo, abnormal na panunaw, hirap sa pag-focus, moody, at pagkagambala sa mga function ng mga organ ng katawan ay mga epekto ng dehydration. Itong mga komplikasyong ito ay maaaring magpataas sa iyong pagkakataong magkasakit.
Ang mga benepisyo sa pag-inom ng sapat na tubig ay ang mga sumusunod: pinapalitan nito ang mga nawalang kikido dala ng mataas na lagnat, pinapawi ang kakulangan sa tubig ng katawan at pinalalabnaw ang mga madidikit na plemasa daanan ng hangin. Uminom ng sapat na likido araw-araw upang mabawasan ang posibilidad na ma-dehydrate. Tubig ang inirerekomendang likido na inumin.
Iwasan ang stress
Isang susi sa mas malakas na immune system ay pagpawi ng stress at pagkabalisa. Ang stress ay pinagmumulan ng pamamaga. Nag-aambag din ito sa hindi pagiging balanse sa immune system.
Pinakamainam na magsanay na gawin ang mga bagay na makakatulong sa iyo na pamahalaan ang iyong stress. Kabilang dito ang ehersisyo, meditation, at iba pang calming practices.
Supplement Wisely
Madaling umasa sa mga supplements kapag nababalitaan natin ang kakayahan nilang labanan ang mga sakit. Walang ebidensya na sumusuporta sa paggamit ng mga supplement upang gamutin ang mga sakit.
Gayunpaman, ang ilang mga supplement ay nagpapalakas ng iyong immune system. Ang ilan sa mga suplementong ito ay ang mga naglalaman ng vitamin C, vitamin D, zinc, at bawang.
Drink Moderately
Ang mga negatibong epekto sa kalusugan kabilang ang pagbaba ng immune function ay nauugnay sa madalas o maraming pag-inom ng alak.
Kung marami at madalas ang pag-inom ng alak, nagpapabagal ito sa recovery time ng iyong katawan. Nagpapahina rin ito sa kakayahan ng iyong immune system na labanan ang impeksyon.
Kung hindi ka umiinom ng alak, pinakamahusay na panatilihing ganito para sa iyong kalusugan. At kung umiinom ka paminsan-minsan, isaalang-alang ang paglilimita sa pag-inom ng alak.
Key Takeaways
Marami kang magagawa kung paano palakasin ang resistensya sa trangkaso.
Kabilang dito ang pagkain ng masustansyang pagkain, pagbabawas ng pag-inom ng alak, pananatiling hydrated, pag-eehersisyo, pagkuha ng disenteng dami ng tulog, at pag-manage sa iyong stress levels.
Hindi sinisiguro ng mga bagay na ito na hindi ka magkakaroon ng trangkaso. Ngunit maaari nilang palakasin ang natural na sistema ng depensa ng iyong katawan laban sa mga virus at iba pang mga nakakapinsalang pathogen.