backup og meta

Pampababa ng cholesterol: Mga natural na paraan

Pampababa ng cholesterol: Mga natural na paraan

Ang mataas na cholesterol ay nagdaragdag ng risk na magkaroon ng cardiovascular diseases. Kaya naman ang mga nasa panganib ay naghahanap ng mga paraan na pampababa ng cholesterol. Narito ang ilang mga tip kung gusto mong i-manage ang iyong mga blood cholesterol levels.

Ang Panganib ng High Blood Cholesterol

Bago natin isa-isahin ang iba’t-ibang ginagawa para sa pampababa ng cholesterol, mag focus muna tayo kung bakit kailangan panatilihing kontrolado ang iyong levels.

Gaya ng nabanggit kanina, ang pagkakaroon ng mataas na na kolesterol ay nagdaragdag ng panganib na magkaroon ng cardiovascular diseases. Ipinaliwanag ng mga eksperto na habang ang ating katawan ay natural na gumagamit ng kolesterol upang gumana nang maayos, ang pagkakaroon ng labis na antas ay nakapipinsala.  

Ang sobrang kolesterol sa dugo ay maaaring makabara sa arteries, magpa-tigas sa mga ugat na ito, at makagambala sa daloy ng dugo (atherosclerosis). Kapag ang blood flow sa puso ay nagambala, ang tao ay maaaring makaranas ng atake sa puso. Bukod dito, kung nangyari naman ito sa utak, maaaring mangyari ang stroke

Ang pagpapanatili ng healthy cholesterol levels ay nakakatulong na mapababa ang iyong panganib na magka sakit sa cardiovascular system.

3 Tips Pampababa ng Cholesterol

Narito ang mga tips para makatulong pampababa ng cholesterol:

Magkaroon ng diet na malusog sa puso 

Isa sa mga pinakamahusay na pampababa ng kolesterol ay ang pagtuunan ng pansin ang isang diet na malusog sa puso. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng sapat na servings ng mga gulay, pagpili ng mga walang taba na pinagmumulan ng protina, at pagtiyak na nakakakuha ka ng sapat na calcium.

Ang iba pang mga aspeto ng diet na malusog sa puso ay kinabibilangan ng:

  • Mahusay na pagpili ng iyong sources ng fats. Umiwas sa trans fats at palitan ang saturated fats ng unsaturated fats. Nakakatulong ito para sa malusog na ratio ng ng good at bad cholesterol.
  • Pagdaragdag ng soluble fiber intake. Ang soluble fiber ay nakakabawas ng absorption ng cholesterol sa bloodstream. Ang ilan sa mga pagkaing mayaman sa soluble fiber ay oatmeal, apples, kidney beans, and pears.
  • Pagdaragdag ng whey protein sa iyong diet.  Ayon sa mga eksperto ang whey protein ay nakakapagpababa ng bad cholesterol. Ang whey protein ay makukuha mo sa ilang dairy products.

At syempre, huwag kalimutan na ang alak ay dapat inumin lamang ng katamtaman.

Manatiling aktibo

Ang isa pang natural na ginagawa na pampababa ng kolesterol ay ang pananatiling physically active.

Ayon sa reports, ang moderate-intensity na aerobic exercise ng 150 minutes sa isang linggo ay nakakatulong na mapabuti ang cholesterol levels. Kaya lang, kumunsulta muna sa iyong doktor bago magsimula ng exercise program.

Ang isang healthy diet at ang pagiging aktibo ay mahusay para magkaroon ng healthy weight, na ayon sa mga eksperto ay mahalaga na pampababa ng cholesterol.

Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga supplement at herbs

Sa ibaba ang ilan sa mga herbs at supplement na maaaring makatulong na mapababa ang iyong kolesterol sa dugo. Gayunpaman, makipag-usap sa iyong doktor bago sila gamitin bilang mga natural na pampababa ng cholesterol.

Niacin

Inaprubahan ng ilang awtoridad tulad ng US Food and Drug Administration ang paggamit ng prescription-form na Niacin (isang uri ng vitamin B3). Ito ay para sa treatment ng abnormal na blood cholesterol levels. Tandaan na ang Niacin na anyong ito ay karaniwang nasa mas mataas na dosage (higit sa 500 mg), kumpara sa anyong nasa mga vitamin B supplements. Gayundin, habang layunin nito ay upang mapabuti ang kolesterol levels sa dugo, sinasabi ng mga eksperto na hindi ito direktang nakakaapekto sa mga resulta ng pag-aaral patungkol sa cardiovascular disease. 

Psyllium husks

Narinig mo na siguro ang tungkol sa psyllium husks– ang grainy, light-brownish na pulbos. Ayon sa mga report nakakatulong ito sa pagpapagaan ng mga kondisyon ng pagtunaw tulad ng pagtatae, paninigas ng dumi, at irritable bowel syndrome.

Sinasabi ng mga ulat na ang high fiber content nito ay nakakatulong din sa pagpapababa ng kolesterol. Napagpasyahan ng isang pag-aaral na maaaring ito ay isang mahusay na therapeutic option para sa mga pasyente na may mild hanggang moderate high na blood cholesterol.

Luya

Ilang siyentipikong pagsisiyasat ang nakapansin sa mga benepisyo ng luya pagdating sa pampababa ng cholesterol.

Sa isang pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na ang luya ay nakakabawas ng bad cholesterol at nagpapataas ng antas ng good cholesterol. Napagpasyahan din nila na ang luya ay may “makabuluhang epekto sa pagpapababa ng lipid.”

Ang isa pang papel ay nag-highlight na ang paggamit ng 5 gramo ng hilaw na luya araw-araw sa loob ng tatlong buwan ay nakabawas “nang lubos” sa level ng bad cholesterol.

Key Takeaways

Ang mataas na cholesterol sa dugo ay nagdaragdag ng panganib ng mga sakit sa cardiovascular tulad ng stroke at atake sa puso. Dahil dto, ang pagpapanatili ng malusog na antas ng cholesterol ay dapat maging isang priyoridad.
May ilang mga natural na paraan ng pampababa ng cholesterol . Ito ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng malusog na diet para sa puso, pananatiling aktibo, at pakikipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga halamang gamot at supplements na maaaring makatulong sa iyong cholesterol goals. 
Ngunit, depende sa iyong kondisyon, maaaring laktawan ng doktor ang supplements at halamang gamot, at bigyan ka ng mga gamot na pampababa ng cholesterol.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1) Niacin
https://medlineplus.gov/druginfo/natural/924.html
Accessed March 24, 2021

2) Psyllium
https://www.mountsinai.org/health-library/supplement/psyllium#:~:text=The%20soluble%20fiber%20found%20in,levels%20in%20people%20with%20diabetes.
Accessed March 24, 2021

3) Cholesterol reduction using psyllium husks – do gastrointestinal adverse effects limit compliance? Results of a specific observational study
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18222665/
Accessed March 24, 2021

4) Top 5 lifestyle changes to improve your cholesterol
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-cholesterol/in-depth/reduce-cholesterol/art-20045935
Accessed March 24, 2021

5) Investigation of the effect of ginger on the lipid levels. A double blind controlled clinical trial
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18813412/
Accessed March 24, 2021

6) Effects of Ginger on LDL-C, Total Cholesterol and Body Weight
https://www.longdom.org/open-access/effects-of-ginger-on-ldlc-total-cholesterol-and-body-weight-2471-2663-1000140..pdf
Accessed March 24, 2021

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Pagkain Na Walang Cholesterol, Mas Masustansya Nga Ba?

Epekto ng Mataas na Kolesterol sa Katawan


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement