Ang paninigarilyo ay hindi mabuti sa iyong kalusugan pati na ng mga tao sa paligid. Magastos magkasakit, at posible pang ikamatay ang mga komplikasyon nito. Pero kung nais mong tumigil, malaki ang maidudulot nitong kabutihan sa iyong kalusugan. Ngunit kailangan mo munang harapin ang sintomas ng nicotine withdrawal.
Ilang Statistics
Ayon sa World Health Organization, lahat ng paraan ng paggamit ng tobacco ay masama sa kalusugan — mapa sigarilyo, tabako, mga pipa, at kahit pa ang vape at smokeless tobacco.
Gayunpaman, maraming tao ang may addiction sa paninigarilyo, na tinatayang nasa 1.3 billion smokers. Hiwalay pa dito ang 8 million na deaths kada taon dahil sa epekto ng sigarilyo.
Tinatayang 7 million ng mga ito ay dahil sa first-hand smoking at ang 1.2 million ay dahil sa second-hand smoke.
Ayon naman sa 2015 statistics sa Pilipinas, 40% ng mga kalalakihan at 8.2% ng mga kababaihan ay naninigarilyo, at nasa 10 tao ang namamatay dahil dito kada oras. Tinatayang nasa 15.9 million na taong edad 15 pataas ang naninigarilyo sa Pilipinas.
Humigit kumulang na 70,000 Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa tobacco-related illnesses, kabilang na ang lung cancer at heart disease dahil sa second-hand smoke.
Ano ang Nagdudulot ng Smoking Addiction?
Ang nicotine sa tobacco ay ang dahilan kung bakit ito addictive.
Ayon sa isang survey, nasa 70% ay nagnanais na tumigil sa paninigarilyo. Ngunit hindi ito ganoong kasimple gawin. Ang iba ay nagagawang tumigil agad, ngunit karamihan ay bumabalik sa kanilang nakasanayang bisyo. Ang success rate ay nasa 5-10% lamang.
Kung ikaw ay nagnanais na tumigil sa paninigarilyo, kailangan mong paghandaan ang nicotine withdrawal.
Sintomas ng Nicotine Withdrawal
Dahil kakaiba ang bawat tao, iba-iba ang magiging sintomas ng nicotine withdrawal. Ngunit isa sa pinakakaraniwang epekto ay ang hindi mapakali at nagnanais na ubusin ang oras sa paninigarilyo.
Heto ang iba pang sintomas ng nicotine withdrawal:
- Paghahanap ng nicotine
- Depression
- Hirap sa pagtulog
- Pagiging magagalitin, nerbyoso, iritable, o madaling mainis
- Hindi mapakali
- Mababang heart rate
- Pagtaas ng timbang
- Sakit ng ulo
Hindi agad masasabi kung kailan lalabas ang mga sintomas na ito. Madalas, nagsasabay-sabay rin ang mga stinomas ng nicotine withdrawal.