Naging maingay sa mga balita ang mga pangkalusugang benepisyo ng repolyo. Kamakailan lang ay ilang mga tinatawag na eksperto ay nagsabi na ang repolyo ay isang mahimalang “superfood” na maaaring gamutin ang arthritis at kanser. Gayunpaman, gaano katotoo ang mga pahayag na ito? Kaya ba talaga ng gulay na ito pagalingin ang isang tao mula sa mga nasabing kondisyon? Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga berepikadong medikal na mga pangkalusugang benepisyo ng repolyo.
Pangkalusugang Benepisyong Dulot Ng Repolyo
1. Ang repolyo ay sagana sa bitamina
Una sa lahat, ang repolyo at iba pang mga gulay na cruciferous ay magandang pinagmumulan ng mga bitamina, mineral, at iba pang mga sustansiya. At ang pinakamahalaga, ang mga ito ay puno ng folate, potassium, vitamin C, vitamin K, manganese, calcium, carotenoids, at flavonoids.
Sa pangkalahatan, ang hilaw or bahagyang lutong repolyo ay mas masustansiya tulad na lamang kung paano lang ito isinasapaw sa mga paborito nating ulam tulad ng nilaga. Ang matagal na pagpapakulo, pati na rin ang pagdedeep-fry, ay nakakabawas sa bitamina at iba pang nutrisyon, gayundin ang water content ng mga gulay. Kabilang sa iba panng mga cruciferous na gulay ay ang mga sumusunod:
- Broccoli
- Petchay (bok choi)
- Cauliflower
Ang pula o lila na repolyo ay may bahagyang mas mataas na bitaminang handog kaysa sa karaniwa at mas kilalang berdeng mga uri ng repolyo.
2. Ang repolyo ay may kaakibat na fiber na nakatutulong sa digestion o pagpapatunaw ng pagkain
Isa pa sa mga benepisyong handog ng repolyo ay ang fiber content nito. Ang fiber ay mahalaga para sa wastong pagtunaw ng pagkain at paggalaw ng colon. Dagdag pa rito, ang fiber ay nakatutulong sa pagdumi ng isang tao at maaari ring mabawasan ang mga constipation. Gayunpaman, ang isang side effect na nararanasan ng ilang tao ay ang pagkakaroon ng mas maraming hangin sa tiyan (gassiness).
Ayon sa Philippine Dietary Reference Intakes (PDRI) mula sa Department of Health (DOH), ang mga nasa hustong gulang ay dapat kumain ng 20 – 25 gramo ng fiber kada araw. Ang mga bata at tinedyer na nag-aaral pa ay nangangailangan ng humigit-kumulang 10 – 20 gramo ng fiber bawat araw.
Ang 100-gramo na bahagi (humigit-kumulang ¼ na wedge) ng hilaw na berdeng repolyo ay naglalaman ng 2.5 gramo ng dietary fiber. Ito ay nangangahulugan na sinasaklaw ng repolyo ang 10 – 13% ng iyong pang-araw-araw na pangangailangan ng fiber sa isang maliit na serving lamang.
3. Ang repolyo ay nakatutulong sa pagbabawas ng timbang
Ang repolyo ay isang sangkap sa maraming masarap na mga recipe at pinggan. Dahil mataas ang fiber at water content nito, isa sa health benefits ng repolyo o repolyo ay nakakabusog ito at nakakakontrol ng gana. Bilang karagdagan, ang repolyo ay mababa sa calories. Ang isang 100-gramo na paghahatid ng hilaw na repolyo ay naglalaman lamang ng 25 kilocalories at 3.2 gramo ng asukal.
Ang pagkain na may mataas na hibla tulad ng mga gulay at butil ay maaari ring makatulong na mapababa ang iyong blood sugar at kolesterol. Bukod dito, ang repolyo ay keto-friendly. Samakatuwid, ang repolyo ay gumagawa ng isang mahusay na karagdagan sa iyong diyeta kung ikaw ay diabetic, hypertensive, o nais na magbawas ng timbang.
Ang repolyo ay isang sangkap sa maraming masasarap na mga putahe at ulam. Dahil ito ay mayroong mataas na fiber at water content, isa sa mga benepisyo nito sa kalusugan ay nakakabusog ito at nakakakontrol ng gana sa pagkain. Dagdag pa tiro, ang repolyo ay mababa sa calories. Ang 100-gramo ng hilaw na repolyo ay naglalaman lamang ng 25 kilocalories at 3.2 gramo ng asukal.
Ang mga high-fiber foods tulad ng mga gulay at butil ay maaari ring makatulong ssa pagpapababa ng iyong blood sugar at kolesterol.
Subukang magdagdag ng repolyo sa mga putahe bilang kapalit ng tinapay at kanin. Halimbawa nito ay ang Kimchi, na isang sikat na side dish mula sa Napa o Chinese Cabbage, kaya puno ito ng mga benepisyo ng repolyo sa kalusugan.
4. Ang repolyo ay mayroong antioxidant and anticancer na benepisyo
Panghuli, ilang mga pag-aaral ang nagpapatunay na ang repolyo at iba pang cruciferous na gulay ay may anticancer na katangian. Ang mga katangiang ito ay dahil sa mga sulfur-containing compounds.
Ipinapakita ng compound na ito ang posibilidad na mabawasan ang panganib sa iba’t ibang uri ng kanser tulad ng colorectal, suso, baga, at maging ang mga kanser sa bibig.
Hindi man nakakapagpagaling ng mga karamdaman tulad ng arthritis o kanser ang direktang paglagay ng repolyo sa balat, ang pagdaragdag naman nito sa iyong diyeta ay maaaring mapabuti ang iyong pangkalahatang kalusugan.
Tandaan: Ang isang pagkain o halaman tulad ng repolyo ay hindi maaaring palitan ang diagnosis at paggamot mula sa isang lisensyadong doktor.
Mahalagang tandaan na ang kanser ay isang sakit na maaaring may malaking epekto buhat ng genetics at iba’t ibang mga salik sa kapaligiran.
Kung nakakaranas ka ng mga sintomas tulad ng hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, madalas na impeksyon, o nakakaramdam ng paglaki sa ilang bahagi ng iyong katawan, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong doktor ukol dito.
Mahalagang Mensahe
Maraming pangkalusugang benepisyo ang kaakibat ng pagkain ng repolyo. Hindi rin maitatanggi na maaari itong mabili sa murang halaga sa karamihan na lugar.
Sa pangkalahatan, ang iba’t ibang uri ng repolyo ay may kaakibat na nutritional value na maaaring gamitin pamalit kung wala ang isa. ang lahat ng uri ng repolyo ay may magkatulad na nutritional value at maaaring palitan sa isa’t isa.
Huwag mag-atubiling magdagdag ng higit pang repolyo sa iyong diyeta o gamitin ito bilang kapalit ng mga starchy na gulay at iba pang mga butil. Maaaring mapabuti ng repolyo ang iyong pangkalahatang kalusugan, kung kaya siguraduhin mong idagdag ito sa iyong basket sa susunod na nasa palengke ka.
Isinalin mula sa Ingles ni Fiel Tugade.
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]