Habang isinusulat ang article na ito, malamang na kapos pa rin ang supply ng over-the-counter na mga gamot tulad ng paracetamol at carbocisteine. Naging alternatibo ng ilang nag-aalalang magkasakit ang supplements tulad ng vitamin C and zinc. Subalit, based sa mga doctor, puwedeng tayong ma-overdose sa vitamins at supplements. Alamin natin kung aling mga bitamina ang nakakalason kung iinumin ng labis?
Ang Pagkakaiba ng Mga Gamot at Supplement
Ang overdose sa mga gamot ay madaling pigilan – huwag uminom ng higit pa sa inireseta ng doktor. Halimbawa, ang sobrang pag-inom ng isang antihypertensive na gamot ay maaaring magresulta sa mga sintomas tulad ng biglaang pagbaba ng blood pressure.
Medyo nakakalito ‘pag tungkol sa vitamins at minerals. Ang iba ay umiinom nito kahit walang reseta ng doctor and marami rin ang nakakabili ng tingi. At alam natin na walang kasamang maliit na pamphlet na may impormasyong tungkol sa supplement ang nabibili ng tingi. Dahil dito, nababawasan ang pagkakatataong matutuhan ang mga detalye tungkol sa supplement, tulad ng inirerekomendang dosage.
Maaari Bang Ma-Overdose Ng Vitamins at Minerals?
Bago natin talakayin kung aling mga bitamina ang nakakalason kapag nainom nang labis, pag usapan muna natin kung ano ang vitamin overdose.
Nangyayari ang overdose kapag ang isang tao ay umiinom ng higit sa inirerekumendang pang-araw-araw na dosage sa loob ng mahabang panahon. Kaya, oo, maaari kang mag-overdose sa vitamins at minerals.
Aling Bitamina ang Nakakalason Kapag Ininom nang Labis?
Narito ang ilang karaniwang iniinom ng mga Pilipino na maaaring makalason kung iinumin nang labis.
Vitamin C
Ang inirerekomendang pang-araw-araw na dami ng vitamin C (ascorbic acid, sodium ascorbate) ay 60 hanggang 90 mg. Pero, mayroon tayong upper limit na 2,000 mg araw-araw.
Ang overdose ng vitamin C ay maaaring magresulta sa mga sintomas tulad ng:
- Pagduduwal at pagsusuka
- Pananakit ng tiyan
- Pagtatae
- Heartburn
- Sakit ng ulo at hindi pagkakatulog
B-Vitamins
Posible ring magkaroon ng overdose ng vitamin B. Mayroon kabuuang 8 B- vitamins at ang ilan sa mga ito ay “karaniwang hindi nakakalason.” Ang ilang uri ng vitamin B ay walang established upper limit.
- Vitamin B3 o Niacin. Ang recommended daily allowance (RDA) para sa B3 ay 9mg para sa mga bata edad 1 hanggang 4 at 20mg para sa mga adulto. Kung umiinom ka ng higit sa 50 mg araw-araw, maaari kang makaranas ng pamumula ng balat. Karagdagan, ang mga taong may pre-existing condition sa atay ay nasa mas mataas na panganib ng toxicity sa atay kung tumatanggap sila ng mga therapeutic dose na 1,500 hanggang 1,600 mg araw-araw.
- Vitamin B5 o pantothenic acid. Sa ngayon, hindi ito kilala na nakalalason sa mga tao. Walang established na upper limit dose, ngunit ang inirerekomendang dose ay 5 mg araw-araw. Ang ilang mga tao na may doses na 10 hanggang 20 mg bawat araw ay nakararanas ng pagtatae.
- Vitamin B6 o pyridoxine. Ang RDA para sa mga nasa edad 19 hanggang 50 taong gulang ay 1.3 mg. Ito ay maaring humantong sa neurotoxicity kapag uminom nang 300 hanggang 500 mg bawat araw sa mahabang panahon.
- Vitamin B12 o folic acid. Para sa mga nasa hustong gulang na lalaki at babae, ang RDA ay 400 micrograms. Sa mga buntis, ang RDA ay maaaring tumaas sa 600 micrograms. Ang mataas na dose ng folic acid ay pwedeng magresulta sa pagkawala ng ganang kumain, pagduduwal, mga problema sa tiyan, mga problema sa pagtulog, at mga reaksyon sa balat.
Vitamin E
Kilalang may pinakamahusay na antioxidant properties, ang inirerekomendang paggamit ng Vitamin E para sa mga matatanda ay 15 hanggang 20 mg o 22 hanggang 30 IU. Bagaman ang ilang tao ay umiinom ng marami sa loob ng mga buwan at taon nang hindi nakararanas ng anumang problema, posible pa ring malason na nauugnay sa supplement, tulad ng:
- Nausea and vomiting
- Diarrhea
- Blurred vision
- Increased risk of bleeding
- Headache
- Fatigue
Vitamin D
Maaari ka bang mag-overdose ng vitamins tulad ng vitamin D? Ang sagot, oo.
Ito ang vitamin na nakukuha natin sa pagbibilad sa araw. Ang vitamin D ay nakatutulong sa pagpapatibay ng kalusugan ng buto.Ang inirerekomendang paggamit ay 10 hanggang 25 micrograms o 400 hanggang 1,000 IU. Ang pagkonsumo ng maraming vitamin D supplements ay maaaring humantong sa soft-tissue calcification o pagtaas ng calcium sa dugo.
Vitamin A
Tinatawag din na retinol, ang inirerekomendang paggamit ng bitamina na ito ay 900 hanggang 1,500 micrograms bawat araw. Ang paggamit ng higit sa 200,000 micrograms o 660,000 IU ay maaaring humantong sa matinding toxicity, na nagpapakita ng mga sintomas tulad ng malabong paningin, pagduduwal at pagsusuka, pagkaantok, at pagkahilo.
Maaaring magresulta sa chronic toxicity ang pag inom ng higit sa 10x ng inirerekumendang pang-araw-araw na allowance. Ang ilan sa mga sintomas ng chronic toxicity ay: mga problema sa paningin, alopecia, at pananakit ng buto at kalamnan.
Hindi dapat uminom ng Vitamin A ang mga buntis maliban kung inirerekomenda ng doktor. Ang pag-inom ng vitamin A sa unang trimester ay maaaring humantong sa abortion o fetal malformations.