backup og meta

Development ng Adolescent: Mga Key Habits na Dapat Ituro sa Kanila

Development ng Adolescent: Mga Key Habits na Dapat Ituro sa Kanila

Ang mga gawi ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay. Nag-aaral tayo, kumakain nang masustansiya, at sinisikap na matulog sa makatwirang oras bawat gabi dahil ito ang ilan sa mga gawi na nagpapaganda ng buhay. Ang problema, madalas mahirap buuin ang mga naturang pag-uugali, lalo na kapag mas matanda na. Ipinakita ng isang kamakailang pag-aaral na ang mga gawi ay hindi nag-iiba nang higit sa edad na siyam. Ito ang dahilan kung bakit dapat hubugin ng mga magulang ang pag-uugali ng anak habang sila ay bata pa. Ang pagkintal ng mabubuting gawi sa panahon ng development ng adolescent ay kritikal para ang mga gawi na ito ay patuloy na lumago kasama ng mga bata habang sila ay lumalaki at tumatanda.

Sa pagpasok ng iyong anak sa maagang development ng adolescent, maaaring mahirapan kang ipagpatuloy ang pagpapatibay ng mga positibong gawi. Para sa maraming mga magulang at mga bata, ang puberty ay maaaring nakakalito. Maraming pagbabago ang nangyayari sa yugtong ito ng buhay ng isang bata na kadalasang maaaring malito o negatibong nakaaapekto sa kanila. Ngunit ang pagbuo ng mga gawi sa murang edad ay nagpapahintulot sa mga magulang na turuan ang kanilang anak ng mga pangunahing kaalaman sa pera, asal, at pagpapahalaga sa sarili.

Upang suportahan ang positibong pagbubuo ng ugali sa panahon ng development ng adolescent, mahalagang maunawaan kung ano ang kanilang pinagdadaanan at pinaghihirapan habang lumilipat sila mula sa isang bata patungo sa pagiging young adult. Ang mga gawi ay nasa core ng malusog na pag-unlad ng bata, maging ang development ng adolescent. Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa mga positibong gawi na dapat mong ituro sa iyong anak na makuha — mula sa isang batang edad hanggang kapag sila ay nagdadalaga at nagbibinata na — kung gayon, basahin ito.

Mga Healthy Habits na Dapat Ituro sa Iyong Batang Anak

Ang mga bata ay impressionable. Sa murang edad, nakakukuha sila ng kaalaman sa pamamagitan ng imitasyon. Nangangahulugan ito na, bilang isang magulang, ang pagiging mas maingat sa mga bagay na madalas mong gawin at sabihin ay mahalaga kung gusto mong simulan ang pagbuo ng mga positibong gawi habang sila ay bata pa.

Ang isa pang mahalagang salik sa pagtuturo sa iyong anak ng mga positibong gawi ay tandaan na mas malamang na gumawa sila ng isang bagay kung nakikita nilang ikaw mismo ang gumagawa nito.

Mga Household Habits na Dapat Ituro sa mga Bata

Ang paggawa ng maliliit na gawain sa paligid ng bahay ay makatutulong sa pagtuturo sa bata ng kahalagahan ng pagiging malinis. Bagama’t hindi nila ito palaging magagawa nang tama, ang paggawa ng isang gawain ay maaaring maghanda sa kanila para sa paggawa ng mas makabuluhang mga gawain sa susunod.

Ang ilang mga gawi na dapat ituro sa bata ay kinabibilangan ng:

  1. Paglalagay ng lahat ng kanilang mga laruan sa lagayan o toy bin.
  2. Pagpulot ng kanilang maruruming damit at paglagay sa hamper.
  3. Pagdala ng kanilang mga pinggan at kagamitan sa lababo pagkatapos nilang kumain.
  4. Pag-aayos ng higaan pagkatapos nilang gumising sa umaga.

Mga Dietary Habits na Dapat Ituro sa mga Bata

Isa sa mga pangunahing alalahanin ng sinumang magulang ay kung ano ang kinakain ng kanilang anak. Hindi mo ganap na kontrolado mo kung gaano karami ang kinakain ng iyong anak, ngunit ang kalidad ng kanyang diyeta ay isang bagay na maaari mong manipulahin. Narito ang ilang mga tips upang turuan ang mga bata ng healthy eating habits:

  1. Ang masustansiyang pagkain ay isa sa pinakamabisang paraan upang magpadala sa iyong mga anak ng mensahe tungkol sa magandang gawi sa pagkain.
  2. Ang pagbibigay sa kanila ng mga pagkain at meryenda sa tamang oras ay makatutulong sa kanila na mapanatili ang isang maayos na eating routine.
  3. Kung nag-aalala ka tungkol sa labis na pagkain (overeating), may ilang paraan na maaari mong subaybayan ang diyeta ng iyong anak nang hindi ipinaparamdam sa kanila na may mali sa kung paano sila kumakain. Subukang patayin ang TV sa oras ng pagkain at siguraduhing walang mga gadget; makatutulong ito sa iyong anak na tumuon lamang sa kanilang gana.

Ihain ang pagkain sa mas maliit na plato, para maramdaman ng iyong anak na mayroon silang “buong plato” habang kumukuha pa rin ng tamang dami ng pagkain. Kung may posibilidad na hindi pansinin ng iyong anak ang mga gulay sa kanyang plato, huwag mo nang tangkain bawiin ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mas maraming protina o carbs. Sa halip, subukang itago ang mga gulay sa pagkain na karaniwan nilang kinakain.

  1. Kung mapapansin mo na ang mga gawi sa pagkain ng iyong anak ay nagiging prone sa kanilang kulang sa pagkain (undereating), tiyaking pinapakain mo sila ng meryenda o pagkain sa parehong oras araw-araw. Makatutulong ito upang matiyak na nakararamdam sila ng gutom sa parehong oras. Gayundin, subukang pakainin sila ng mas maliliit na bahagi para sa meryenda. Ang sobrang o masyadong madalas na meryenda ay maaaring maging sanhi ng hindi sapat na pagkain ng iyong anak sa oras ng pagkain.
  2. Limitahan ang mga pagpipiliang junk food o meryenda sa bahay. Kung nag-iimbak ka sa pantry, subukang gawing mas madaling makuha ang mas masustansyang meryenda.

Healthy Habits Para sa Development ng Adolescent

Ang adolescence ay maaaring maging mas mahirap na panahon upang mag-navigate lalo na para sa mga magulang. Sa kasamaang palad, karamihan sa mga teenager o young adult ay hindi pa nakikita ang halaga ng pagsasagawa ng mga gawi. Dahil ito ay isang panahon ng mabilis na pagbabago at pag-unlad, ang isang nagdadalaga/nagbibinata ay higit na mag-aalala tungkol sa pagkilanlan kung sino sila, at pagiging kasama ng kanilang mga kapantay.

Ang iyong trabaho bilang isang magulang ay tulungan silang bumuo ng mga tamang gawi, kahit na hindi sila sumasang-ayon dito.

Mga Dietary Habits Para sa Development ng Adolescent 

Sa yugto ng development ng adolescent, ang iyong tween o teen (tinedyer) ay maaaring mas higit na kumain. Ang paghikayat sa malusog na mga gawi sa pagkain ay mainam sa katagalan, kapag sila ay gagawa na ng mga desisyon tungkol sa kung ano ang kanilang kinakain kapag mag-isa.

  1. Laging maghanda ng almusal. Maaaring piliin ng mga teenager na laktawan ang pagkain, lalo na ang almusal. Subukang manguna sa pamamagitan ng halimbawa at kumain ng almusal kasama sila nang madalas hangga’t maaari.
  2. Isali ang iyong teenage sa pagpaplano ng pagkain at pagluluto. Mas gugustuhin nilang kumain sa bahay, sa halip na sa labas, kung bibigyan sila ng pagkakataong magpasya kung ano ang nangyayari sa menu ng pamilya. Unti-unting ituro sa kanila kung paano magluto at makatutulong ito sa kanila na maging mas malayang magdesisyon.

Iba pang Mahahalagang Gawi na Dapat Maituri sa Panahon ng Development ng Adolescent 

  1. Ang paglilimita sa screen time sa digital age ay makatutulong sa iyong tinedyer na maunawaan kung bakit magandang magdisconnect paminsan-minsan.
  2. Ugaliing purihin ang iyong tinedyer. Ang paghikayat sa pagiging positibo sa kanilang itsura at karakter ay mahalaga, bilang ang pagbibinata o pagdadalaga ay maaaring maging magsubok sa body image at self-esteem.
  3. Subukang pamahalaan ang kanilang iskedyul ng pagtulog sa abot ng iyong makakaya. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsabay sa oras na dapat sila ay natutulog, o pagtatakda ng naka-iskedyul na oras para sa pagpatay ng lahat ng mga gadget.

Key Takeaways

Bilang mga magulang, ang pagtulong sa iyong anak na lumikha ng mga positibong gawi ay isa sa pinakamagagandang bagay na magagawa mo para sa kanila. Ang pagpapatibay sa mga gawi na ito ay makatutulong sa kanila na maitatag ang kanilang mga gawain sa hinaharap. Ang pagsisimula sa murang edad at ang pagpapatuloy sa panahon ng development ng adolescent ay makatutulong sa kanila na maging mas malaya at may kakayahan.

Alamin ang iba pa tungkol sa Mga Milestone at Development ng Mga Adolescent dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Examining the Interface of Family and Personal Traits, Media, and Academic Imperatives Using the Learning Habit Study, https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/01926187.2014.935684#.VO-XOXzF_Td, Accessed May 4, 2020

Adolescent health and development, https://www.who.int/maternal_child_adolescent/topics/adolescence/development/en/, Accessed May 4, 2020

Kasalukuyang Version

01/25/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Puberty? Heto Ang Dapat Malaman Ng Mga Magulang

Problema sa Kalusugan ng Teenager: Heto ang Dapat Alamin ng Magulang


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement