backup og meta

Paano Maiiwasan Ang Pagkalaglag Sa Unang Trimester Ng Pagbubuntis?

Paano Maiiwasan Ang Pagkalaglag Sa Unang Trimester Ng Pagbubuntis?

Ang pagkalaglag (miscarriage) ay isang hindi inaasahang pagtatapos ng pagbubuntis ng babae. Madalas itong nangyayari sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis o bago ang ikadalawampung linggo nito. Karamihan sa mga babaeng nakararanas ng pagkalaglag o miscarriage ay alam na sila ay buntis. Gayunpaman, may mga pagkakataong nakunan na ang babae bago pa man lamang niya nalamang buntis siya. Para maiwasan itong mangyari, may mga bagay na puwede kang gawin sa unang yugto ng iyong pagbubuntis. Paano maiiwasan ang pagkalaglag?

Ano Ang Mga Sanhi Ng Pagkalaglag?

Bago natin alamin kung paano maiiwasan ang pagkalaglag sa unang yugto ng pagbubuntis, dapat mo munang matutunan kung bakit ito nangyayari. Makatutulong ang kaalaman mo ukol sa mga sanhi ng pagkalaglag upang matukoy kung ano ang mga kinakailangang pag-iingat na puwede mong gawin upang magkaroon ng malusog at ligtas na pagbubuntis.

Narito ang mga posibleng sanhi ng pagkalaglag:

  • Chromosomal Abnormalities. Ang kakulangan o sobrang dami ng genetic materials ay maaaring mauwi sa chromosomal abnormalities. Nagdudulot ang abnormalities na ito ng mga birth defects, intellectual disabilities, at posibleng miscarriage.
  • Ang hormonal imbalance tulad ng pagtaas ng prolactin ay maaaring makasira sa tamang development ng uterine lining.
  • Ang abnormalidad sa matris o cervix tulad ng congenital uterine anomalies at cervical insufficiency
  • Impeksyon gaya ng rubella, HIV, chlamydia, at malaria
  • Unhealthy lifestyle tulad ng paninigarilyo, gayon din ang pag-inom ng alak at paggamit ng droga
  • Underlying medical conditions tulad ng uncontrolled diabetes, uncontrolled hypertension, congenital heart disease, kidney and thyroid diseases, at autoimmune disorders
  • Exposure sa radiation at polusyon
  • Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)
  • Edad at/o sobrang timbang

Ano-Ano Ang Mga Palatandaan Ng Pagkalaglag?

Ang pinakapamilyar na palatandaan ng pagkalaglag ay ang vaginal bleeding na maihahalintulad sa karaniwang regla. Maaari kang mahirapan sa pagtukoy ng pagkakaiba ng miscarriage bleeding sa menstrual bleeding dahil pareho itong may blood clots.

Kadalasan, may nararanasang abdominal cramps na mas malakas sa normal na menstrual cramps ang vaginal bleeding sanhi ng pagkalaglag. Gayunpaman, ayon sa kanila, ang ilan sa mga babae ay hindi nakaramdam ng cramps noong sila ay nakunan.

Bukod sa vaginal bleeding, narito ang ilan sa mga palatandaan ng pagkalaglag na dapat mong bantayan:

  • Tuloy-tuloy na heavy vaginal bleeding
  • Matinding pananakit ng lower abdomen
  • Watery vaginal discharge na maaaring may halong dugo, clots, at maliliit na tissue o meaty material
  • Matinding pananakit ng likod o extreme cramping
  • Biglaang pagkawala ng normal na mga senyales ng pagbubuntis tulad ng tenderness of the breasts at nausea. Bagaman ang mga senyales na ito ay normal na nawawala sa pagpapatuloy ng pagbubuntis, mabuti pa rin na magpakonsulta.

Kung nakararanas ng mga ganitong sintomas, huwag mag-atubiling humingi ng tulong medikal o tawagan ang iyong doktor upang maiwasan ang pagkalaglag sa maagang yugto ng pagbubuntis.

paano maiiwasan ang pagkalaglag

Sino Ang Nasa Panganib Ng Pagkalaglag?

Upang matuto kung paano maiiwasan ang pagkalaglag, importante ring unawain kung sino ang nasa panganib para sa miscarriage. Narito ang mga factors na nagpapataas ng panganib ng pagkalaglag:

  • Maternal age. Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), ang mga babaeng may edad 20 hanggang 30 ay may 8.9% na tsansa ng miscarriage habang nasa dalawampung linggo pababa ng pagbubuntis. Sa kabilang banda, ang risk ay tumataas sa 73.7% kapag ang babae ay nasa edad 40 pataas.
  • Prior miscarriages. Mas mataas ang risk ng pagkalaglag depende sa bilang ng dami ng nagdaang miscarriage na naranasan ng isang babae. May 20% na tsansa ng pagkalaglag sa hinaharap pagkatapos malaglagan ng isang beses, 28% pagkatapos ng dalawang sunod-sunod na pagkalaglag, at 43% na tsansa sa mga babaeng nakaranas ng tatlo o mas marami pang magkakasunod na pagkalaglag.
  • Chronic diseases. Ang mga babaeng may long-term na mga sakit tulad ng diabetes, cancer, at heart diseases ang may posibilidad na makaranas ng pagkalaglag.
  • Poor lifestyle. Ang matinding paninigarilyo, kasama ng pag-inom ng alak at paggamit ng droga ang dahilan kung bakit nakukunan ang babae.
  • Timbang. Tumataas ang tsansang makunan kapag ang isang babae ay nasa kategorya ng underweight, overweight, at obese.
  • Pagkahawa sa bacterial at viral infection habang nagbubuntis.
  • Mga abnormalidad sa reproductive organ ng babae
  • Pagiging emosyonal at pisikal na stress sa mga unang linggo ng pagbubuntis

Paano Maiiwasan Ang Pagkalaglag?

Paano maiiwasan ang pagkalaglag? Sa maraming kaso, hindi mo maiiwasang makunan sa unang trimester ng pagbubuntis, lalo na kung nagsimula na ang mga sintomas nito. Sa nakalipas na panahon, pinapayuhang mag-bed rest ang mga babaeng nakaranas ng pagdurugo sa mga unang linggo ng kanilang pagbubuntis. Ngunit sa kasalukuyan, ayon sa mga doktor, walang sapat na ebidensya upang patunayan na ang bed rest ay nakatutulong sa mga babae upang maiwasan ang potensyal na pagkalaglag.

Gayunpaman, may mga bagay na maaari mong gawin upang maiwasan ang pagkalaglag sa maagang yugto ng pagbubuntis kung nais mong magbuntis sa hinaharap:

  • Magpatingin kung sa palagay mong buntis ka.
  • Kung mayroon kang ibang kaugnay na kondisyong medikal, mabuti na humingi ng tulong medikal sa iyong doktor para sa paggamot na makatutulong upang siguraduhin ang kalusugan at kaligtasan mo at ng iyong baby.
  • Magkaroon ng malusog at proper diet na binubuo ng prutas, gulay, at iba pang mga pagkain na mayaman sa iba’t ibang vitamins at minerals.
  • Ugaliing mag ehersisyo.
  • Inumin lahat ng prenatal vitamins upang matulungan ang development ng sanggol sa iyong sinapupunan.
  • Kumpletuhin ang lahat ng importanteng check-ups, lab tests, at screenings.
  • Iwasang kumain ng mga pagkain tulad ng hilaw na karne, unpasteurized milk, at caffeine.
  • Magpabakuna upang maprotektahan ang iyong sarili at iyong sanggol mula sa mga nakahahawang sakit at impeksyon. Tiyaking makuha ang mga mahahalagang bakuna bago ang planong pagbubuntis.

Key Takeaways

Paano maiiwasan ang pagkalaglag sa unang trimester? Bago ang planong pagbubuntis, mainam na malaman kung mayroon kang kondisyong medikal o kung ikaw ay may potensyal na makunan. Kung sumailalim ka sa ilang screenings at nalaman mong may panganib na makunan ka, mainam na sumailalim sa mga medikasyon at gamutan upang magkaroon ka ng mas ligtas at mas malusog na pagbubuntis.
Bagaman may mga kaso ng pagkalaglag na hindi maiiwasan, may mga maaari ka pa ring gawin upang mabawasan ang tsansa ng pagkalaglag sa hinaharap. Ang pinakamabuting paraan upang maiwasan ito sa unang trimester ng pagbubuntis ay alamin ang mga panganib at pag-aralan kung paano ito masosolusyunan agad.

Matuto pa ukol sa Pagiging Buntis dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Miscarriage, https://my.clevelandclinic.org/healtdiseases/9688-miscarriage, Accessed September 2, 2020

Miscarriage, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK532992/, Accessed September 2, 2020

Miscarriage, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pregnancy-loss-miscarriage/symptoms-causes/syc-20354298, Accessed September 2, 2020

Prevention: Miscarriage, https://www.nhs.uk/conditions/miscarriage/prevention/, Accessed September 2, 2020

Miscarriage Prevention, https://www2.hse.ie/wellbeing/child-health/miscarriage/miscarriage-prevention.html, Accessed September 2, 2020

Miscarriage: What is it? https://www.health.harvard.edu/a_to_z/miscarriage-a-to-z, Accessed September 2, 2020

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Buntis na may PCOS: Posible ba itong Mangyari?

Ika-9 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement