Hindi tulad ng type 1 na diyabetis, ang type 2 na diyabetis ay karaniwang nasuri sa pagtanda. Ito ay dahil sa kadahilanan na ang type 2 diabetes ay resulta ng sobrang timbang, at kakulangan ng pisikal na aktibidad.
Gayunpaman, posible rin na ang mga bata at tinedyer ay maaaring masuri na may type 2 diabetes.
Type 2 Diabetes: Mga Dapat mong Malaman
Gestational Diabetes
Ang isa pang uri ng diabetes ay tinatawag na gestational diabetes. Ito ay nangyayari sa panahon ng pagbubuntis ng isang babae, at kadalasang nawawala pagkatapos niyang manganak. Gayunpaman, inilalagay nito ang ina at ang sanggol sa panganib na magkaroon ng type 2 diabetes sa mga susunod na panahon.
Kung pababayaan, ang diabetes ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon tulad ng pagkabulag, mga problema sa cardiovascular, pinsala sa ugat, at sakit sa bato. Magiging mas mahirap din para sa mga taong may diabetes na pamahalaan ang mga impeksyon, at kung minsan pa, maaaring kailanganin ang pagputol ng mga paa.
Sa mga kaso kung saan ang isang taong may diabetes ay dumaranas ng mataas na asukal sa dugo (hyperglycemia) o mababang asukal sa dugo (hypoglycemia), may posibilidad na humantong sa diabetic coma.
Risk Factors
Ngayon alam na natin kung ano ang diabetes, pag-usapan naman natin ang risk factors nito.
Sino ang Nasa Panganib na Magkaroon ng Diabetes?
Ang panganib na magkaroon ng type 2 na diyabetis ay maaaring tumaas bunga ng mga sumusunod:
- Obesity
- Family history ng diabetes
- Unhealthy diet (red meat, processed meat, sugar beverages
- Gestational diabetes
- Paninigarilyo
- Sedentary lifestyle/kawalan ng pisikal na aktibidad
Ang mga risk factor na ito rin ang mga dahilan kung bakit ang ilang taong may diabetes ay mayroon ding iba pang problema sa kalusugan gaya ng hypertension o sakit sa puso bago pa man ang kanilang diagnosis.
Kaiba sa type 2 diabetes, ang type 1 diabetes ay pinaniniwalaan na bahagyang namamana. Ibig sabihin, kung mayroon kang miyembro ng pamilya na may type 1 na diabetes, may posibilidad na magkaroon din nito. Sa kasalukuyan ay wala pang alam na paraan upang maiwasan ang type 1 diabetes.
Mga palatandaan at sintomas
Ano ang mga Sintomas ng Diabetes?
Sa kaso ng type 1 diabetes, ang mga sintomas ay kadalasang lumilitaw nang mabilis, at walang babala.
Maaaring kabilang sa mga sintomas na ito ang mga sumusunod:
- Madalas na uhaw, at tuyo ang bibig
- Mabilis na pagbaba ng timbang
- Palaging gutom ang pakiramdam
- Madalas ang pag-ihi
- Kakulangan ng enerhiya
- Malabong paningin
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap