backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Sobrang Katabaan, Mas Mapanganib Pa Sa Paninigarilyo

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen · Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    Sobrang Katabaan, Mas Mapanganib Pa Sa Paninigarilyo

    Maraming mga rason bakit hinihikayat ng mga medikal na propesyunal na ihinto ang paggamit ng tobacco. Hindi lamang ito nakasisira ng respiratory organs at blood vessels, ang paninigarilyo ay may banta rin ng cancer. Gayunpaman, may mga pag-aaral na ipinakita na mayroong mas masama kaysa sa paggamit ng tobacco. Lumabas sa pag-aaral na ang labis na ang sobrang katabaan (0besity) ay mas nakamamatay kaysa paninigarilyo.

    Labis Na Katabaan vs. Labis Na Pag-Inom, Kahirapan, At Paninigarilyo

    Ang ideya na ang labis na ang sobrang katabaaan ay mas nakamamatay kaysa paninigarilyo ay hindi na bago. Mayroon ng mahalagang pag-aaral mula rito dalawang dekada na ang nakalipas.

    Ang pag-aaral ay pinangunahan ni Kenneth Wells, isang psychiatrist, at ni Roland Sturm, isang ekonomista sa kalusugan. Sa kanilang pagkalap ng datos, nag-employ sila ng 9,000 na matatanda at ginamit ang kanilang 1998 “self-reported” na pagtataya sa mga sumusunod na salik:

    • Estado ng paninigarilyo
    • Timbang at taas
    • Problema sa pag-inom ng alak
    • Kahirapan
    • Pisikal na kalidad ng buhay
    • 17 chronic na medikal na kondisyon

    Ang mga mananaliksik ay umasa na masusuri nila ang epekto ng estado ng paninigarilyo, BMI (taas at timbang), problema sa pag-inom ng alak at kahirapan sa pagkakaroon ng 17 chronic na medikal na kondisyon at pisikal na kalidad ng buhay.

    Sa kanilang pag-aaral, napag-alaman nila na:

    • Ang pagkakaroon ng BMI na 35 o higit pa (Obese 2) ay mayroong mas malubhang epekto kaysa sa kahirapan, labis na pag-inom ng alak, at paninigarilyo.
    • Ang pagkakaroon ng BMI na 30-35 (Obese 1-2) ay may kaparehong epekto gaya ng sa kahirapan. Gayunpaman, mas nakapamiminsala ito sa kalusugan kaysa sa kahirapan, labis na pag-inom ng alak at paninigarilyo.

    Narito ang nakababahala: Kahit na dalawang dekada na ang nakalipas sa pag-aaral na ito, ang “nationally representative” na pag-aaral na ito ay may katotohanan pa rin.

    Ang Sobrang Katabaan Ay Nagdudulot Ng Labis Na Paggastos Na Medikal

    Ang sobrang nakatabaan ay hindi lang mas nakamamatay sa paninigarilyo, nagdudulot din ito ng labis na paggastos sa medikal na aspekto. Perpektong idinokomento ito nina Well at Sturm sa kanilang pag-aaral.

    Natuklasan nilang ang mga regular na labis na umiinom ng alak ay gumagastos ng 14% na mas mataas sa serbisyong medikal kaysa sa pangkalahatang baseline ng populasyon. Ang araw-araw na naninigarilyo ay gumagastos ng higit na 21%. Ngunit ang mas nakababahala ay ang mga labis ang katabaan ay gumagastos ng higit 36% na mas marami para sa kanilang serbisyong medikal. Idinadagdag din ng mga mananaliksik na 77% na mas mataas ang gastusin sa gamutan ng mga labis ang katabaan.

    Ito ay nangangahulugan na ang mga taong may labis na katabaan ay gumagastos nang mas marami sa kanilang kalusugan. Ito ay kumpara sa mga taong manginginom, naninigarilyo, at mga taong namumuhay sa kahirapan.

    Maraming mga eksperto ang naniniwala na ang pagkakaroon ng sobrang katabaan ay nagdudulot ng mataas na gastos sa pinansyal. At maaaring tama sila, base sa datos na mayroon kami noong 2008.

    Ayon sa CDC, ang estimated na medikal na gastos sa mga labis ang katabaan sa US ay $ 147 bilyon kada taon. Karagdagan, naisiwalat na ang mga taong may sobrang katabaan ay gumagastos ng $1,429 na higit sa taong may normal na timbang.

    Mas Laganap Ang Sobrang Katabaan Kaysa Paninigarilyo

    Isa pa sa mga rason kung bakit ang mga eksperto ay naniniwala na ang sobrang katabaan ay mas malala kaysa sa paninigarilyo ay dahil ngayon ay naging epidemic na ito sa US.

    Noong dalawang dekada, 23% ng mga Amerikano ay kinonsiderang labis ang katabaan, habang 19% ay ang mga araw-araw naninigarilyo. Kamakailan lamang, ang mga numerong ito ay mas tumaas.

    Ang CDC ay nagdeklara na mula sa taong 2017 hanggang 2018 ang lumalalang kaso ng sobrang katabaan sa mga adult ay pumalo ng 42.4%. At mukhang ang ganitong pagtaas ay nangyayari rin sa ibang parte ng mundo.

    Halimbawa, ang 2019 na pag-aaral mula sa Cancer Research UK ay nagbigay ng konklusyon na ang mga taong labis ang katabaan ay nalamangan na ang bilang ng mga naninigarilyo sa United Kingdom. Ang kanilang pagsusuri ay pinakita na sa kada 1 naninigarilyo mayroong 2 labis ang katabaan.

    Sa Pilipinas, nangyayari na rin ito. Ayon sa CIA World Factbook, ang paglala ng kaso ng mga adult na may sobrang katabaan sa ating bansa noong 2014 ay 4.7% lamang. Sa nakalipas na dalawang taon lamang, noong 2016, tumaas ito sa 6.4%.

    sobrang katabaan

    Ang Banta Ng Sobrang Katabaan At Paninigarilyo

    Sa kasamaang palad, ang ilan sa mga tao ay kumakaharap ng hindi lang isa ngunit dalawang alalahanin. Lumalabas na ilan sa mga indibwal na labis ang katabaan ay naninigarilyo rin.

    Ngayon, hindi alam ng mga eksperto kung bakit ang labis na katabaan na may kinahaharap nang suliranin sa kalusugan ay naninigarilyo pa. Maaaring iniisip nila na makababawas ng gana sa pagkain at nakababawas ng sugar cravings ang paninigarilyo. Sa madaling salita, sa tingin nila na makatutulong ito upang mabawasan ang kanilang timbang.

    Ang problema ay ito: Inilabas ng pag-aaral na hindi ito totoo.

    Sa pag-aaral na, “Ang Paninigarilyo ay Naiuugnay Kasama ng mas Maraming Abdominal Fats sa Sakit ng Pasyenteng may Labis na Katabaan,” ang mga mananaliksik ay natuklasan na ang paninigarilyo habang ikaw ay nasa labis na katabaan ay nagreresulta sa mas mataas na BMI, mas maraming abdominal fat, at mas mataas na porysento ng body fat.

    Kaya mula rito, ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang paninigarilyo at labis na katabaan ay ang pinaka-delikadong magagawa mo.

    Kinakailangan Ng Mas Agresibong Kampanya Laban Sa Sobrang Katabaan

    Ang sobrang katabaan ba ay mas nakamamatay kaysa sa paninigarilyo?

    Ang pag-aaral mula kay Well and Sturms ay ipinapakita nito. Ipinaliwanag din nila na habang ang sobrang katabaan ay may banta na sa kalusugan, mas kakaunti ang polisiya rito kaysa sa paninigarilyo.

    Sa ating bansa, marami tayong kampanya laban sa paninigarilyo. Isa sa mga halimbawa ay hindi pinahihintulutan ang mga patalastas sa paninigarilyo sa telebisyonat ang bawal na paninigarilyo sa pampublikong lugar. Karagdagan, noong 2014 sa R.A. bilang 10643, o ang Graphic Health Warning Law, ay naipasa. Ang batas ay nangangailangan ng mga larawan bilang babala sa mga produktong sigarilyo.

    Ano Naman Ang Kampanya Sa Pagsugpo Ng Labis Na Kabataan?

    Ang Kagawaran ng Kalusugan ay isinusulong ang malusog na diet sa mga Pilipino. Dagdag pa, binibigyang diin din nila ang kahalagahan ng regular na pag-eehersisyo. Ngunit marami sa atin na mahirap na nahihirapan na gawin ang pareho.

    Sa ganitong mga rason, ang mga eksperto ay binigyang diin ang disiplina sa pagpili ng pagkain, at ang pagsunod sa tamang pag-ehersisyo ay mahalaga, isinusulong nila ang paghahanap ng ibang alternatibong pangkalusugan. Upang maiwasan ang palagiang nakaupo, ang mga institusyong pangkalusugan ay hinihikayat ang kahit 30 minutong ehersisyo kada araw.

    Mahalagang Tandaan

    Ang labis ng katabaan ay maaaring mas nakamamatay pa kaysa sa paninigarilyo. Ngunit mas may benepisyo kung wala ka sa mga banta ng mga ito. Subukang humanap ng motibasyon upang ihinto ang paninigarilyo at palaging alalahanin ang pagkonsumo ng nutrisyon at regular na pag-ehersisyo.

    Matuto pa tungkol sa obesity rito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyu ng Eksperto

    Chris Icamen

    Dietetics and Nutrition


    Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement