backup og meta

Pinagkaiba Ng Osteopenia Sa Osteoporosis: Alin Ang Mas Nakababahala?

Pinagkaiba Ng Osteopenia Sa Osteoporosis: Alin Ang Mas Nakababahala?

Malamang na pamilyar ka na sa osteoporosis. Ito ay isang kondisyon kung saan nawawala ang density at lakas ng mga buto, kaya mas madaling mabalian. Gayunpaman, narinig mo na ba ang tungkol sa isang malapit na nauugnay na kondisyon na tinatawag na osteopenia? Alamin dito ang pinagkaiba ng osteopenia sa osteoporosis?  

Bone Density Test at T-Scores

Upang higit na maunawaan ang pinagkaiba ng osteopenia sa osteoporosis, kailangan mo ng ilang kaalaman tungkol sa bone density test at T-scores.

Sinusukat ng bone mineral density (BMD) test (o simpleng bone density test) ang dami ng mineral na nilalaman sa partikular na volume ng buto. Ang pinakakaraniwang paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng central dual-energy x-ray absorptiometry o central DXA test.

Painless na procedure ang DXA test, parang regular x-ray lamang ito. 

Ang mga resulta ay T-scores, na karaniwang inihahambing ang iyong bone mass sa malusog na young adult.

Ang T-score na 0 ay nangangahulugan na ang iyong bone mass ay katumbas ng inaasahang bone mass ng isang malusog na young adult. Kung mas mababa ang iyong marka (mas mababa sa zero, ipinapakita sa mga negatibong numero), mas mababa ang density ng iyong mineral sa buto. Nangangahulugan din ito na mas nasa panganib ka ng fractures. 

TANDAAN: Karaniwang inirerekomenda ang bone mineral density test para sa mga babaeng papalapit na sa menopause o sa mga may edad na 65 at mas matanda. Sa ilang mga kaso, inirerekomenda din nila ito sa mga lalaking may edad 70 pataas.

Pinagkaiba Ng Osteopenia Sa Osteoporosis: Kahulugan

Ngayon na alam mo na kung ano ang bone mass at T-scores, pag-usapan natin ang mga kahulugan ng osteoporosis at osteopenia.

Ang pagkakaroon ng T-score na -1 o +1 ay normal. Nangangahulugan ito na ang density ng iyong buto ay maihahambing sa isang malusog na young adult.

Ayon sa World Health Organization, ang osteopenia ay nangyayari kapag ang iyong T-score ay nasa pagitan ng -1 at -2.5. Sa kabilang banda, ang osteoporosis ay nagpapahiwatig ng T-score na -2.5 o mas mababa.

Sa pangkalahatan, inilalarawan ng osteopenia ang pagbaba ng bone mass na mababa sa normal reference values. Ngunit hindi ito sapat na mababa upang ituring na osteoporosis.

Pinagkaiba Ng Osteopenia Sa Osteoporosis:  Alin ang mas nakababahala?

Kung mayroon kang osteopenia, sa pangkalahatan ay nangangahulugang ang mga buto mo ay hindi kasing lakas ng nararapat. Ngunit ang pagkawala ng mineral ay hindi pa nagdudulot ng mga problema. Kung mayroon kang osteoporosis, ang mga buto mo ay mahina at maaaring mabali na may kaunting pinsala.

Nangangahulugan ba ito na ang osteoporosis ay higit na nakababahala? Hindi naman.

Ayon sa mga eksperto, ang osteopenia ay maaaring mauwi sa osteoporosis.

Upang maiwasan ang posibilidad, ang mga pasyente ay dapat gumawa ng mga hakbang upang mapanatili at itaguyod ang kanilang bone mass at lakas nito.

Mga Sanhi at Risk Factors

Ang pinagkaiba ng osteopenia sa osteoporosis ay hindi magiging kumpleto nang hindi pinag-uusapan ang kanilang mga sanhi at risk factors.

Dahil ang dalawang kondisyong ito ay malapit na nauugnay, ang kanilang mga sanhi at risk factors ay pareho.

Sinasabi ng mga ulat na ang sanhi ng pangunahing osteopenia at osteoporosis ay ang unti-unti, natural na bone loss na nauugnay sa pagtanda (at menopause sa mga kababaihan). Ang mga pangalawang sanhi ay kinabibilangan ng:

  • Lifestyle, tulad ng kakulangan ng pisikal na aktibidad, labis na pag-inom ng alak, at paninigarilyo.
  • Mga kondisyon sa kalusugan, tulad ng hyperthyroidism, malabsorption syndrome, at anorexia.
  • Ilang partikular na gamot, gaya ng antiepileptics, pangmatagalang paggamit ng steroid, at chemotherapy drugs.

Pinagkaiba Ng Osteopenia Sa Osteoporosis: Pag-iwas at Paggamot

Sa maraming kaso, ang mga doktor ay hindi nagrereseta ng mga gamot sa mga pasyenteng may osteopenic maliban kung sila ay may mataas na panganib na makaranas ng mga bali sa susunod na sampung taon.

Sa pangkalahatan, ang layunin ng paggamot sa osteopenia ay upang maiwasan ang karagdagang bone mass loss at pagpapatuloy sa osteoporosis. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng:

Siyempre, ang mga ito ay pinakamahusay na nakakamit sa ilalim ng gabay ng isang healthcare professional.

Key Takeaways

Ang pinagkaiba ng osteopenia sa osteoporosis ay hindi karaniwang paksa ng talakayan. Kadalasan, ang mga tao ay pamilyar sa osteoporosis ngunit hindi alam ang osteopenia.
Ang ibig sabihin ng osteopenia ay mas mababa ang mass ng iyong mga buto, ngunit hindi ito sapat na mababa upang ituring na osteoporosis. Gayunpaman, dahil ang osteopenia ay maaaring mauwi sa osteoporosis, mahalaga na aktibong gumawa ka ng mga hakbang upang maiwasan ang karagdagang bone loss.

Nag-aalala tungkol sa osteoporosis? Subukan ang aming Osteoporosis Risk Screener dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bone Mass Measurement: What the Numbers Mean, https://www.bones.nih.gov/health-info/bone/bone-health/bone-mass-measure, October 19, 2021

Bone mass, https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/bone-mass, October 19, 2021

Burden of major musculoskeletal conditions, https://www.who.int/bulletin/volumes/81/9/Woolf0903.pdf?ua=1#:~:text=Osteopenia%20(low%20bone%20mass)%3A,%2Dscore%20%3C%20%E2%80%931)., October 19, 2021

Osteopenia, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK499878/, October 19, 2021

You’ve Heard of Osteoporosis. What About Osteopenia?, https://www.hss.edu/article_what-is-osteopenia.asp, October 19, 2021

What is osteopenia, and what should be done about it?, https://www.clevelandclinicmeded.com/medicalpubs/ccjm/Jan06/watts.htm, October 19, 2021

Kasalukuyang Version

04/13/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni January Velasco, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano Ang Mga Sintomas Ng Osteoporosis?

Vitamins Para Sa Buto: Kailangan Ba Ng Supplements?


Narebyung medikal ni

January Velasco, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement