Ang mga halamang gamot ay matagal nang narito at kahit na may lumalagong makabagong medisina, ang mga supplement na halaman ay patuloy na nakikilala na natural na pampalakas ng immune system. Habang may mga tao pa rin na nag-aalinlangan tungkol sa benepisyo ng herbs, hindi natin maisasantabi ang katotohanan na ito ay kapaki-pakinabang.
Halamang Gamot Na Natural Na Pampalakas Ng Immune System
Ampalaya
Kilala rin sa tawag na bitter gourd o bitter melon, ito ay isang alternatibong kilalang staple food, ngunit ito rin ay lunas para sa maraming kondisyon sa kalusugan, kabilang na ang diabetes at mataas na presyon ng dugo. Ang pinaka kilalang katangian ng halaman na ito ay ang pagiging mapait ng lasa.
Ipinakita ng pag-aaral na ang ampalaya ay naglalaman ng antioxidant properties na nakapagtatanggal ng free radicals na sanhi ng karamdaman. Ang iba ay naniniwala na ang katangian ng ampalaya ay nakaiiwas sa pagkakaroon ng cancer cells. Maliban sa pagkonsumo nito mula sa natural na porma, may mga nasa kapsula at tsaa na nabibili sa pamilihan ngayon.
Malunggay
Kung ikaw ay naghahanap ng supplement na halaman upang na natural na pampalakas ng immune system sa natural na paraan, tumingin lang sa inyong bakuran. Ang moringa oleifera ay isang siyentipikong pangalan ng malunggay, isa pang kilalang sangkap sa karamihan ng mga pagkain ng Asian, tulad ng paborito ng mga Pilipino na Tinola. Hindi lang ito sangkap sa maraming pagkain, ngunit ito rin ay mayaman sa nutrisyon. Hindi pa riyan nababanggit ang mga katangian nitong medikal.
Ang mga dahon ay anti-inflammatory din at epektibong antioxidant. Para sa eksternal na paggamit, ang dahon ng malunggay ay maaaring gamitin bilang pangangalaga sa balat na solusyon para sa tigyawat. Upang gamitin, dikdikin ang mga dahon at ilagay sa apektadong bahagi. Ang malunggay ay epektibong lunas din para sa asthma at nakatutulong para mag-produce ng gatas ng ina.
Luya
Kilala bilang ginger o luya, ang halaman na ito ay isa sa mga kilalang halamang supplements na natural na pampalakas ng immune system. Ito ay pangunahing spice na makikita sa kusina, lalo na sa Pilipinas.
Ang mga benepisyo nito sa kalusugan ay kilala na naglalaman ng antiviral, antiseptic, anti-inflammatory at anti-fungal properties. Ginagamit ng karamihan ng mga tao ang luya upang mapabilis ang paggaling mula sa iba’t ibang sakit at makapigil sa mga karamdaman, kasama na ang karaniwang lagnat.
Maaari mong pakuluan ang luya kahit na 5 minuto at inumin ito. Makikita rin ito na powder form, na maaari mong inumin na tsaa.
Oregano
Ang Origanium Vulgare o oregano ay kapaki-pakinabang para sa mga nakararanas ng asthma at arthritis. Ang alternatibong halaman na ito ay naglalaman ng katangian sa kalusugan na parehong antimicrobial at antioxidant.
Kadalasan na dinidikdik ang mga dahon o pinipiraso at ang katas nito ay hinahalo sa tubig o iniinom na diretso.
Luyang Dilaw
Kilala rin sa tawag na turmeric o luyang dilaw, ang Curcuma Longa ay isa sa mga kilalang herbal supplements na natural na pampalakas ng immune system, lalo na upang maging maayos na kalusugan. Marami ang naniniwala na ang properties nito ay maaaring magpagaling ng mga sintomas ng diabetes at posibleng mapigilan ang cancer.
Upang gamitin, maaari kang mag-extract ng turmeric juice at inumin ito direkta. Lagyan ng honey at tubig kung nais.
Tanglad
Ang halamang gamot na ito ay karaniwan at kilala na lemongrass o tanglad, isa pang kilalang sangkap sa mga pagkaing Pilipino. Kung isasama sa Ayurvedic na gamot, ang lemongrass ay pinaniniwalaan na mayroong antidiuretic properties na epektibong nakapaglalabas ng nakapipinsalang toxins sa katawan. Sinasabi rin ng mga tao na ang herbal supplement na ito ay may katangian na antimicrobial, antibacterial, at analgesic.
Upang gamitin, pakuluan ang dahon ng tanglad na nasa 10 minuto, i-strain at inumin.
Bawang
Isa pang tanyag at mahalaga sa kusina ay ang Allium Sativum o bawang. Maliban sa panlasa sa mga pangunahing pagkain, ang bawang ay may properties na epektibo na labanan ang mga karaniwang microorganisms at infections, pati na rin ang sanhi ng thrush, pneumonia, at tuberculosis.
Mahalagang tandaan sa paggamit ng herbs bilang supplement, habang ito ay ligtas sa pangkalahatan upang ikonsumo, hindi dapat ito gamitin na kapalit na payo ng iyong doktor. Karagdagan, ang paggamit ng herbs upang mapabuti ang kalusugan ay dapat na gawin kasama ng tamang diet at ehersisyo.
Natural na Pampalakas ng Immune System: Mga Porma
Tsaa
Ang mga herbal supplements ay kadalasan ay nasa porma ng herbal tea. Pakaluan lamang o babarin ang herbs ng 5 minuto, i-drain at inumin. Maaari ka ring magdagdag ng tubig o honey kung nais.
Maliban sa paggawa ng tsaa mula sa herbs na natural na porma, gumawa rin ang mga commercial manufacturers ng nasa powder para sa mas madali at mabilis na pag-inom.
Herbal infusion
Katulad ng tsaa, ang herbal infusions ay gawa mula sa pagbabad ng herbal supplements na natural na pampalakas ng immune system. Gayunpaman, sa halip na hayaan itong nakababad ng 2-3 minuto, ito ay nasa 7 oras.
Essential oil
Ang mga essential oil na gawa sa herbs ay kadalasan na dinaragdag sa diffusers o tubig panligo. Ikalat ang kahit na 3 patak ng napiling herb at i-enjoy ang antiviral na benepisyo nito.
Capsule
Ginawa rin ang mga herbal supplements sa porma ng capsule sa mas madali at mas mabisang garantiya.
Ano ang mga Banta at Side Effects?
Hindi tulad ng modernong medisina, walang sapat na impormasyon o pag-aaral na isinagawa sa mga banta o side effects ng pagkonsumo ng alternatibong herbal. Karamihan ng herbal supplements na natural na pampalakas ng immune system ay ligtas na gamitin ng mga matatanda. Ngunit huwag kalimutan na laging inirerekomenda na konsultahin muna ang iyong doktor.
May mga herbs din na may salungat na interaction sa kasalukuyang kinokonsumong gamot. Bago gamitin, konsultahin ang doktor.
Ang mga buntis at nagpapasusong mga nanay ay kailangan ding ikonsidera ang pag-iingat sa pagkonsumo ng herbal supplements. Upang maging ligtas, ikonsumo lang ang mga supplements at gamot na inireseta ng doktor.
Key Takeaways
Upang mapanatili ang kalusugan, kumain ng masustansyang pagkain at
mag-ehersisyo nang regular. I-maximize ang benepisyong pangkalusugan ng herbs at spices upang palakasin ang immunity. Gayunpaman, laging komonsulta sa ating mga doktor lalo na kung kinokonsidera ang lunas na herbal para sa seryosong kondisyon sa kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatives dito.