backup og meta

Yakult Para Sa Pagtatae, Epektibo Nga Ba?

Yakult Para Sa Pagtatae, Epektibo Nga Ba?

Maraming tao ang nakararanas ng pagtatae ang umaasa sa mga gamot, tulad ng loperamide, para sa mabilis na paggamot. Gayunpaman, nais ng iba na tugunan ang kanilang pagtatae  gamit ang mga probiotic dahil ito ay tila isang “mas natural na paraan.” Isa sa pinaka kilalang brand ng probiotics sa Pilipinas ay Yakult. Ang tanong, maaari ka bang uminom ng Yakult para sa pagtatae? Nakakatulong ba talaga ito sa paggamot sa pagtatae? Alamin dito.

Maaari Ka Bang Uminom Ng Yakult Para Sa Pagtatae?

Bago ang anumang bagay, alamin muna natin kung ligtas bang uminom ng Yakult kapag nagtatae ka.

Ang Yakult ay isang fermented dairy product, at kapag ang isang tao ay may matinding pagtatae, kadalasang hinihiling ng mga doktor na iwasan ang mga produkto ng dairy sa loob ng ilang araw¹.

Mula sa opisyal na website ng Yakult Philippines, sinabi nila na ang pagtatae ay maaaring sanhi ng maraming mga kadahilanan (stress, paggamit ng antibiotic, hindi pagkatunaw ng pagkain, pagkalason sa pagkain, atbp.) na maaaring makagambala sa balanse ng gut flora. Ang pag-inom ng Yakult ay makakatulong sa pagpapanumbalik ng balanse ng bituka flora. Idinagdag din nila na ang labis na pag-inom ng Yakult ay hindi magdudulot ng pagtatae, ngunit binigyang-diin na sapat na ang isang bote araw-araw.

Yakult Para Sa Pagtatae: Magandang Lunas Ba Ito?

Ang Yakult ay isang probiotic na inumin na naglalaman ng 8 bilyong live na Lactobacillus casei strain Shirota. May mga siyentipikong datos na nagpapatunay na ang probiotic bacteria na ito ay umaabot sa bituka nang buhay. Ngunit maaari ba silang makatulong sa paggamot sa mga kaso ng pagtatae?

Ayon Sa Yakult-Sponsored Study Sa Vietnam

Sa isang 12-linggong pag-aaral na itinataguyod ng Yakult at ngayon ay inilathala sa European Journal of Clinical Nutrition, inimbitahan ng mga mananaliksik ang higit sa 1,000 kalahok na may edad 3 hanggang 5 at hinati sila sa dalawang grupo. Ang isa ay nakatanggap ng bote ng Yakult araw-araw sa loob ng 12 linggo; ang iba ay walang natanggap. Tandaan na pagkatapos ng paggamot, nagkaroon ng 4 na linggong wash-out period kung saan tumigil sila sa pag-inom ng produkto.

Ang mga resulta ay nagpakita na ang saklaw ng pagtatae sa pangkat ng Yakult ay bumaba mula 7.3% hanggang 4.9%. Bukod dito, nagpatuloy ang epekto kahit na pagkatapos ng panahon ng wash-out. 

Ang insidente ng pagtatae sa control group ay bahagyang nagbago. Sa pangkalahatan, ito ay nanatili sa pagitan ng 7.9 at 8.1%³.

Batay sa mga resultang ito, masasabi natin na ang Yakult para sa pagtatae ay may posibilidad.

Ayon Sa Ibang Pag-aaral 

Ang ibang mga pag-aaral ay hindi gumamit ng Yakult sa partikular. Ngunit sinuri nila ang 63 na pag-aaral upang suriin ang epekto ng probiotics sa pagpapagamot ng pagtatae.

Sa pagsusuri na may higit sa 8,000 kalahok (karamihan ay mga bata), nabanggit nila na sa loob ng 5 araw:

  • 34 sa 100 katao ang naging diarrhea-free kahit walang paggamot.
  • 55 sa 100 tao ay naging walang pagtatae nang uminom sila ng probiotics. Tandaan na iba-iba ang mga anyo ng probiotic, mula sa yogurt, gatas, pulbos, kapsula, hanggang sa formula ng sanggol.

Nangangahulugan ito na nagpapawala ng pagtatae ang mga probiotic nang mas mabilis para sa 21 sa 100 tao⁴.

Ayon Sa Ekperto

Ang European Society for Pediatric Gastroenterology Hepatology and Nutrition (ESPGHAN) at ang European Society for Pediatric Infectious Disease (ESPID) ay nagsabi na ang probiotics ay maaaring isang epektibong pandagdag sa diarrhea management.

Gayunpaman, inirerekomenda nila ang paggamit ng mga probiotic strain na may napatunayang bisa, tulad ng Lactobacillus GG para sa pag-iwas sa antibiotic na naiuugnay at nakakahawang pagtatae.

Ang Lactobacillus casei, na mayroon ang Yakult, ay kasama sa mga strain na may ebidensya sa pagpigil sa pagtatae sa daycare.

Key Takeaways

Maaari ka bang uminom ng Yakult para sa pagtatae? Sinabi ng Yakult na ang kanilang produkto ay maaaring makatulong sa pagpapanumbalik ng gastrointestinal flora sa mga oras na maaaring mangyari ang mga hindi pagbalanse. Binanggit din nila na ang labis na pag-inom ay hindi magdudulot ng pagtatae. Ngunit binigyang-diin na sapat na ang isang 65 ml na bote na naglalaman ng live Lactobacillus casei strain Shirota araw-araw.
Mayroon ding isang pag-aaral na naghihinuha na ang Yakult ay nakakabawas sa pagtatae sa mga bata. Ang isang pagsusuri sa 63 na pag-aaral ay napansin din na ang mga probiotic ay tila nakatutulong sa ilang mga tao nahindi makaranas nang pagtatae nang mas mabilis.
Gayunpaman, tandaan na ang Yakult ay hindi dapat maging kapalit ng medikal na paggamot. Kung nagpapatuloy ang iyong pagtatae sa kabila ng mga lunas  sa bahay, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong doktor para sa naaangkop na paggamot.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 When you have diarrhea, https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000121.htm, Accessed November 11, 2021

2 Common Questions Encountered, https://www.yakult.com.ph/faq, Accessed November 11, 2021

3 Yakult’s L-casei Shirota Reduces Constipation, Diarrhea, and ARI in children,
https://www.yakult.com.ph/faqhttps://www.nutraingredients-asia.com/Article/2020/11/02/Yakult-s-L-casei-Shirota-reduces-constipation-diarrhoea-ARI-in-children-12-week-Vietnam-trial?utm_source=copyright&utm_medium=OnSite&utm_campaign=copyright, Accessed November 11, 2021

4 Can probiotics help against diarrhea?, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK373095/, Accessed November 11, 2021

5 What is the efficacy of probiotics in the treatment of diarrhea?, https://www.medscape.com/answers/928598-25460/what-is-the-efficacy-of-probiotics-in-the-treatment-of-diarrhea, Accessed November 11, 2021

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement