Kung meron kang diabetes, malamang naipaliwanag na ng doktor mo kung bakit mahalagang umiwas sa sweets hangga’t maaari. Kung tutuusin, ang goal sa pangangalaga ay panatilihin ang blood sugar levels mo sa target range. Pero kung minsan, ang cravings para sa matatamis ay hindi maiwasan. Sa mga pagkakataong iyon, malamang na maghahanap ka ng artificial o natural sweeteners, tulad ng Stevia. Pero, mainam ba ang stevia para sa may diabetes? Narito ang mga dapat mong malaman.
-
Nagmula sa halaman ang Stevia para sa may diabetes
Ang isang nakakatuwang bagay sa stevia ay nagmula ito sa halaman. Galing ito sa extracts ng halaman na tinatawag na Stevia rebaudiana.
Ang stevia sweeteners ay may ng steviol glycoside, na humigit-kumulang 10 hanggang 15 beses na mas matamis kaysa sa sucrose. Kung bakit ito ay “zero calorie” na sangkap ay dahil ang ating katawan ay hindi nagme-metabolize ng steviol glycoside, samakatuwid, hindi tayo nakakakuha ng mga calorie mula dito.
-
Ang Stevia ay hindi gaanong nakakaapekto sa blood sugar levels
Mabuti ba ang stevia para sa may diabetes?
Ang isa sa mga dahilan kung bakit ang stevia ay maaaring maging magandang pampatamis para sa may diabetes ay dahil hindi ito gaanong nakakaapekto sa glucose sa dugo.
Ayon sa mga eksperto, “ ang stevia preparations na ginamit sa medyo kakaunti halaga lang” ay walang makabuluhang epekto sa sugar levels.
-
Maaaring mapabuti pa ng Stevia ang glucose tolerance
Isa pang magandang bagay tungkol sa stevia? Maaaring mapabuti nito ang ating glucose tolerance o ang paraan ng pagtugon ng ating katawan sa asukal.
Napansin ng isang pag-aaral sa Brazil na ang paggamit ng stevia preparations sa pagitan ng 6 na oras para sa 3 araw ay makabuluhang nagpabuti ng glucose tolerance.
Gayunpaman, habang ito ay mabuting balita, lalo na para sa mga taong nagte-take ng insulin, ang pinag-uusapang pag-aaral ay mayroon lamang ng 16 na kalahok.
Kaya naman, maliban kung binibigyan ka ng iyong doktor ng go signal na palaging gumamit ng stevia, tandaan na gamitin ito ng matipid.
-
Ang natural sweetener na ito ay maaaring magpababa ng blood sugar
Ang isa pang makakasagot sa ating katanungan, “Maganda ba ang stevia para sa may diabetes?”, ay ang potensyal nitong magpababa ng blood sugar level.
Sinuri ng isang pag-aaral noong 2018 ang mga epekto ng pagkain ng stevia-sweetened coconut jelly 30 hanggang 120 minuto pagkatapos kainin ito. Sinuri nila ang sugar levels sa kalahating oras na pagitan.
Isiniwalat ng mga mananaliksik na ang blood sugar level ay nagsimulang bumaba sa 60 hanggang 120 minuto bago pa man ang release ng insulin.
-
Hindi ito nakakaapekto sa lipid profile ng mga pasyente ng type 2 diabetes
Nabanggit ng isang small-scale na pag-aaral na ang stevia ay hindi nakakaapekto sa blood sugar levels, at hindi rin ito lumilitaw na nakakaapekto sa lipid profile ng type 2 diabetics. Ito ay higit pang nagtatak sa konklusyon na ang stevia ay maaaring maging isang magandang sweetener para sa may diabetes.
-
Ang ilang manufacturers ay inihalo ang stevia sa iba pang mga sweetener
Dahil ang stevia ay maaaring mag-iwan ng mapait na aftertaste, pinaghalo ito ng ilang mga tagagawa sa iba pang mga sweetener, tulad ng sucrose, dextrose, natural flavors, at sugar alcohol.
Ang pagdaragdag ng iba pang mga sweetener o sangkap ay maaaring magpataas ng calorie content ng stevia. Kaya, kung sinusubukan mong iwasan ang ilang partikular na asukal, suriin muna ang listahan ng mga sangkap. Gayundin, mag-ingat sa asukal sa alkohol, tulad ng mannitol, sorbitol, at xylitol, dahil maaari silang makaapekto sa iyong blood glucose.
-
Nakakatulong ito sa iyong magbawas ng timbang
Mabuti ba ang stevia para sa may diabetes?
Dahil ang stevia ay hindi nakakatulong sa iyong caloric intake, maaari itong makatulong sa iyong layunin na pamahalaan ang iyong timbang. At kung ikaw ay isang diabetic, alam mo na ang pamamahala ng timbang ay mahalaga sa pagkontrol ng glucose.
Key Takeaways
Mabuti ba ang stevia para sa may diabetes? Maaari, kung isasaalang-alang na hindi ito nakakaapekto sa blood glucose at lipid profile. Higit pa rito, lumilitaw din itong isang magandang sangkap kung sinusubukan mong magbawas ng timbang.
Gayunpaman, ang stevia ay hindi dapat gamitin ng marami. Ito ay dahil maaaring hindi na ito kapaki-pakinabang. Gayundin, kailangan mong suriin ang mga sangkap ng mga pagkaing kinakain mo: maaaring naglalaman din sila ng stevia o iba pang artificial sweeteners.
Kung mayroon kang concerns tungkol sa kung gaano karami ang pwede mong gamitin, mangyaring kumunsulta sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.
[embed-health-tool-bmi]