backup og meta

Pampagana Kumain: Heto Ang Mga Puwede Mong Subukan

Pampagana Kumain: Heto Ang Mga Puwede Mong Subukan

Ang pamilya mo ay masayang kumakain ng mga naihandang pagkain sa inyong hapag. Ngunit hindi ka man lang natakam sa mga ito katulad ng nakasanayan. Ano kaya ang maaari mong gawin tungkol dito? Ang artikulong ito ay magbabahagi ng mga pampagana kumain at iba pang paraan upang mapalakas ang iyong gana kumain. 

Pag-Unawa Sa Kahalagahan Ng Appetite o Mga Pampagana Kumain

Ang appetite ay tumutukoy sa pagnanais ng isang tao kumain ng pagkain. Dapat maunawaan na ito ay naiiba sa kagutuman, na nagsisilbing rekasyon na katawan mula sa kakulangan ng pagkain. Maaari may gana ka kumain habang nagugutom. Kung kaya, mas lalong napaparami ang pagkain. Ngunit, maaari rin namang hindi ka nakararamdam ng gutom subalit ninanais mo pang kumain. Maraming dahilan o mga salik na ikinokonsidera sa pagtaas o pagbaba ng gana kumain na maaaring makaapekto kung ano ang magiging tugon mo sa pagkain. 

Ayon sa Canadian Society of Gastrointestinal Research, mas malaki ang posibilidad na ang isang tao ay magnais kumain kapag siya ay gutom. Gayunpaman, mayroong din ilang mga partikular na salik na nagpapataas ng kanyang gana kumain kabilang ang mga sumusunod:

  • Pagkabagot, stress, o iba pang mataas na emosyonal na estado
  • Pagkaakit sa amoy o itsura ng pagkain 
  • Mga routine, ugali, o mga espesyal na okasyon

Mga Salik Na Nakaapekto Sa Appetite

Bago tayo tumungo sa mga paraan ng pampagana kumain, atin munang talakayin ang mga salik na nakaapekto sa pagtaas o pagbaba ng gana ng isang tao kumain. 

Diyeta

Nangunguna sa listahan ang diyeta. Ayon sa isang pag-aaral patungkol sa ketogenic (keto) diet, nahinuha ng mga mananaliksik na ang mga taong nagsisimulang sumunod sa naturang diyeta ay kadalasang nakararanas ng panimulang pagtaas ng gana. 

Ngunit, matapos ang tatlong linggo, napansin na hindi na nakaranas ang mga kalahok ng pagtaas ng pampagana kumain. Higit pa rito, katulad ng tipikal na layunin ng iba’t ibang mga diyeta, patuloy din ang pagbaba ng kanilang timbang. 

Isinasaad naman ng iba pang mga pag-aaral ang kahalagahan ng protina. Nakatutulong daw ang partikular na nutrisyon sa pakiramdam ng pagkabusog matapos kumain. Kung kaya, mainam ang protina bilang pampagana kumain na nasa ilalim ng tamang regulasyon. 

Mental Health

Maaaring naranasan mo na mawalan ng gana kumain dahil wala ka sa mood. O kung hindi naman, ito ang magudyok sa iyo na kumain nang marami lalo na kung ikaw ay nasa bingit ng stressful na sitwasyon.

Ilang mga pananaliksik ang nagmumungkahi na maaaring tumaas o bumababa ang gana sa pagkain ng mga depressed na tayo. Ito ay marahil nakikita ng ilang mga tao ang pagkain bilang instrumento upang mapabuti ang pakiramdam.

Kabilang din sa listahan ang ilang mga kondisyon tulad ng thyroid disease, cancer, Parkinson’s disease, kidney disease, maging mga impeksyon. Kaugnay din nito ang ilang mga gamot na maaaring makaapekto sa apppetite ng tao.

Iba’t Ibang Paraan Na Maaaring Makatulong Na Pampagana Kumain

Ibinahagi ng Pancreatic Cancer Action Network (PanCAN) ang ilan sa mga maaaring ikonsiderang mga paraan bilang pampagana kumain:

  • Pumili ng mga masasarap na pagkain at mga pagkaing may kaaya-ayang aroma.
  • Magsagawa ng meal planning at preparation isa o ilang araw bago kainin ang mga ito. 
  • Ayusin ang mga pagkain sa kaakit-akit na paraan. Maglagay ng mga pagkaing may iba’t ibang kulay upang maengayo kumain.
  • Mag-ehersisyo nang bahagya upang ma-stimulate ang appetite. 
  • Kumain ng mga pagkain at meryenda sa mga nakatakdang oras, kahit hindi nagugutom.
  • Uminom ng 6-12 na baso ng tubig araw-araw. 
  • Maglagay ng maliliit na mangkok ng mga masustansyang meryenda, tulad ng mga mani at prutas.
  • Magpahinga. 

Dagdag pa rito, iminumungkahi ng isang pag-aaral na importante ang pagkain sa umaga dahil ito ang nakapagbibigay ng gana kumain at lakas para sa buong araw. 

Key Takeaways

Mahalaga ang pagkain sa pangaraw-araw dahil ito ang nagbibigay ng enerhiya at lakas upang makakilos. Ngunit, ang mga pagkakataon na ikaw ay walang gana ay maaaaring makapaglimita sa iyo, na maaari ring humantong sa sakit. Ang ilang mga paraan na nabanggit ay maaaring makatulong upang manumbalik ang gana sa pagkain nang wasto at tama.

Alamin ang iba pa tungkol sa Tips sa Masustansiyang Pagkain dito. 

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Overcoming poor appetite, https://www.pancan.org/facing-pancreatic-cancer/living-with-pancreatic-cancer/diet-and-nutrition/overcoming-poor-appetite/ Accessed July 5, 2022

Hunger and Appetite, https://badgut.org/information-centre/a-z-digestive-topics/hunger-and-appetite/ Accessed July 5, 2022

Hunger vs. thirst: tips to tell the difference, https://pkdcure.org/hunger-vs-thirst/ Accessed July 5, 2022

The effect of breakfast on appetite regulation, energy balance and exercise performance – David J Clayton, Lewis J James, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26653842/ Accessed July 5, 2022

Timeline of changes in appetite during weight loss with a ketogenic diet – S Nymo, S R Coutinho, J Jørgensen, J F Rehfeld, H Truby,  B Kulseng, and C Martins, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5550564/ Accessed July 5, 2022

Depression-related increases and decreases in appetite reveal dissociable patterns of aberrant activity in reward and interoceptive neurocircuitry – W. Kyle Simmons, Ph.D., Kaiping Burrows, Ph.D., Jason A. Avery, Ph.D., Kara L. Kerr, M.A., Jerzy Bodurka, PhD., Cary R. Savage, Ph.D., and Wayne C. Drevets, M.D., https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4818200/  Accessed July 5, 2022

When Your Weight Gain Is Caused by Medicine, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=56&contentid=DM30 0 Accessed July 5, 2022

The Central Effects of Thyroid Hormones on Appetite – Anjali Amin, Waljit S. Dhillo, and Kevin G. Murphy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3112506/ Accessed July 5, 2022

Loss of Appetite, https://www.cancer.org/treatment/treatments-and-side-effects/physical-side-effects/eating-problems/poor-appetite.html Accessed July 5, 2022

Weight Management, https://www.parkinson.org/Understanding-Parkinsons/Symptoms/Non-Movement-Symptoms/Weight-Management Accessed July 5, 2022

Eating, Diet, & Nutrition for Viral Gastroenteritis (“Stomach Flu”), https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/viral-gastroenteritis/eating-diet-nutrition Accessed July 5, 2022

Revisiting the role of protein-induced satiation and satiety – P.Morell S. Fiszman, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0268005X1630340X Accessed July 5, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement