backup og meta

Pampawalang Gana Sa Pagkain: Nakakatulong Ba Ito Sa Pagpayat?

Pampawalang Gana Sa Pagkain: Nakakatulong Ba Ito Sa Pagpayat?

Sa panahon ngayon, maraming tao ang naghahanap ng pampawalang gana sa pagkain. Dahil isa ang obesity sa major health problems sa buong mundo. Kahit  sa developed countries, partikular na mataas ang rates ng labis na katabaan. Sapagkat walang kahit anong epektibong  pharmacological intervention para dito. Ngunit sa paglipas ng panahon, nag-evolve ang medicine upang makabuo ng mga paraan. Partikular sa pagsugpo ng gutom at pagsesenyas sa utak na sapat na ang kinain para sa tiyan. Nagagawa ang paraan na ito sa pamamagitan ng isang appetite suppressant. Kadalasang nanggagaling ito sa anyo ng diet pills o mga gamot sa pagbaba ng timbang.

Gumagana ang appetite suppressant sa pamamagitan ng pag-target sa utak at pagpigil sa signal na kumain — at paglalabas ng signal para sa pagkabusog. Maaaring makontrol ng pills ang hunger pangs. Pwede nilang iparamdam sa iyo na busog ka sa kabila ng hindi pagkain ng maraming calories. Para mapadali ang isang easier caloric deficit — at mas maging maginhawa ang weight loss mechanism.

Pampawalang gana sa pagkain: Gumagana ba ito?

Ipinakita sa mga pag-aaral na pwedeng mabawasan sa pagitan ng 2 at 10% ng kanilang starting weight ng unang taon ang mga taong pinagko-combine ang appetite suppressant — kasama ng paglipat sa healthier lifestyle. Ang diet pills at appetite suppressant ang nagpapahintulot sa mga tao na masimulan ang kanilang pagbabawas ng timbang. Maaari silang makakuha ng magandang epekto sa kanilang progress kahit na lampas sa duration ng treatment.

Nakakaapekto ang pampawalang gana sa pagkain — sa kung paano — at kailan nakikilala ng utak kung sapat na ang kinakain ng tao. Nagsisimula ito sa pamamagitan ng paggawa artipisyal na pagtugon sa pag-inom ng tableta. Sa kalaunan, natututo ang katawan na kumuha ng mga pahiwatig sa caloric deficit na iyong ipinakilala — at ginagawang mas madaling pangasiwaan ang ilang mga aktibidad sa mas mababang caloric na suplay.

Ito’y lubhang kapaki-pakinabang para sa mga taong may labis na timbang — at sa kabila ng karaniwang pagbabalik ng timbang. Ang jumpstarting effect nito ay nagbibigay-daan para sa mas mataas na pisikal na aktibidad — at mas malusog diets sa nakagawian ng isang tao.

Pampawalang gana sa pagkain: Ligtas ba ito?

Nag-apruba ang FDA ng ilang gamot para sa isang duration nang hindi hihigit sa tatlong buwan. Kabilang dito ang:

  • liraglutide (Saxenda)
  • naltrexone-bupropion (Contrave)
  • orlistat (Xenical, Alli)
  • phentermine-topiramine (Osymia)
  • semaglutide (Wegovy)
  • setmelanotide (IMCIVREE)

Naaprubahan ang ilan sa mga ito para sa paggamit laban sa diabetes — at iba pang mga sakit na nagrerekomenda ng regulasyon ng timbang bilang course of treatment.

Kung sa loob ng tatlong buwang iyon, pumayat ka nang walang mga side effect. Maaaring may ilang type na pwede mong gamitin pa. Ngunit, sa ilalim ng mahigpit na medical supervision. Kung saan, napakaliit lamang ng risks nito — at mababa lang ang pagkakataon ng appetite suppressant na magdulot ng pinsala sa atay.

Gayunpaman, palaging kinakailangan na kumunsulta sa isang doktor. Lalo na sa kaganapan ng paninilaw ng balat o anumang palatandaan ng pinsala sa atay.

Maaari ba nilang i-manage ang labis na katabaan?

Siguradong mapapangasiwaan ng appetite suppressant ang obesity.

Dahil naaprubahan na ang mga ito, inireseta ito ng healthcare providers sa mga taong may:

  • Body mass index (BMI) na mas mataas sa 27
  • Type 2 diabetes
  • May kasaysayan ng mataas na presyon ng dugo

Ipinapakita ng science na epektibo sa pagbabawas ng gana sa pagkain ang appetite suppressants —  at ginagawang mas nasa caloric surplus ang isang tao sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkain.

Ipinakita rin ng ongoing clinical trials na epektibo ang mga ito sa mahabang panahon para matulungan ang pre-empt weight regain.

Mayroon bang mga panganib na kasangkot sa pampawalang gana sa pagkain?

Pwedeng hindi maganda ang treatment na ito para sa mga gumagamit ng anti-anxiety o antidepressant na gamot dahil sa mga potensyal na pakikipag-ugnayan.

Maaaring hindi maging ligtas ang mga appetite suppressant para sa mga buntis o nagpapasusong kababaihan. Dagdag pa rito, pwedeng lumala ang ilang partikular na kondisyon sa kalusugan para sa mga may kasaysayan ng mga sakit sa puso o atay.

Tulad ng karamihan sa mga paggamot, may mga posibleng epekto ito. Pinakamainam para sa’yo na talakayin sa’yong doktor ang side effects na aasahan — at mga panganib na kasangkot, dahil iba-iba ang mga ito sa bawat tao. Ang ilang karaniwang epekto nito ay ang mga sumusunod:

  • paninigas ng dumi
  • pagkahilo
  • tuyong bibig
  • pagkapagod
  • pananakit ng ulo
  • problema sa pagtulog.

Key Takeaways

Sa pangkalahatan, mahalagang sundin ang payo ng isang healthcare professional pagdating sa pamamahala ng timbang. Kahit sa isang doktor o nars o isang nutritionist, siguraduhing ibahagi ang kasalukuyang gamot — at ang iba pang mga alalahanin. Bilhin lamang ang iyong gamot mula sa mga kagalang-galang na parmasya o distributor na inaprubahan ng iyong doktor.Mahalagang tandaan na ang gamot sa pamamahala ng timbang ay sinadya. Para suportahan at simulan ang iyong paglalakbay sa isang malusog na pamumuhay. Ang mga ito ay hindi sinadya upang maging isang pass o dahilan ng hindi malusog na mga gawi. Sa huli, ang most sustainable treatment para sa anumang mga isyu sa weight management ay nagmumula dito — at tools lamang ang mga gamot na ito upang matulungan ka.

Matuto nang higit pa tungkol sa pagpigil at pamamahala ng labis na katabaan dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Appetite Suppressants

https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/9463-appetite-suppressants

Accessed October 25, 2021

Appetite suppressants: A review
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/1379155/

Accessed October 25, 2021

Prescription medications to treat overweight & obesity

https://www.niddk.nih.gov/health-information/weight-management/prescription-medications-treat-overweight-obesity

Accessed October 25, 2021

Appetite Suppressants
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3415214/
https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/9463-appetite-suppressants

Accessed October 25, 2021

Weight Loss Drugs

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/weight-loss-drugs/art-20044832

Accessed October 25, 2021

Food and Diet

https://www.hsph.harvard.edu/obesity-prevention-source/obesity-causes/diet-and-weight/

Accessed October 25, 2021

Weight Loss Medications

https://obesitymedicine.org/weight-loss-medications/ 

Accessed October 25, 2021

Kasalukuyang Version

08/29/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Mabagal Na Metabolism, Paano Nakakaapekto Sa Kalusugan?

Anu-ano ang Nagpapataas ng Panganib ng Obesity?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement