backup og meta

Pagkain Para Sa Anemic: Ano-Ano Ang Mga Dapat Mong Kainin?

Pagkain Para Sa Anemic: Ano-Ano Ang Mga Dapat Mong Kainin?

Isa sa unang mapapansin sa taong may anemia ang kanyang pagkaputla. Kung kaya, hinihikayat sila na kumain ng mga masusustansiyang pagkain upang matamasa ang nutrisyon na kanilang kailangan. Alamin sa artikulong ito kung ano-ano ang mga pagkain para sa anemic na maaring ikonsidera sa diyeta. 

Pag-Unawa Sa Kondisyon Na Anemia

Bago tayo tumungo sa mga dapat na pagkain para sa anemic, atin munang intindihin at unawain kung bakit nagkakaroon ng ganitong kondisyon ang isang tao. 

Ang anemia ay tumutukoy sa isang kondisyon kung saan nakukulangan ng sapat na red blood cells upang magdala ng sapat na oxygen sa mga tissue at organ ng katawan. Dahil mababa ang hemoglobin, maaaring madalas makaramdam ng panghihina at pagkapagod. Ito rin ang siyang dahilan ng pagkaputla ng balat. 

Mayroong iba’t ibang uri ng anemia na may kaakibat na mga partikular na sanhi. Gayunpaman, nagiging sanhi pa rin ng pagbaba ng bilang ng red blood cells. Ito ay maaaring dahil sa isa sa mga sumusunod:

  • Hindi makagawa ang katawan ng sapat na hemoglobin
  • Bagaman nakagagawa ng hemoglobin, maaari itong hindi gumagana nang maayos
  • Hindi gumagawa ang katawan ng sapat na red blood cells
  • Masyadong mabilis ang pag-break down ng mga red blood cells 

Ang iron-deficiency anemia ang kinikilala na pinakakaraniwang uri. Maaari itong maging napakabanayad na hindi mo ito malalaman basta-basta. Ngunit, lumala ang anemia habang patuloy ang kakulang sa iron, at gayundin ang mga senyales at sintomas. 

Ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Ang mga sanggol at bata na mayroon ng naturang kondisyon ay maaaring makaramdam ng pagkawalan ng gana kumain. Kung kaya, nararapat na isaalang-alang ang pagkain ng iba’t ibang mga pagkain para sa anemic upang matanggap ang kailangang nutrisyon. 

Mga Pagkain Para Sa Anemic

Maraming iba’t ibang mga pagkain na maaaring mapagkunan ng iron. May dalawang anyo ang iron sa pagkain, ang heme at non-heme. Ang heme ay tumutukoy sa nutrisyon na matatagpuan sa mga laman ng hayop tulad ng karne, manok, at mga pagkaing-dagat. Sa kabilang banda, ang non-heme ay sagana sa mga pagkaing halaman tulad ng whole grains, mga butil, mani, buto, at maging mga green leafy vegetables. Dahil kumakain din ng mga halaman ang mga hayop, maaari rin naman itong makita sa mga karne at iba paang fortified foods. 

Red Meat

Nangunguna sa listahan ng mga pagkain para sa anemic ang red meat. Ito ay puno ng nutrisyon tulad ng protein, zinc, potassium, selenium, at ilang mga klase ng vitamin B. Ayon sa isang pag-aaral, maaaring maiwasan ang iron deficiency kung madalas kumain ng karne, manok, at isda. Maaari ring idagdag dito ang mga laman loob ng mga naturang karne tulad ng atay. 

Shellfish

Bukod sa red meat, magandang pinagmumulan din ng naturang sustansya ang mga clams, talaba, at tahong. Sa katunayan, sagana ang mga ito sa nutrisyon naa nakatutulong upang mapataas ang lebel ng healthy cholesterol (high-density lipoprotein o HDL)  sa dugo.

Green Leafy Vegetables

Kinikilala ang mga green leafy vegetables, tulad ng spinach at broccoli, bilang mga pagkain para sa anemic. Maliban sa taglay nitong iron, ang parehong spinach at broccoli ay mayaman din sa vitamin C na siyang mahalaga para sa iron absorption. 

Kabilang din sa mga pagkain para sa anemic ang mga sumusunod na hanay ng pagkain:

  • Mga buto tulad ng pistachios, pumpkin seeds, flax seeds, almonds, at cashews
  • Legumes tulad ng lentils, peas at beans, tofu, at fermented soybeans
  • Mga tinapay, pasta, at cereals tulad ng wheat products at oat cereals
  • Mga prutas tulad ng raisins, dates, prunes, at figs

Key Takeaways

Ang iron-deficiency anemia ay isang karaniwang kondisyon na maaaring maapektuhan kahit sinuman partikular na lamang ang mga bata, matatanda, at mga kababaihan na nagkakaroon kada buwan o maging ang mga nagdadalang-tao. Bago pa man ito tuluyang lumala at magkaroon ng komplikasyon, mainam na maabantan na ito sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansiyang pagkain na naghahatid ng mga sustansya at nutrisyon na kailangan ng iyong katawan.

Alamin ang iba pa tungkol sa Tips sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Anemia, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/3929-anemia, Accessed August 11, 2022

Iron, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/iron/, Accessed August 11, 20222

Iron deficiency anemia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/iron-deficiency-anemia/symptoms-causes/syc-20355034, Accessed August 11, 2022

Relationship between iron status and dietary fruit and vegetables based on their vitamin C and fiber content – Sandrine Péneau, Luc Dauchet, Anne-Claire Vergnaud, Carla Estaquio, Emmanuelle Kesse-Guyot, Sandrine Bertrais, Paule Latino-Martel, Serge Hercberg, Pilar Galan, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18469253/, Accessed August 11, 2022

How to Add Foods That Are High in Iron to Your Diet, https://health.clevelandclinic.org/how-to-add-more-iron-to-your-diet/, Accessed August 11, 2022

Iron nutrition and absorption: dietary factors which impact iron bioavailability – E R Monsen, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/3290310/, Accessed August 11, 2022

Effects of shellfish consumption on lipoproteins in normolipidemic men – M T Childs, C S Dorsett, I B King, J G Ostrander, W K Yamanaka, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/2349916/, Accessed August 11, 2022

Is Higher Consumption of Animal Flesh Foods Associated with Better Iron Status among Adults in Developed Countries? A Systematic Review – Jacklyn Jackson, Rebecca Williams, Mark McEvoy, Lesley MacDonald-Wicks, Amanda Patterson, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26891320/, Accessed August 11, 2022

Pork, fresh, loin, tenderloin, separable lean only, cooked, roasted, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/168250/nutrients, Accessed August 11, 2022

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Maputlang Labi: Sintomas Ba Ito Ng Sakit?

Pagkaing Pampataas Ng Dugo, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement