backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Anemia Sa Bata: Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD · General Practitioner


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

    Anemia Sa Bata: Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

    Ano Ang Anemia Sa Bata?

    Napansin mo na ba ang iyong anak ay mukhang pagod, mahina at maputla? Bigla na lang ba silang humihinto sa paglalaro nang dahil sa pag hirap huminga at pagkahilo? Kung madalas itong mangyari, baka kinakailangan mo magpakonsulta sa isang doktor kung siya ay may anemia sa bata?

    Bilang isang magulang, gusto nating makita ang ating mga anak na masaya at masigla. Gusto natin silang makitang nakikipaglaro sa kanilang mga kaibigan, magkaroon ng ugnayan sa kanilang mga kaibigan, makahanap ng kanilang bagong kaibigan at maging masaya sa paglalaro. Ngunit sila ay mahihirapan kung sila ay mayroon anemia.

    Ang anemia sa bata ay isang kondisyon kung saan ang katawan ng mga bata ay kulang sa malusog na red blood cells upang makapagdala ng oxygen sa ibang mga tissues ng katawan. Ito ay nagdudulot para sa mga bata na maging maputla at mawalan ng enerhiya o lakas matapos lamang ang ilang mga gawaing pisikal. 

    Para mga bata, ang pinakamadalas na dahilan ay ang iron deficiency. Ang ibig sabihin nito ay hindi sila madalas nakakakuha ng iron sa kanilang mga kinakain.

    anemia sa bata

    Ano Ang Mga Sintomas Ng Anemia Sa Bata?

    Kung ang bata ay may anemia dahil sa iron deficiency, mapapansin mong sila ay mabilis na mapagod at walang enerhiya upang makapaglaro nang matagal na oras.

    Mga Sintomas Ng Anemia Sa Bata

    Maaaring makita natin sa mga bata ang ilang mga sintomas:

    • Mahina at mabilis mapagod o tumamlay
    • Maputla at madilaw na balat
    • Kakulangan sa paghinga kung mayroon ginagawang piskal na gawain
    • Madalas na pagsakit ng ulo
    • Madalas na pagkahilo at mala-pagkahimatay na pakiramdam
    • Pananakit ng dibdib at hindi regular na pulso ng puso
    • Panlalamig ng mga kamay at paa

    Sa una. Ang mga sintomas ng anemia sa bata ay mahirap mapansin. Iisipin mo na ang iyong anak ay pagod lamang sa kaniyang labis na paglalaro kaya sila ay nakakaranas nang kakulangan sa paghinga.

    Hindi mo mapapansin ang pagpalit ng kulay na kanilang balat dahil ito ay hindi halata.

    Maaaring hindi ka maghinala na may mali hanggang sa lumala ang mga sintomas at maging mas maliwanag.

    Kaya naman mahalagang kumunsulta sa iyong doktor kung nababahala ka na ang iyong anak ay maaaring magkaroon ng anemia.

    Ano Ang Nagiging Sanhi Ng Pediatric Anemia?

    Ang pag-alam na ang iyong anak ay dumaranas ng pediatric anemia dahil sa kakulangan sa iron ay isang maliit na bahagi lamang ng malaking larawan.

    Mahalagang malaman kung ano ang mga sanhi sa likod ng kakulangan sa iron na ito sa mga bata upang matugunan nang maayos ang kondisyon.

    Mga Karaniwang Dahilan Ng Pediatric Anemia

    Ang sumusunod ay ang mga pinaka-karaniwang sanhi ng anemia sa mga bata:

    1. Diet Na Mababa Sa Iron

    Ang tanging paraan upang makakuha ng iron ang iyong anak ay sa pamamagitan ng pagkonsumo nito sa pamamagitan ng pagkain. Ngunit kahit na may pagkaing mayaman sa iron, maliit na halaga lamang ang maaaring makuha ng kanilang mga katawan.

    Ang pagkabata ay isang napakahalagang panahon para makakuha sila ng sapat na iron, dahil ang tanging paraan upang sila ay makakuha ng sustantansya ay sa pamamagitan ng pagpapasuso. Ang mga ina na may anemia ay maaaring walang sapat na iron sa kanilang katawan, kaya kahit na regular silang nagpapasuso, ang kanilang anak ay hindi makakakuha ng sapat.

    Gatas ng ina pa rin ang pinakamagandang gatas para sa mga sanggol. Ang ina ay kailangan dagdagan ng iron ang kanyang diet, kung wala siyang sapat na iron sa kanyang katawan.

    Para naman sa mga paslit na mapili sa pagkain, hindi sila makakakuha ng sapat na iron kung kumain sila ng mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng red meat at itlog. Mahalagang turuan silang kumain ng balanseng diyeta. Kung kakaunti lang ang karne o itlog nila sa bawat pagkain, subukang pakainin sila ng mas maliliit na bahagi ng pagkain sa buong araw.

    Bukod sa mga produktong karne, ang iron ay makikita rin sa mga produktong halaman tulad ng mga luntiang gulay, madahong gulay, beans at lentils, iron-fortified cereals, at tokwa. Sa mga pagpipiliang ito, maaari mong ipares ang mga karne at mga produkto ng halaman para sa isang masustansyang pagkain na makapaghihikayat sa iyong anak na kumain.

    Pagbabago Ng Katawan

    Ang mga bata ay hindi nananatiling maliit sa loob ng mahabang panahon. At madalas silang nakakaranas ng paglago o pagbabago sa kanilang pagkabata. Kapag nangyari ito, ang kanilang katawan ay mangangailangan ng mas maraming iron at iba pang sustansya upang mapanatili ang kanilang paglaki. Kaya, dapat ayusin ang kanilang mga diyeta.

    Kung mapapansin mo na ang iyong mga anak ay nagpapakita ng mga palatandaan ng pagkapagod o pagkatamlay, bigyan sila ng mga bitamina o suplemento na may iron upang umakma sa mga pagkain na kanilang kinakain.

    Mga Problema Sa Gastrointestinal Tract

    Kung ang iyong anak ay nagpapakain ng sapat na mga pagkaing mayaman sa iron ngunit sila ay anemic pa rin, marahil ay may mas malaking isyu na kailangang matugunan.

    Ang isang posibilidad ay ang kanilang katawan ay maaaring hindi nakakakuha ng iron nang maayos. Ang mahinang pagkuha ng iron ay tanda ng mga problema sa gastrointestinal, lalo na pagkatapos ng ilang uri ng operasyon sa gastrointestinal.

    Para sa mga sitwasyong ito, pinakamahusay na kumunsulta sa isang gastroenterologist.

    Mga Remedyo At Paggamot Sa Bahay

    Ang pagtugon sa pediatric anemia ay maaaring kasing simple ng pagpapalit ng kanilang mga diyeta sa isang mayaman sa iron.

    Narito ang maaari mong isama sa kanilang diyeta:

    • pulang karne tulad ng karne ng baka, baboy, tupa, at lamang loob ng karne
    • mga produktong manok tulad ng manok, pabo, pati na rin ang mga itlog
    • madahong gulay, tulad ng broccoli, kale, at repolyo
    • beans tulad ng green peas, lima beans, at higit pa.

    Ang pagsasama-sama ng mga ito upang makagawa ng nakakaakit na pagkain para sa iyong anak ay ang susi sa pagpapakain sa kanila ng mga pagkain na nakakapagpawala ng anemia.

    Maaari mong dagdagan ang kanilang mga diyeta na may mga pandagdag tulad ng mga iron drop o pills.

    Ang mga ito ay maaaring kunin sa loob ng ilang buwan upang mapataas ang kanilang mga antas ng iron. Pagkatapos pagkatapos ng tatlong buwan ng pag-inom ng supplement, karaniwang magrerekomenda ang doktor ng kasunod na konsultasyon.

    Para sa payo sa mga pagbabago sa pandiyeta at suplemento, kumunsulta sa iyong pediatrician.

    Pag-Iwas

    Depende sa edad at pangkalahatang kalusugan ng iyong anak, maaaring mag-iba ang mga paraan upang maiwasan ang pediatric anemia.

    Para sa kanilang mga unang buwan ang iyong anak ay kailangang makakuha ng iron mula sa kanilang kinakain. Para sa mga sanggol na pinapasuso, maaari silang bigyan ng suplementong iron, dahil hindi sila makakain ng mga pagkaing mayaman sa iron.

    Sa sandaling makapagsimula na silang kumain, ligtas nang mapakain ang mga bata ng mga pagkaing mayaman sa iron. Kabilang dito ang mga cereal na iron fortified meals, pulang karne, at gulay. Nakakatulong din ang pagbibigay sa kanila ng mga prutas na mayaman sa bitamina C. Nakakatulong ito sa kanilang katawan na sumipsip ng mas maraming iron.

    Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement