backup og meta

Pagkain Para Maiwasan ang Dementia, Alamin Dito!

Pagkain Para Maiwasan ang Dementia, Alamin Dito!

Mayroon nga bang mga dapat na iwasang mga pagkain para maiwasan ang dementia? Bagama’t karamihan sa atin ay kumonsumo ng pagkain dahil ito ay nakakabusog o nagbibigay ng panandaliang kaligayahan habang tinutugon ang gutom, may ilang uri ng pagkain na maaaring magkaroon ng pangmatagalang masamang epekto sa utak. Malaki rin ang gampanin ng mga pagkain upang maiwasan ang ilang mga karamdaman tulad ng dementia. 

Bagama’t may ilang mga kadahilanan na maaaring magresulta sa isang sakit tulad ng dementia, ang pagkonsumo ng hindi masusutansiyang pagkain ay maaaring humantong sa sakit sa puso. Maaari itong magdulot ng mga isyu sa utak kabilang ang mga problema sa memorya at maging ang dementia.

Kung kaya, inirerekomenda ang heart-healthy Mediterranean-style diet para sa ikabubuti ng utak. Ito ay dahil binibigyang diin nito ang mga masusustansiyang pagkain na nrin aagpapanatili ng mababang antas ng pulang karne sa diyeta. Ilan sa mga pagkain para maiwasan ang dementia ay ang mga sumusunod:

  • Whole grains 
  • Prutas
  • Gulay
  • Isda
  • Mani
  • Olive oil

Inilista naman ng Harvard nutritionist na si Dr. Uma Naidoo kung aling mga pagkain ang dapat iwasan na maaaring magpapahina sa memorya at pokus. Ang pag-iwas sa mga sumusunod ay pinaniniwalaan na nakatutulong upang maitaguyod ang kalusugan ng utak, matalas na pag-iisip, at mahusay na paggawa ng desisyon. At para sa mga gustong mabawasan ang kanilang panganib na magkaroon ng dementia, makakatulong ang pagkain na may katulad na epekto sa utak.

Pagkain Para Maiwasan ang Dementia: Ano-ano ang Iwasan Kainin 

Mga pagkaing may dagdag na asukal (added sugar)

Kabilang ang added sugars sa mga pagkain para maiwasan aang dementia. Ito ay dahil ang glucose, isang anyo ng asukal, ang siyang nagsisilbing enerhiya ng katawan at ugat ng mga cellular activities. Gayunpaman, ang isang diyeta na may mataas na lebel ng asukal ay maaaring humantong sa labis na glucose sa utak, na ayon sa mga pag-aaral ay maiuugnay sa mga memory impairments at mas kaunting plasticity ng hippocampus – ang bahagi ng utak na kumokontrol sa ating memorya.

Ang mga refined at added sugars sa mga pinrosesong paagkain tulad ng mga baked goods at soda ay may kakayahang lunurin ang utak dahil sa dami ng glucose na kaakibat nito. 

Inirerekomenda ng American Heart Association na ang mga kababaihan ay kumonsumo ng hindi hihigit sa 25 gramo ng added sugars bawat araw, at ang mga lalaki ay manatili sa ilalim ng 36 gramo na added sugars bawat araw. Subalit, mahirap pa rin ito makamit lalo na at ang mga added sugars, added fats, at refined grains ay mura, madali makuha, at higit sa lagat at nagbibigay ng masarap na lasa sa mga pagkain. 

Mga pritong pagkain

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na hindi magandang isanay ang sarili sa mga pritong pagkain. 

Napagalaman ng isang pag-aaral na mayroong kaugnayan ang mataas na porsyento ng pritong pagkain sa diyeta ng 18,080 na kalahok sa kanilang mababang mga marka sa pag-aaral at memorya. Ang mga ganitong uri ng dapat na iwasang pagkain para maiwasan ang dementia ay nagdudulot ng pamamaga, na maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo na siyang responsableng magbigay ng dugo sa utak.

Sa isang pananaliksik naman na sumusukat sa mga antas ng depresyon at katatagan, natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga kumakain ng mas maraming pritong pagkain ay mas malaki ang pagkakataong magkaroon ng depresyon sa kanilang buhay. Dahil dito, ipinapayo ang unti-unting pag-alis ng pritong pagkain sa iyong diyeta. 

High-glycemic-load carbohydrates

Ang carbohydrates ba ay isa sa mga dapat iwasang pagkain para maiwasan ang dementia? Natuklasan ng mga mananaliksik mula 2018 na ang mga taong may pinakamataas na marka sa index ng kalidad ng carbohydrate (o ang mga kumakain ng “better-quality” carbs) ay 30% na mas mababa ang posibilidad na magkaroon ng depresyon kaysa sa mga kumakain ng high-glycemic index (GI) carbs.

Ang mga “better-quality” carbohydrates ay ang mga sumusunod:

  • Whole grains
  • Mga pagkaing mataas sa fiber
  • Mga pagkaing mababa ang glycemic index

Ang mga pagkaing ito ay tumutulong upang mapabilis ang pagtunaw ng glucose.

Ang mga high-GI carbs na dapat iwasang pagkain para maiwasan ang dementia ay ang mga sumusunod:

Ang honey, orange-juice, whole-meal breads ay kabilang sa mga medium-GI carbs. Samantala, ang mga low-GI na pagkain ang nararapat na kaining pagkain para maiwasan ang dementia tulad ng:

  • Berdeng gulay
  • Prutas
  • Hilaw na karot
  • Kidney beans
  • Chickpeas
  • Lentils 

Alkohol

Ang mga pitfalls ng mataas na pag-inom ng alak ay matagal nang naisulat at natalakay ngunit kailangan pa ring mabanggit. 

Iniulat ng British Medical Journal noong 2018 na ang mga taong ganap na umiwas sa alak o iyong mga umiinom ng higit sa 14 na inumin kada linggo ay may mas mataas ang panganib ng dementia kumpara sa mga umiinom ng alak nang katamtaman.

Pangunahing nakagagambala ang alkohol sa kakayahang bumuo ng mga bagong pangmatagalang alaala; nagdudulot ito ng mas kaunting pagkagambala sa paggunita ng mga dati nang naitatag na pangmatagalang alaala o ng kakayahang panatilihing aktibo ang bagong impormasyon sa panandaliang memorya sa loob ng ilang segundo o higit pa. Habang tumataas ang dami ng nainom na alak, tumataas din ang laki ng mga kapansanan sa memorya. 

Nitrates

Ano ang nitrates at ito ba ay isang uri ng pagkain para maiwasan ang dementia?

Maaaring iugnay ang mga nitrates sa depresyon kahit na ginagamit ang mga ito bilang preservative at para pagandahin ang kulay sa mga deli slice at cured meat tulad ng bacon, salami, at sausage. Ang isang kamakailang pag-aaral ay nagmumungkahi na ang nitrates ay maaaring makapagpabago ng gut bacteria sa paraang i-tip ang mga kaliskis patungo sa bipolar disorder.

Mahalagang Mensahe

Ang pagpapanatili ng isang maayos at masustansiyang diyeta ay palaging ipinapayo para sa pangkalahatang kalusugan ng isang indibidwal. Gayunpaman, ipinakita rin ng mga pag-aaral na upang mapanatili ang pangmatagalang kalusugan ng isip at maiwasan ang pagsisimula ng demensya, ang food curation (ilang mga uri tulad ng nabanggit sa itaas) ay maaaring maging  kapaki-pakinabang sa layuning ito. 

Ang pag-unawa sa molecular na batayan ng mga epekto ng pagkain sa cognition ay maaaring makatulong na matukoy kung paano pinakamahusay na manipulahin ang diyeta upang higit pang maisulong ang mental fitness.

Alamin ang iba pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

A Harvard nutritionist and brain expert says she avoid these 5 foods that ‘weaken memory and focus’, https://www.cnbc.com/amp/2021/11/28/a-harvard-nutritionist-and-brain-expert-avoids-these-5-foods-that-weaken-memory-and-focus.html, Accessed December 6, 2021

Brain foods: the effects of nutrients on brain function, https://www.nature.com/articles/nrn2421,  Accessed December 6, 2021

What Happened? Alcohol, Memory Blackouts, and the Brain,

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6668891/,  Accessed December 6, 2021

The Real Contribution of Added Sugars and Fats to Obesity, https://academic.oup.com/epirev/article/29/1/160/443157?login=true, Accessed December 6, 2021

15 Simple Diet Tweaks to Cut Your Alzheimer’s Risk

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/alzheimers-disease/in-depth/15-simple-diet-tweaks-cut-alzheimers-risk/art-20342112 Accessed January 22, 2021

Kasalukuyang Version

04/11/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement