Ang pagkain ng carbohydrates ay kailangan ng tao. Subalit, marami sa ating mga pag-uugali ang nagbago dahil sa pandemya. Ang mga tao ngayon ay mas maingat na sa paglabas. Maging ang pagsusuot ng mask ay isa ng second nature. Kaya hindi nakapagtataka kung nabago din ang mga gawi sa pagkain. Ayon sa Grab Philippines, parami nang parami ang nag-o-order ng kape, cake, at iba pang pagkaing mayaman sa carbohydrate. Ngunit bakit tumaas ang ating carb cravings?
Pagkain ng Carbohydrates at Cravings: Bakit Ito Nagaganap?
Nagbahagi ang Grab Philippines ng ulat ng trend ng pagkain batay sa mga pagkain na ino-order ng mga tao gamit ang kanilang app. Nalaman nila na tumaas ang benta ng pagkain at inumin ng humigit-kumulang 60% kumpara noong 2019.
Kabilang sa mga nangungunang pagkain ang kape, cake, breakfast food, pritong pagkain, at pagkaing mayaman sa carbohydrate. Tulad ng spaghetti at fried rice. Bukod pa rito, kasama sa pinakahinahanap na pagkain ang sumusunod: fast food, pizza, cake, bakery, Chinese, donuts, milk tea, burger, kape, at manok.
Ayon sa Grab, hindi pa rin sila sigurado kung bakit ang mga pagkaing mayaman sa carb na ito ang nangunguna sa listahan sa panahon ng pandemya. Gayunpaman, magsasagawa sila ng pag-aaral tungkol dito sa hinaharap tungkol, upang malaman ang mga dahilan na ito.
Bakit tayo naghahangad ng carbohydrates sa panahon ng pandemya?
Ang pandemya ay naging stressful para sa’ting lahat. Kaugnay nito, ang kolektibong stress na ito ay hindi lamang nakakaapekto sa’ting sa pag-iisip, kundi pati na rin sa’ting pisikal. Sa partikular, ang stress ay may posibilidad na maging dahilan ng tao na magkaroon ng carb cravings.
Dahil kapag tayo ay nai-stress, ang ating utak ay nangangailangan ng mas maraming enerhiya para gumana. At upang maibigay ang enerhiyang ito, kadalasan ay naghahanap tayo ng mga pagkaing mayaman sa carb. Sapagkat ang carbohydrates ay mabisang pinagkukunan ng mabilis na enerhiya. Lumalabas din na dahil sa matagal na stress, madalas naghahangad ang tao ng mas maraming carbohydrates. Kung saan, nangangahulugan ito ng pagkain ng sweet foods.
Sinasabi na ang stress ang isa sa dahilan sa crab cravings. Kaugnay nito, doon nagsisimulang magbago ang appetite.
Kapag nai-stress tayo, nagsisimula tayong mawalan ng gana. Gayunpaman, kapag ang stress ay matagal na. Ang ating adrenal glands ay magsisimulang maglabas ng cortisol. Nakakatulong ang cortisol na mag-increase ng gana at maaaring maging dahilan upang magsimula tayong kumain ng higit pa. Kapag natapos na ang stressful events, humihinto ang produksyon ng cortisol.
Ngunit dahil sa pandemya, marami pa rin ang nananatiling stress. Ito’y nagiging sanhi ng pananatili ng antas ng cortisol na mataas. Dahilan para ma-trigger ang stress eating. Kapag isinama sa predisposisyon ng ating utak sa mga pagkaing mayaman sa carbohydrate. Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon natin ng carb cravings.
Bukod dito, tumitingin din tayo ng comfort food. Kung palagi tayong nai-stress, possible na ang carb-rich foods ay nakakatulong sa’tin na makayanan ang stress. Gayunpaman, pwede itong magkaroon ng masamang epekto sa’ting kalusugan.
Ano ang mangyayari kapag kumain ka ng masyadong maraming carbs?
Sa pangkalahatan ay mainam na magkaroon ng mga pagkaing mayaman sa complex carbohydrates. Ang pagkakaroon ng meryenda upang gantimpalaan ang iyong sarili, o ang pagkain ng iyong mga paboritong pagkain ay isang napakasayang karanasan. Gayunpaman, nagsisimula itong maging isang problema kapag nagsimula kang kumain ng mga pagkaing ito nang regular.
Ang pagbibigay ng carb cravings sa sarili sa lahat ng oras ay pwedeng magdulot ng sobrang timbang. Kung ito ay nananatiling hindi nakokontrol, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng obesity. Ang labis na katabaan ay isang kilalang risk factor para sa iba pang mga sakit. Tulad ng diabetes, kanser, sakit sa puso, at iba pang mga problema sa cardiovascular.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang harapin ang carb cravings. Bago ito magsimulang maging mas seryosong alalahanin.
Pagkain ng carbohydrates: Ano ang maaari mong gawin tungkol dito?
Narito ang ilang mga tip upang matulungan kang mas mahusay na makitungo sa carb cravings:
- Magtakda ng meal schedule kung kailan ka kumain at subukang manatili sa iskedyul na iyon. Subukang iwasan ang pagkakaroon ng meryenda sa pagitan.
- Subukang kumain ng dahan-dahan. Kung dahan-dahan kang kumain, mas mabubusog ka pagkatapos. Ang sobrang bilis ng pagkain ay nagdudulot sa’yo na kumain ng mas maraming pagkain dahil hindi ka agad mabubusog.
- Makisali sa iba pang nakakarelaks na aktibidad para mapawi ang stress, tulad ng ehersisyo.
- Mag-ingat sa pagkain na iyong kinakain. Subukang pumili ng mas malusog na mga opsyon, at iwasang mag-stock sa’yong bahay ng junk foods — o unhealthy snacks.
- Panatilihin ang iyong portion na kontrolado. Dahil ang pagkakaroon ng right portion sizes ay tumutulong sa pag-iwas ng “overeating”.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tip na ito, matutulungan mo ang iyong sarili. Para mas mahusay na ma-handle ang anumang mga cravings sa carb.
Matuto pa tungkol sa malusog na pagkain, dito.
[embed-health-tool-bmr]