Sa unang araw, maglakad nang 15 minuto. Ipagpatuloy ito sa loob ng ilang araw. Kapag nasanay na ang iyong katawan sa nakagawiang gawain, dagdagan ang oras sa paglalakad ng isa pang limang minuto. Ulitin ito hanggang sa masanay ang iyong katawan sa 30 minutong paglalakad araw-araw. Ang paglalakad ay ang pinakamahusay na ehersisyo para sa diabetes dahil magagawa mo ito kahit saan, anumang oras.
Gayundin, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa ehersisyo kapag may diabetes. Maaaring imungkahi sa iyo ang ilang pagbabago sa workout routine ayon sa iyong medical condition at physical health. Ang iyong doktor ay maari din na gumawa ng mga pagbabago sa iyong diet at lifestyle na makakatulong sa iyo na makuha ang gustong mga resulta. Habang ginagawa ang anumang ehersisyo, mahalaga na laging hydrated. Magdala ng isang bote ng tubig sa tuwing pupunta ka sa park o gym.
Ang mga taong may diabetes ay mas malamang na magkasakit nang may kaugnayan sa paa. Ito ay dahil nagiging sanhi ito ng pagkasira ng mga nerves sa iyong mga paa na nagreresulta sa pagkawala ng anumang sensasyon kahit na magkaroon ka ng hiwa o pinsala. Dahil pinahihirapan ng diabetes ang maayos na pagdaloy ng dugo at oxygen sa paa, nagiging mahirap para sa mga paa na ganap na gumaling mula sa injury. Ang ehersisyo kapag may diabetes ay maaaring maging problema sa ganitong sitwasyon.
Kung diabetic ka at may pinsala sa paa, iwasan ang mga ehersisyo na may sobrang pressure sa iyong mga paa. Iwasang tumakbo, mag-jogging, o mag-hiking. Maaari mong subukan ang paglangoy, pagbibisikleta, yoga, meditation, atbp. Tiyaking i-monitor mo nang maayos ang iyong mga paa araw-araw pagkatapos ng workout session. Panatilihing malinis ang iyong mga paa.
Ehersisyo kapag may diabetes at heart disease
Ang diabetes ay nagdaragdag ng risk na magkaroon ng mga sakit sa puso at mga sakit sa bato. Mahalaga na gawin lamang ang mga magaan na ehersisyo na hindi maglalagay ng labis na stress sa iyong katawan. Kung maaari, gawin ang pag-eehersisyo na may guide ng isang expert.
Gawin ang magagaan na mga ehersisyo tulad ng paglalakad, yoga, meditation, atbp. Iwasang magbuhat ng heavy weights. Ang pag-eehersisyo ng mabibigat at maglalagay ng pressure sa iyong puso.
Kung plano mong magsimulang mag-ehersisyo na may diabetes at sakit sa puso, kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga fitness goal. Sundin ang lahat ng mga tagubilin na ibinigay ng doktor. Gawing habit ang pag-momonitor ng iyong blood sugar level at heart rate bago at pagkatapos ng workout session.
Magpahinga kung nakakaramdam ng hirap sa paghinga.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap