backup og meta

Alamin: Masustansya Nga Ba Ang Mga Frozen Food?

Alamin: Masustansya Nga Ba Ang Mga Frozen Food?

Kapag tinanong ang isang tao tungkol sa mga masustansiyang pagkain, malamang unang maiisip niya ay mga sariwang prutas at gulay. Ngunit maliban dito, mayroon pang ibang mga masustansiyang pagkaing maituturing. Masustansya ba ang frozen food? Alamin ang mga detalye dito. 

Masustansya Ba Ang Frozen Food?

Kung tatanungin ang mga tao kung masustansya ba ang frozen food, maaaring ang sagot ng karamihan ay hindi. Ito ay marahil ang naiisip nila tungkol dito ay mga processed goods na hindi naman maikakailang mababa talaga ang nutrisyong handog kumpara sa mga nakasanayang prutas at gulay. Ngunit ang hindi alam ng nakararami ay mayroong mga abot-kayang frozen food na gawa sa naturang kombinasyon. 

Sa katunayan, maaaring magkaroon ng mas mahusay na kalidad ng diyeta ang mga taong nagsasama ng mga frozen food. Ito ay marahil kadalasang napapanatili ang kalakip na bitamina, mineral, carbohydrate, protina, o fats. May ilang mga kaso na ang frozen food ay mayroong mas maraming bitamina at mineral kumpara sa fresh goods. Ang sariwang pagkain ay nawawalan ng bitamin at mineral sa paglipas ng panahon habang nagpapanitili naman ng sustansya ang pagyeyelo. 

Bilang karagdagan, nakatutulong ang ganitong klase ng paghahanda upang mapadali ang proseso, lalo na kung ikaw ay busy na tao, nang hindi kinakailangang isakripisyo ang wasto at balanseng pagkain. 

masustansya ba ang frozen food

Masustansya Ba Ang Frozen Food? Heto Ang Mga Posibleng Food Options

Para sa mga nagtatanong kung masustansya ba ang frozen food, posible naman ito gawin. Narito ang ilan sa mga masustansya at abot-kayang frozen food choices na maaari mong ikonsidera. 

Mga Prutas At Gulay

Lingid sa kaalaman ng nakararami, karaniwang go-to ang mga frozen fruits at vegetables. Ang iba nga ay nilalagay ang kanilang mga prutas sa freezer para ihanda ito bilang smoothie o overnight fruit bowl.

Katulad ng nabanggit, mas napapanatili nito ang nutrisyon dahil mas mahaba ang shelf life nito. Ito rin ang dahilan kung bakit may iba na nilalagay ang kanilang mga gulay sa loob ng ref upang hindi ito agad-agad mabulok. 

Patties

Karaniwang frozen naman ang mga patties na inihahanda ng mga nanay para sa kanilang mga anak tulad ng chicken at fish patties. Magandang pinagkukunan ng protina ang mga ganitong pagkain. Bukod sa protina, sagana ang manok sa iron, selenium, at B vitamins. Samantala, ang salmon at tuna naman ay mayaman sa omega-3 fatty acids na kilalang nakapagbibigay benepisyo sa kalusugan ng puso. 

Brown Rice

Para naman sa iyong source of carbohydrate at fiber, maaari mong i-freeze ang brown rice. Bukod pa rito, nagtataglay ito ng mga phenolic compounds na nagsisilbing mga antioxidants na lumalaban sa mga free radicals.

Veggie Pizza Crust

Magandang alternatibo rin sa nakasanayang pizza ang frozen veggie pizza crust. Ito ay marahil napag-alaman sa pananaliksik na mayroong mas mataas na panganib sa sakit sa puso ang pagkain ng naturang highly processed food. Kung kaya, mas mainam ang pagkain ng frozen veggie pizza crust dahil kahit papano ay nadadagdagan ang daily intake ng gulay. 

Greek Yogurt

Kadalasang hinahaluaan ng frozen greek yogurt ang mga overnight oats at fruit bowls na hinahanda. Dahil ito ay kinikilala bilang isang dairy product, mataas ito sa protina kung kaya marami ang ikinikonsidera ito bilang almusal. 

Bukod sa protina, magandang pinagkukunan din ito ng good bacteria na probiotics. Maraming benepisyong hatid ang pagkonsumo sa mga ganitong pagkain. Kabilang dito ang pag-iwas at paggamot sa diarrhea, pagpapalakas ng immunes system, at pagtulong sa lactose digestion.

Masustansya Ba Ang Frozen Food? Heto Ang Mga Dapat Mong Tandaan

Bagaman maraming frozen food choices, hindi lahat ay ginawang pantay-pantay. Marami ang maaaring mataas sa saturated fat, added sugars, at asin. Dahil dito, mahalagang basahin ang Nutrition Facts label at ingredients list upang malaman kung masustansya ba ang frozen food. 

Kapag pumipili ng mga frozen food o mga convenience food, siguraduhing ikumpara ang mga Nutrition Facts label upang makahanap ng mga masustansyang pagpipilian. Tandaan na ang ilang frozen meals ay maaaring higit sa isang serving. Ito ay nangangahulugang kakailanganin mong i-doble o i-triple ang bilang ng mga calorie at nutrients na nakalista. Piliin ang mga mas mababa sa saturated fat, added sugar, at salt at mas mataas sa fiber, bitamina at mineral na nilalaman.

Upang mapanatiling ligtas ang pagkain ng mga frozen food, siguraduhing sundin ang cooking methods na nakalagay sa pakete. Pinakamainam kung i-thaw ang mga frozen food sa ref. Gayunpaman, maaari pa rin itong gawin gamit ang microwave. Kailangan mo lamang itong lutuin kaagad matapos ang pag-thaw. 

Key Takeaways

Isang madali at abot-kayang paraan ang pagkonsidera sa mga frozen food upang maisama ang mga masusustansiyang pagkain mula sa iba’t ibang mga food group. Maaari kang maghalo ng whole grains, prutasm gulay, protina, at dairy sa iyong frozen food stash. Hindi lamang ang mga frozen food ay abot-kaya, ngunit maaari rin makatulong ang mga ito sa pagbawas ng tira-tirang pagkain.

Alamin ang iba pa tungkol sa Tips sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Potential Health Benefits of Combining Yogurt and Fruits Based on Their Probiotic and Prebiotic Properties – Melissa Anne Fernandez, and André Marette, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5227968/, Accessed August 23, 2022

Microorganisms with Claimed Probiotic Properties: An Overview of Recent Literature – Sabina Fijan, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4053917/, Accessed August 23, 2022

Yogurt, Greek, plain, whole milk, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/171304/nutrients, Accessed August 23, 2022

Ultra-processed food intake and risk of cardiovascular disease: prospective cohort study (NutriNet-Santé) – Bernard Srour, PhD candidate in epidemiology, Léopold K Fezeu, assistant professor of nutritional epidemiology, Emmanuelle Kesse-Guyot, senior researcher in nutritional epidemiology, Benjamin Allès, junior researcher in nutritional epidemiology, Caroline Méjean, senior researcher in nutritional epidemiology, Roland M Andrianasolo, PhD candidate in epidemiology, Eloi Chazelas, PhD candidate in epidemiology, Mélanie Deschasaux, postdoctoral researcher in epidemiology, Serge Hercberg, professor of nutrition and public health, Pilar Galan, senior researcher in nutritional epidemiology, Carlos A Monteiro, professor of nutrition and public health, Chantal Julia, assistant professor of nutrition and public health, and Mathilde Touvier, senior researcher in nutritional epidemiology, and head of the EREN Team, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6538975/, Accessed August 23, 2022

Seafood Intake as a Method of Non-Communicable Diseases (NCD) Prevention in Adults – Dominika Jamioł-Milc, Jowita Biernawska, Magdalena Liput, Laura Stachowska, Zdzisław Domiszewski, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/33922600/, Accessed August 23, 2022

Role of poultry meat in a balanced diet aimed at maintaining health and wellbeing: an Italian consensus document – Franca Marangoni, Giovanni Corsello, Claudio Cricelli, Nicola Ferrara, Andrea Ghiselli, Lucio Lucchin, and Andrea Poli, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4462824/, Accessed August 23, 2022

Omega-3 in fish: How eating fish helps your heart, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-disease/in-depth/omega-3/art-20045614, Accessed August 23, 2022

Total fruit and vegetable consumption increases among consumers of frozen fruit and vegetables – Maureen Storey, Patricia Anderson, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29290348/, Accessed August 23, 2022

Phytochemical profiles and antioxidant activity of processed brown rice products – Er Sheng Gong, Shunjing Luo, Tong Li, Chengmei Liu, Guowen Zhang, Jun Chen, Zicong Zeng, Rui Hai Liu, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28490126/, Accessed August 23, 2022

Phytochemical profiles and antioxidant activity of brown rice varieties – Er Sheng Gong, Shun Jing Luo, Tong Li, Cheng Mei Liu, Guo Wen Zhang, Jun Chen, Zi Cong Zeng, Rui Hai Liu, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28274454/, Accessed August 23, 2022

Different effects of heating and freezing treatments on the antioxidant properties of broccoli, cauliflower, garlic and onion. An experimental in vitro study – Hikmet Can Çubukçu, Nazlı Seda Durak Kılıçaslan, İlker Durak, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31721940/, Accessed August 23, 2022

Effect of industrial freezing on the physical and nutritional quality traits in broccoli – Inés González-Hidalgo, Diego A Moreno, Cristina García-Viguera, José María Ros-García, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30153746/, Accessed August 23, 2022

Mineral, fiber, and total phenolic retention in eight fruits and vegetables: a comparison of refrigerated and frozen storage – Ali Bouzari, Dirk Holstege, Diane M Barrett, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25525668/, Accessed August 23, 2022

Vitamin retention in eight fruits and vegetables: a comparison of refrigerated and frozen storage – Ali Bouzari, Dirk Holstege, Diane M Barrett, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25526594/, Accessed August 23, 2022

Total fruit and vegetable consumption increases among consumers of frozen fruit and vegetables -Maureen Storey, Patricia Anderson, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29290348/, Accessed August 23, 2022

Frozen Foods: Convenient and Nutritious, https://www.eatright.org/food/planning-and-prep/smart-shopping/frozen-foods-convenient-and-nutritious, Accessed August 23, 2022

Kasalukuyang Version

08/21/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto ng Processed Food sa Kalusugan: Anu-Ano Ito?

Masustansyang Pagkain Para sa Puso: Anu-ano ang Dapat Mong Kainin?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement