backup og meta

Low-Mercury Seafood sa Pilipinas: Lahat ng Kailangan Mong Malaman

Low-Mercury Seafood sa Pilipinas: Lahat ng Kailangan Mong Malaman

Ang seafood ay magandang pinagkukunan ng nutrisyon tulad na lamang ng protina, omega-3 fatty acids, iron, zinc, at iodine. Subalit, ang ilang seafood ay mayroong mataas na lebel ng methylmercury, isang compound na maaaring magtaglay ng negatibong epekto sa nervous system ng tao. Dahil dito, mahalagang malaman ang tungkol sa iba’t ibang uri ng low-mercury seafood sa Pilipinas.

Paano Naaabot at Nagkakaroon ng Mercury ang mga Seafood?

Bago pa man namin ilahad at ipaliwanag kung bakit importanteng kumain ka ng low-mercury seafood, dapat muna nating maunawaan saan nanggagaling ang mapanganib na mercury compound na ito. 

Ang mercury ay likas na matatagpuan sa ating kapaligiran.

Halimbawa na lamang, maaari itong mailabas sa hangin habang mayroong volcanic activity.

Ngunit ang mercury ay maaari ring magmula sa pagkilos ng tao. Gumagawa tayo ng mercury sa pamamagitan ng pagsunog ng karbon at fossil fuel, maging ang pagtatapon ng mga basura sa bahay o industriya.

Kalaunan, ang mercury ay naiiwan bilang mga sediment sa mga anyong tubig, tulad ng mga lawa, dagat, at karagatan. Doon, nababago ng bacterial activity ang inorganic na mercury (mercury na hindi pinagsama sa karbon) sa methylmercury (ang isa na pinagsama na sa karbon).

Nasasagap ng mga hayop sa dagat ang methylmercury sa dalawang magkaibang paraan.

Una, nasasagap nila ito kapag dumadaan ang tubig sa kanilang hasang (gills).

O pangalawa, kumakain sila ng ibang mas maliit na isda na mayroong mercury. Tulad ng isda, ang mga tao ay maaaring makain ng methylmercury sa pamamagitan ng pagkain.

Ano-ano ang mga Panganib ng Pagkain ng High-mercury na Isda at iba pang Pagkaing-Dagat?

Nakadepende sa iba’t ibang mga salik ang panganib ng pagkain ng mga isda at pagkaing-dagat na mayroong mataas na lebel ng mercury:

  • Uri ng mercury (inorganic, methyl mercury, at iba pa)
  • Dosage at tagal ng exposure
  • Edad (o yugto ng paglaki, sa kaso ng mga fetus)

Ayon sa World Health Organization (WHO), lahat tayo ay na-expose na sa mercury, sa isang paraan o iba pa. Karamihan sa atin ay nagkaroon ng pangmatagalang exposure sa mababang antas ng mercury, habang ang iba ay nakakaranas naman ng patuloy na exposure sa mataas na antas ng mercury.

Ang mga taong pinaka delikado sa mga epekto ng methylmercury ay ang mga taong pangunahing umaasa sa pagkaing-dagat para sa kanilang kabuhayan.

Kung ikaw ay nakararanas ng alinmang sintomas sa baba, humingi kaagad ng tulong medikal. Maaaring ang mga ito ay mga sintomas ng pagkalason sa mercury:

  • Pagkawala ng peripheral vision o pagkabulag
  • Cerebral palsy
  • Ang pakiramdam ng mga pin at karayom ​​sa paligid ng bibig, kamay, at paa
  • May kapansanan sa pandinig at pagsasalita
  • Hirap sa paglalakad at panghihina ng kalamnan

Ang isa pang pangkat na may mataas na panganib ay ang mga fetus at mga batang wala pang 6 taong gulang. Kung ang isang buntis na ina ay kumakain ng high-mercury na seafood, ang compound ay maaaring umabot sa sistema ng sanggol sa kanyang tiyan.

Kapag nangyari iyon, ang methylmercury ay negatibong nakakaapekto sa pagbuo ng utak at nervous system ng sanggol. Bilang karagdagan, ang ilang mga ulat ay nagpapahiwatig na ang mercury exposure ay maaaring makapinsala sa puso at mga daluyan ng dugo ng fetus.

Pagkatapos maipanganak ang sanggol na na-expose sa matataas na lebel ng mercury, ang mga magulang ay makakapansin ng mga problemang pangkalusugan tulad ng mga sumusunod:

Ang bata na kumakain ng high-mercury na isda at pagkaing-dagat ay maaari ring magdusa mula sa mga kondisyong pangkalusugan na binanggit sa itaas.

Gaano Karami ang Sobrang Mercury?

Marahil napapaisip ka: anong mga antas ng mercury ang maaaring magdulot ng pinsala? Ang tanong na ito ay nakakalito dahil sa katotohanan na napakakaunting mga pag-aaral na nakatuon sa pagkuha ng mga sukat.

Sa ngayon, natukoy ng mga siyentipiko na ang benchmark dose ng methylmercury. Ito ay nagreresulta sa mga hindi nakamamatay na epekto (tulad ng mga pagbabago sa nervous system) sa mga fetus ay 58 micrograms ng methylmercury kada litro ng cord blood (dugo na nananatili sa inunan).

Sa kabilang banda, ang mga matatanda at bata ay maaaring magsimulang makaranas ng masamang epekto ng pagkonsumo ng mercury sa dami na mas mababa sa 3 micrograms bawat kilo ng timbang ng katawan.

Dahil mahirap tukuyin ang dami ng mercury na nauubos natin sa pamamagitan ng pagkain, ang pinakamagandang hakbang ay ang pagtukoy sa high-mercury at low-mercury seafood sa Pilipinas.

Low-mercury Seafood sa Pilipinas

Ngayon na alam mo na ang mga panganib dulot ng pagkonsumo ng nakakaalarmang dami ng mercury, pag-usapan naman natin ang mga low-mercury seafood sa Pilipinas. Ayon sa mga medikal na eksperto, ang mga sumusunod ay ang mga uri ng pangkaing-dagat na may mababang lebel ng mercury:

  • Anchovies (dilis)
  • Catfish (hito)
  • Clams (halaan)
  • Cod (bakalaw)
  • Crab (alimasag)
  • Mackerel (galungong)
  • Oysters (talaba)
  • Tilapia and salmon
  • Sardines (sardinas)
  • Scallops
  • Shrimp (hipon)
  • Squid (pusit)

Ang mga sumusunod naman ay mayroon ding mababang lebel ng mercury:

  • Albacore, puti at yellowfin na tuna
  • Seatrout
  • Mullet (Banak)
  • Herring (Tamban)
  • Red snapper (Maya-maya)

Pakitandaan na ang mga bata at matatanda, kabilang ang mga buntis at nagpapasusong ina, ay maaaring magkaroon ng 2 hanggang 3 lingguhang serving ng low-mercury seafood mula sa mga nabanggit sa unang listahan. Gayunpaman, maaari lang silang magkaroon ng 1 serving bawat linggo ng seafood mula sa pangalawang listahan.

Tandaan na habang ang mga bata at matatanda ay may parehong bilang ng mga inirerekomendang serving, iba-iba ang mga laki ng serving. Para sa mga nasa hustong gulang, ang 1 serving ay katumbas ng 113 grams o 4 na ounces. Para sa mga batang 2 hanggang 10 taong gulang, ang 1 serving ay katumbas ng 28 grams o 1 ounce.

High-mercury na Isda at Pagkaing-Dagat

Matapos matutunan ang mga bagay-bagay patungkol sa low-mercury seafood sa Pilipinas, ngayon naman ay talakayin natin ang mga pagkaing-dagat na dapat mong iwasan marahil ang mga ito ay may kalakip na matataas na lebel ng methylmercury:

  • Sariwang tuna o sashimi
  • Sea bass (apahap)
  • Grouper (lapu-lapu)
  • Swordfish, blue marlin, at pating
  • Tilefish (matang dagat)

Key Takeaways

Ang seafood ay isang mabuti sa ating kalusugan at isang lean protein o walang tabang protina. Gayunpaman, ang ilang uri ng seafood ay maaaring nakakasama o toxic sa ating katawan dahil sa mataas na nilalaman ng methylmercury. 
Samakatuwid, ang mga tao ay maaaring magkaroon ng 1 hanggang 3 servings ng low-mercury seafood bawat linggo. Samantala, dapat iwasan ang high-mercury seafood, lalo na ng mga buntis at bata.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

Isinalin mula sa Ingles ni Fiel Tugade.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Health Effects of Exposures to Mercury

https://www.epa.gov/mercury/health-effects-exposures-mercury

Accessed October 25, 2020

Advice about Eating Fish

https://www.fda.gov/food/consumers/advice-about-eating-fish

Accessed October 25, 2020

https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2016/09/13/1623033/guidelines-eating-fish-safely#:~:text=Don’t%20eat%20because%20of,)%2C%20swordfish%2C%20and%20shark.

Accessed October 25, 2020

Mercury in Seafood

https://www.seafoodhealthfacts.org/seafood-safety/general-information-patients-and-consumers/seafood-safety-topics/mercury-seafood

Accessed October 25, 2020

Risks of Mercury in Fish

https://extension.wsu.edu/foodsafety/content/risks-of-mercury-in-fish/

Accessed October 25, 2020

Mercury

https://www.greenfacts.org/en/mercury/l-3/mercury-2.htm#1p0

Accessed October 25, 2020

Mercury and health

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/mercury-and-health#:~:text=The%20primary%20health%20effect%20of,exposed%20to%20methylmercury%20as%20foetuses.

Accessed October 25, 2020

Methyl Mercury Poisoning

https://www.ucsfhealth.org/medical-tests/007763

Accessed October 25, 2020

Mercury Fact Sheet

https://www.cdc.gov/biomonitoring/pdf/Mercury_FactSheet.pdf

Accessed October 25, 2020

Formal Toxicity Summary for METHYL MERCURY

https://rais.ornl.gov/tox/profiles/methyl_mercury_f_V1.html#:~:text=Methyl%20mercury%20is%20highly%20toxic,et%20al.%2C%201983).&text=Methyl%20mercury%20is%20neurotoxic%20to,experimental%20animal%20and%20to%20humans.

Accessed October 25, 2020

Kasalukuyang Version

12/22/2022

Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement