backup og meta

Energy Drink Para Hindi Antukin Sa Exercise: Safe Ba Ang Pag-Inom Nito?

Energy Drink Para Hindi Antukin Sa Exercise: Safe Ba Ang Pag-Inom Nito?

Sadyang sobrang nakapapagod para sa iyong isip at katawan ang ilang araw, linggo, o buwang training at pag-eehersisyo. Mahalaga ang pagpapanatili ng mataas na energy sa mga sesyon ng laro at training upang manatiling competitive. Ang pagkakape bago mag-ehersisyo ay isang paraan upang magkaroon ng karagdagang lakas. Isa pang popular na alternatibong inumin ay ang mga energy drink. Ngunit nakabubuti ba o nakasasama ang pag-inom ng energy drink para hindi antukin sa sports at pag-eehersisyo?

Mga Sangkap Na Taglay Ng Energy Drinks

Alamin muna natin kung ano ang meron sa mga energy drink. Karaniwang sangkap nito ang tubig, real o artificial fruit juices, caffeine, at asukal. Ang isang lata nito ay puwedeng maglaman ng kulang-kulang 100 hanggang 200 mg ng caffeine at humigit 40 grams ng asukal — mas marami kumpara sa mga soda at coffee drink. 

Dagdag pa, marami sa mga energy drink ay may taglay na bitamina, minerals, at natural na mga sangkap gaya ng ginseng, green tea, at guarana. Bagaman madalas itong ibenta bilang healthy drinks na nagpapaganda ng iyong performance, hindi pa rin puwedeng iisantabi ang mga negatibong dulot sa katawan ng mataas na caffeine at asukal na matatagpuan sa ganitong mga inumin. 

Mabuti Ba Sa Kalusugan Ang Mga Sports Energy Drink? 

Ano ang mga epekto ng pag-inom ng energy drink para hindi antukin sa exercise?

Bagaman nakapagbibigay ng lakas ang asukal at nakatutulong naman ang caffeine upang mag-burn ng extra calories sa katawan, may mas mainam pa ring puwedeng pagkunan ng mga ito kaysa sa energy drinks. Maaaring mauwi sa insulin resistance at diabetes mellitus ang sobrang pagkonsumo ng asukal. Hindi pa kasama dyan ang pagtaas ng timbang na hindi akma para sa mga taong nais na mapantili ang kanilang maayos na pangangatawan.

Maaaring hindi naman makasira ng iyong long-term goal at performance ang minsang pag-inom nito. Ngunit maaari kang makaranas ng biglaang pagbagsak ng sugar o caffeine level. Kung hindi na kasama sa diet mo ang matatamis at soft drinks, mas mainam kung iiwasan mo ang pag-inom ng energy drink para hindi antukin sa exercise.

Ang mga taong may type 2 diabetes, sakit sa puso, at may mga problema sa pagtulog ay kailangang kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng energy drinks.

energy drink para hindi antukin

Mainam Na Pamalit Sa Energy Drinks

Hindi dapat maipagkamali ang energy drink sa mga sports drink na may lamang electrolytes. Bukod dyan, hindi matutumbasan ng anumang dami ng caffeine ang pagkakaroon ng maayos na tulog sa gabi. Kung ikaw ay nag-te-training o nag-eehersisyo at naghahanap ng puwedeng magbigay sa iyo ng dagdag na lakas, narito ang mga puwedeng pagpilian:

  • Infused water (lemon, at cucumber ang sikat na mga sangkap nito)
  • Natural fruit juice
  • Sariwang prutas (maganda ang pakwan bilang halimbawa)
  • Sports drinks
  • Kape
  • Tsaa
  • Skim o low-fat milk

Bilang paalala, uminom ng tubig bago, habang, at pagkatapos ng anumang physical activity. Kumonsulta sa doktor kung nakararanas ng mga senyales ng dehydration gaya ng sobrang pagkauhaw, panghihina, pagkatuyot ng bibig, o kawalan ng malay. 

[embed-health-tool-bmi]

Key Takeaways

Sa madaling salita, palaging naghahanap ang mga atleta ng mga bagay na makapagpapalakas sa kanila tuwing may laro. Ang pag-inom ng energy drink para hindi antukin ay hindi ang best option para dito. Sa halip, dapat na magtuon ang mga may active lifestyle sa tamang nutrisyon, pag-inom ng tubig, at sapat na pahinga. Makipag-usap sa inyong doktor o dietician para sa iba pang kaalaman tungkol dito.

Matuto ng higit pa tungkol sa Healthy Eating dito. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Energy drinks, https://www.nccih.nih.gov/health/energy-drinks, Accessed January 12, 2021

Energy drinks, https://www.nccih.nih.gov/health/energy-drinks, Accessed January 12, 2021

Top 15+ Energy Drink Dangers, https://www.caffeineinformer.com/top-10-energy-drink-dangers, Accessed January 12, 2021

Energy drinks and population health: consumption pattern and adverse effects among Saudi population, https://bmcpublichealth.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12889-019-7731-z, Accessed January 12, 2021

The Dangers of Energy Drinks, https://www.uspm.com/the-dangers-of-energy-drinks/, Accessed January 12, 2021

Does a healthy energy drink exist? https://wexnermedical.osu.edu/blog/healthy-energy-drink, Accessed January 12, 2021

Energy beverages: content and safety, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2966367/, Accessed January 12, 2021

Kasalukuyang Version

12/12/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagkain na Pampalakas: Heto Ang Dapat Kainin Ng Nagwo-Workout

Dyeta o Ehersisyo: Ang 80 Diet 20 Exercise Theory ng Pagpayat


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement