Isang katotohanan na ang isang tao ay maaaring maging obese depende sa kanilang dietary at lifestyles. Gayunpaman, maaaring may iba pang kadahilanan na nagdudulot sa mga tao na makakuha ng labis na timbang. Ano ang sanhi ng obesity at posible bang maalis ang mga sanhi nito? Alamin dito.
Ano ang Obesity?
Dahil pag-uusapan natin kung ano ang nagiging sanhi ng obesity, tama lang na magsimula tayo sa kahulugan nito. Kapag ang isang tao ay obese, nangangahulugang ito na mayroong labis na dami ng taba sa katawan. Ngunit may mga bagay na hindi masasabi sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanilang katawan.
Para masuri ng mga doktor ang obesity ginagamit nila ang BMI o Body Mass Index. Ang tool na ito ay naghahambing ng timbang ng isang tao sa kanilang taas upang matukoy kung wasto ang timbang. Sa pangkalahatan, kung mayroon kang sukat na BMI na 30 pataas, maaaring sabihin ng doktor na ikaw ay obese. Karagdagan, maaari kang gumamit ng tool na ito upang suriin kung ano ang iyong BMI.
Mahalagang tala : Minsan iniisip ng mga tao na ang obesity ay isang usaping estetika ngunit sa totoo lang, ito ay isang komplikadong sakit na nagpapataas ng panganib ng isang tao sa iba’t ibang mga kondisyon kabilang ang diabetes, kanser, at sakit sa puso.
Ano ang Sanhi ng Obesity?
Diet at Lifestyles
Ang ilang mga tao ay obese dahil sa kanilang diet at lifestyles Binibigyang-diin ng mga doktor na ang pagkakaroon ng high-calorie diet na may napakakaunting prutas at gulay sa kanilang mga pagkain ay nagpapataas ng panganib ng obesity. Kasama rin sa iba pang mga risk ang pagkonsumo at pag-inom ng mga liquid calories tulad ng alkohol, matamis na katas ng prutas, at soft drinks.
Gayundin, ang gawain na palaging nakaupo. Ang mga gawain tulad ng paglalaro ng computer games at pag-surf sa internet ay tinatawag na “sedentary activities” dahil sa kawalan ng pagkilos. Sinasabi ng mga eksperto na ang palaging pagtingin sa screen ay maaaring makahikayat ng paggamit ng mas maraming kaloriya, at hindi ito nagtataguyod ng calorie-burning. Tingnan mo, kapag mas maraming oras ng pagharap sa screen, mas malamang na hindi nag-ehersisyo.
Narito ang ilang dahilan, bukod sa diet at lifestyles, na maaaring maging sanhi ng obesity . Isa-isahin at ipaliwanag natin.
Genetics
Ano ang nagiging sanhi ng obesity ? Ang isang dahilan na hindi maaaring baguhin ay henetika. Ang genes ay may papel sa kung gaano karaming taba ang iniimbak ng iyong katawan at kung saan ang iyong katawan ay nag-iimbak ng mga ito. Bukod pa rito, ang genes ay naglalaman din ng mga direksyon kung gaano kahusay magsunog ng mga kaloriya sa pamamagitan ng ehersisyo. Kapansin-pansin, ang genes ay nakakaapekto sa gana.
Gayundin, ang “mana” ay nagdudulot ng obesity, nagdidikta ito ng kondisyon sa kalusugan na sanhi ng obesity. Halimbawa, may genetic disorder na tinatawag na Prader-Willi Syndrome, may mataas na panganib sa obesity. Sa Prader-Willi Syndrome, ang pasyente ay maaaring kumain nang labis dahil sila ay may labis na gana sa pagkain. Kalaunan ay humahantong sa hindi malusog na pagtaas ng timbang.
Sa kabila ng papel na ginagampanan ng henetika, binibigyang-diin ng mga eksperto sa medisina na ang sanhi ng obesity ay higit na maiuugnay sa mga risk sa kapaligiran kaysa sa mana. Bagama’t may ilang katotohanan sa pagsasabi na “ito ay nasa aking genes,” ngunit walang dahilan upang hindi pumayat.
Binibigyang-diin din ng mga doktor na sa ilang mga kaso ng obesity ay ” runs in a family, “ ngunit mas higit na sanhi ang sedentary lifestyle at dietary habits ng pamilya.
Kondisyon sa Kalusugan
Ano ang nagiging sanhi ng obesity? Para sa iba, pinagbabatayan ay kondisyon ng kalusugan, tulad ng hypothyroidism o Cushing’s Syndrome, ay nag-trigger ng kanilang labis na pagtaas ng timbang.
Ang hypothyroidism ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay may di-aktibong thyroid gland. Dahil ang thyroid gland ay hindi kasing aktibo, ito ay gumagawa ng mas kaunting thyroid hormone. Ang thyroid hormone ay responsable para sa mga metabolic process ng katawan, at ang kakulangan ng partikular na hormone ay nagreresulta sa akumulasyon ng labis na asin at tubig, na humahantong sa pagtaas ng timbang.
Ang Cushing’s Syndrome, sa kabilang banda, ay isang kondisyon kung saan ay masyadong maraming hormone, cortisol (isang steroid hormone). Ito ay humahantong sa mga sintomas tulad ng pagkakaroon ng timbang sa paligid ng katawan, leeg, at balikat.
Gayunpaman, itinuturo ng mga medikal na eksperto na kung ang mga kondisyong ito ay matukoy at magagamot nang maayos, hindi sila magdudulot nang labis na problema para sa mga taong gustong magpapayat..
Gamot
Sa ilang pagkakataon, ang mga gamot ay maaaring mag-trigger nang labis na pagtaas ng timbang. Kabilang sa mga halimbawa ng mga gamot na ito ang
- gamot na panlaban sa seizure
- Antidepressant
- beta-blocker para sa altapresyon
- antipsychotic, tulad ng mga gamot para sa schizophrenia
- gamot para sa diabetes
- steroid
Gayunpaman, kahit na ang mga gamot na ito ay maaaring magdulot ng labis na pagtaas ng timbang o obesity, ang mga ulat ay nagsasabi na maaaring mag-diet at mag-ehersisyo. Ang pinakamainam na paran ay makipag-usap sa eksperto at doktor sa posibleng paraan upang labanan ang pagtaas ng timbang.
Hindi Wastong Coping Mechanisms
Huli sa listahan ng iba pang dahilan ng obesity ay ang hindi malusog na coping mechanisms.
Narinig mo na ba ang “stress eating?,” kumakain upang makayanan ang stress sa isang tiyak na sitwasyon. Ang pagtigil sa paninigarilyo bilang isang halimbawa.
Maraming doktor ang nagsasabi na ang labis na pagtaas ng timbang ay maaaring mangyari pagkatapos huminto ang isang tao sa paninigarilyo. Gumagamit ng pagkain upang matulungan na makayanan ang mga sintomas ng pag-withdraw. Sa kadahilanang ito, ang indibidwal na nakakaranas ng mga problema sa kanilang timbang pagkatapos huminto sa paninigarilyo ay hinihikayat na makipag-usap sa kanilang doktor.
Upang maiwasan ang stress eating (tinatawag ding emosyonal na pagkain), ang mga tao ay naghahanap coping mechanism tulad ng malalim na paghinga, pagkuha ng sapat na pahinga, pagtulog, at pagtanggap sa mga bagay na hindi nila kontrolado.
Key Takeaways
Ano ang nagiging sanhi na obesity? Maraming kadahilanan, ngunit karamihan ng mga kaso ay hindi magandang diet at kakulangan ng ehersisyo. Gayunpaman, kung nahihirapang magbawas ng timbang sa kabila ng pagpapanatili ng healthy lifestyles at balanseng diet, pinakamainam na komunsulta sa iyong doktor.
Tandaan na ang obese ay isang sakit na nagpapataas ng panganib ng iba pang malubhang problema sa kalusugan tulad ng kanser,diabetes, at mga sakit sa cardiovascular. Kaya, prayoridad ang pagpapanatili ng malusog na timbang.
Matuto pa tungkol sa obesity rito.
Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora
[embed-health-tool-bmi]