Paano Makakaiwas sa Obesity?
Walang gamot para sa obesity. Sa halip, ang mga tao ay dapat na magsikap na iwasan ang mga sintomas nito at magkaroon ng mas malusog na paraan ng pamumuhay.
Mahalagang maagapan ang sakit na ito nang tuluyan. Narito ang ilan sa mga payo para maiwasan ang obesity sa simula pa lamang:
- Magsimula o panatilihin ang isang physical wellness routine. Ang page-ehersisyo ay hindi lamang makatutulong para sa pagpapapayat at pagpapalakas ng katawan. Tinatanggal din nito ang hindi kailangang mga calories at pinananatiling malusog ang ating puso. Inirerekomenda ng mga doktor ang pagkakaroon ng hindi bababa sa 150-300 na minutong aktibong ehersisyo sa isang linggo.
- Magtuon sa tamang pagkain at iwasan ang mga empty calories. Magtuon sa mga masustansya, kompleks na carbohydrates, at iwasan ang mga matatamis na pagkain at inumin. Ang simpleng pagpapalit ng puting kanin sa mga whole-grain na kanin gaya ng red o brown na kanin ay isang magandang panimula, gayundin ang pag-inom ng tubig imbes na soft drinks.
- Ang pagiging consistent ang sagot. Tiyaking mananatili sa iyong napiling paraan ng pagkain at mga routine.
- Maging mas makapangyarihan kaysa sa iyong isip. Ito ay totoong-totoo lalo na sa mga taong may sikolohikal na sitwasyon o problema. Magtuon sa iyong mga layunin at maging maingat sa iyong pag-asal upang mas mainam na maiwasan ang mga negatibong kaisipang ito.
Para sa mga obese na, ang pagbawas sa iyong obesity ay pareho lamang sa pag-iwas sa obesity. Ang tamang pagkain at page-ehersisyo ay mahalaga upang mabawasan ang obesity.
Tandaan
Pagdating sa pag-iwas sa obesity, hindi totoo ang kasabihang “You are what you eat“. Mas totoo na ikaw ang nagtatakda ng kung ano ang papasok at magiging bahagi ng iyong katawan. Ang positibong pananaw at lakas ng loob ay makatutulong sa pamamahala ng iyong timbang. Hindi ka lamang magiging malusog, mahahanap mo rin ang routine na babagay sa iyo at magbibigay ng maraming benepisyo sa kalusugan mo.
Isinalin sa Filipino ni Marie Kristel Corpin
Comments
Share your thoughts
Be the first to let Hello Doctor know your thoughts!
Join Us or Log In to join the discussion