Ang panaginip ay isang natural phenomenon na nararanasan ng bawat tao. Kahit na ang mga panaginip ay malamang na mga kathang-isip ng ating subconscious. At isang interpretasyon ng kung ano ang ating hinaharap kung tayo ay gising, ang nightmare ay maaaring tumuturo sa pinagbabatayang takot at iba pang mga stress. Ang magagandang panaginip ay maaaring mukhang hindi kapani-paniwala at kakaiba, at nasisiyahan ang mga tao sa pagkakaroon nito. Ang bangungot naman ay pinupuno tayo ng pangamba. Bakit tayo nananaginip at paano maiwasan ang bangungot? Ano ang nightmare disorder?
Ang Agham sa Likod ng Panaginip
Bakit tayo nananaginip?
Upang mas maunawaan kung bakit nangyayari ang ang nightmare disorder, mahalagang maunawaan ang science of dreams.
Sa karaniwan, ang mga tao ay nananaginip nang humigit-kumulang dalawang oras sa isang gabi sa oras ng Rapid Eye Movement (REM) sleep. Ito ang sandali na ang katawan ay nasa mahimbing na pagtulog.
Ang REM sleep ay nangyayari sa pamamagitan ng mga signal mula sa isang bahagi ng utak na kilala bilang pons. Sa sandaling ito, ang mga signal sa spinal cord ay pinapatay upang maiwasan ang katawan na gawin ang panaginip sa totoong buhay. Halimbawa, kung ang isang tao ay nananaginip na siya ay tumatakbo, maaari siyang tumakbo sa totoong buhay at magdulot ng mga aksidente. Maaaring mangyari ito kapag ang isang tao ay may sleep-walking disorder.
Anuman, hindi lubos na sigurado ng mga siyentipiko kung bakit tayo nananaginip. Bagama’t may patuloy na pag-aaral upang makatulong na maunawaan kung bakit ito nangyayari.
May isa sa mga teorya kung bakit tayo nananaginip. Iniisip ng mga doktor na ang hippocampus, bahagi ng utak na responsable sa pagkontrol sa ating mga alaala, ay gumagana sa neocortex, ang kumokontrol sa mas mataas na level ng pag-iisip. Sinusubukan ng utak na lumikha ng kahulugan ng lahat ng impormasyong nakalap nito, na nararanasan natin bilang mga panaginip.
Alamin pa kung ano ang nightmare disorder.
Ang Agham sa Likod ng Bangungot
Ang mga nightmare ay kadalasang nangyayari sa mga huling oras ng REM sleep, kaya naman malamang na magising tayo mula rito at mas naaalala natin ito.
Bakit tayo nagkakaroon ng mga nightmare?
Pagdating sa mga bangungot, naniniwala ang mga siyentipiko na ito ay may positibong layunin anuman ang pagkabalisa, takot, at pisikal na pagkabalisa na nararanasan natin kapag nagising.
Madalas ng tinatawag ng ilang scientists na “threat rehearsals” o kapag ang isip natin ay nag-eensayo kung ano ang pwedeng gawin sa isang nagbabanta o nakababahalang kaganapan sa ating waking life. Gayunpaman, naniniwala ang ibang scientists na ang mga bangungot ay nakakatulong sa mga tao na makayanan ang mga nakakainis na kaganapan sa araw. Samantala, may teorya ang ilang siyentipiko na ang mga bangungot ay ang paraan ng utak upang ilabas ang mga sikolohikal na isyu na pinipigilan natin ngunit kailangan nating harapin.
Kahit anuman ang totoong layunin ng nightmares, napatunayan scientifically na nakakatulong ito sa atin. Ano ang nightmare disorder?
Ano ang Nightmare Disorder? Tunay na Kondisyon ba Ito?
Bagama’t lahat tayo ay nakaranas ng bangungot kahit isang beses. May ilang mga tao na nakakaranas nito nang mas madalas kaysa sa iba. Ang mga taong ito ay maaaring magkaroon ng nightmare disorder, na kilala rin bilang dream anxiety disorder. Ito ay nakakagambala sa kanilang mga pattern ng pagtulog at maging sa kanilang paggising. Habang isang tunay na kondisyon, kung ano ang nightmare disorder ay bihira.
Ang mga taong apektado ng ganitong pambihirang uri ng disorder ay nakakaranas ng masidhing bangungot halos tuwing sila ay natutulog. Nagdudulot ito ng pagkabalisa at nakakagambala sa pattern ng kanilang pagtulog. Mas madalas kaysa sa hindi, nagkakaroon sila ng takot sa pagtulog dahil sa mga bangungot na ito. Dumaranas din sila ng insomnia habang iniiwasan nilang matulog.
Sa matinding mga kaso ng nightmare disorder, ang kakayahan ng isang tao na mamuhay ng normal at malusog ay nagiging mahirap.
Sintomas ng Nightmare Disorder
Ang nightmare disorder ay maaaring maging sanhi ng mga sumusunod:
- Ang madalas na paglitaw ng mga bangungot
- Pagkapagod sa araw at mababang enerhiya
- Antok dahil kulang sa tulog
- Mga problema sa pag-uugali kapag matutulog
- Takot sa dilim
- Mga problema sa memorya at konsentrasyon
- Hindi mapigilan ang pag-iisip ng mga larawan mula sa mga bangungot
- Malaking pagkabalisa at kapansanan
- Anxiety o patuloy na takot
- Pagkabalisa sa oras ng pagtulog
Karaniwang nakakaapekto sa mga bata kung ano ang nightmare disorder. Ang mga matatanda ay maaari ring makaranas nito.
Kailan Kailangan ng Doktor
Ang nightmare disorder ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga matatanda at bata. At makagambala sa pang-araw-araw na buhay nila. Kaya mahalagang magtakda ng appointment sa mga espesyalista sa pagtulog ang mga apektadong pasyente.
Bagama’t ang bangungot ay maaaring magdulot ng matinding pag-aalala sa mga bata at matatanda, ang paminsan-minsang masamang panaginip ay hindi isang bagay na dapat mong alalahanin. Gayunpaman, humingi ng tulong kapag ikaw o ang isang mahal sa buhay ay nakakaranas ng aliman sa mga sintomas na nabanggit.
Hihilingin ng mga eksperto ang medical history mo. Dahil ang isang bagong gamot ay maaaring maging sanhi ng kung ano ang nightmare disorder. Kakailanganin mo ring sumailalim sa physical examination upang matulungan ang mga doktor na matukoy nang tama ang iyong kondisyon. At mabigyan ka ng tamang paggamot.
Paano Makaiwas sa Bangungot
May ilang paraan kung paano iwasan ang mga bangungot ngunit tandaan na hindi mo lubos na maiiwasan ang natural phenomenon na ito. Mangangarap ka pa rin at kung minsan ay magkakaroon ng bangungot.
Gayunpaman, ang mga sumusunod ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga pagkakataong magkaroon ng bangungot:
- Iwasan ang meryenda sa gabi dahil ang pagkain bago ka matulog ay maaaring maging sanhi para maging aktibo ang utak. Nagpapataas ito ng tyansa na magkaroon ka ng nightmare.
- Dapat mo ring iwasan ang pag-inom ng narcotics o antidepressants bago matulog dahil nagiging sanhi ito ng mga kemikal na reaksyon sa utak na kadalasang nauugnay sa mga bangungot.
- Alagaan ang mental health mo at humingi ng tulong kung mayroon kang pagkabalisa o depresyon dahil ang mga sikolohikal na isyung ito ay kadalasang konektado sa madalas na bangungot.
- Magtakda ng regular na iskedyul ng pagtulog, kaya iwasang mag-nap at matulog nang late sa araw.
- Iwasan ang alkohol, caffeine, at sigarilyo, lalo na sa hapon.
- Mahalaga ang ehersisyo. Ngunit gawin ito nang maaga sa araw at hindi bago matulog o malapit sa oras ng pagtulog.
- Subukang mag-relax bago matulog at iwasan ang mga nakababahalang kaisipan.
- Iwasan ang nakakatakot o nakaka-stress na mga palabas sa TV, pelikula, libro, o video game.
Key Takeaways
Ang mga bangungot ay bahagi ng buhay. At karamihan sa mga matatanda at bata ay nakakaranas ng mga ito kahit isang beses sa kanilang buhay. Kahit na nakakatakot kapag naranasan ng isang tao ang mga ito, ang mga bangungot – ayon sa mga siyentipiko – ay may purpose. Gayunpaman, huwag matakot na humingi ng tulong kung ito ay nangyayari nang mas madalas. Ito ay kung pinaghihinalaan mo ang isang nightmare disorder, lalo na kung nagsisimula itong makagulo sa iyong buhay. Tandaan, sa ilang mga bihirang pagkakataon, ang palagiang masamang panaginip ay maaaring isang senyales ng kung ano ang nightmare disorder, o dream anxiety disorder.