Alam nating lahat na mahalaga ang pagtulog. Dahil kung hindi tayo nakapag pahinga ng maayos, ang ating attention span, reflexes, immunity, at katawan ay nagdurusa. Kapag kulang tayo sa tulog, hindi natin hinahayaan ang ating katawan na makabawi ng lakas. Ito ay lalo na pagkatapos ng mahaba, nakakapagod na mga araw sa ating abalang iskedyul. Kaya ang benepisyo ng siesta o napping ay hindi na bago sa atin.
Ang isang regular at malusog na sleep cycle ay nagbibigay-daan sa mas mahusay na pag-aaral at memorya. Dahil hinahayaan ng pagtulog ang ating utak na gumana ng mabuti, at nagkakaroon tayo ng mas mahusay na emotional regulation. Sa kabuuan, bumubuti ang ating emotional at cognitive abilities dahil lamang sa pagtulog.
Ano ang mga benepisyo ng siesta sa kalusugan?
Dahil alam na natin ito, hindi ibig sabihin na matutulog na lang tayo kahit kailan natin gusto. Gayunpaman, hati ang palagay ng scientific community pagdating sa pagsi-siesta. Sa artikulong ito, alamin ang sinasabi ng agham tungkol sa pag-idlip. Kasama ang iba’t ibang uri ng naps, ang mga benepisyo ng siesta, at kung paano o bakit ka dapat umidlip.
Para sa Lahat ba ang Health Benefits ng Siesta?
May mga pag-aaral na nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng napping at ilang uri ng sakit. Ang ilang karaniwang natuklasan ay mga physical o lifestyle-related diseases tulad ng diabetes o mental illnesses tulad ng depression.
Gayunpaman, mahalagang pansinin na ang ugnayang ito ay pagpapakita na ang mga taong may mga ganitong sakit ay madalas na umidlip. Hindi ibig sabihin na ang koneksyon ay magpahiwatig ng sanhi sa kasong ito.
May saysay ito dahil kung iisipin, ang hindi pagtulog ng maayos sa gabi ay isa sa mga nangungunang dahilan kung bakit madalas mag-nap ang mga tao. At ito ay isang bagay na ginagawa ng mga taong may unhealthy lifestyles o may struggle sa kanilang mental state.
Isa sa mga isyu ng science community tungkol sa napping ay ang daytime sleep ay pwedeng makaapekto sa nighttime sleep. Ito ay maaaring maging sanhi ng unhealthy sleeping cycle.
Bilang tugon dito, naisip ng mga siyentipiko ang napping bilang adaptive behavior.
Posibleng inilalagay ng katawan mo ang sarili sa isang unconventional na sleep cycle. Maaari ding humihingi ito ng sobrang tulog bilang paraan na harapin ang stressors mo. Kaya naman, ang mga siesta ay nakakatulong sa ating katawan na sabihin sa atin na kailangan ng pahinga para mas gumaling.
Sa pangkalahatan, ang isyu ay ang pag-idlip ay hindi nagbibigay ng sapat na oras sa malalim na pagtulog bilang aktwal na pagtulog. At ito ay maaaring makagambala sa sleep cycle ng karaniwang tao.
Ibig sabihin nito na ang siesta ay hindi talaga nagpapanumbalik ng sapat na oras ng pagtulog sa gabi. Mahalagang pagisipan ang findings na ito dahil iba’t-iba ang sleep cycles sa bawat tao. Ang paraan ng paggalaw ng mga indibidwal sa iba’t ibang cycle ng pagtulog ay maaaring magdikta kung sila ay nappers o hindi.
Maging para ito sa mga senior citizen, bata, o young adult sa edad na 21, ang mga benepisyo ng siesta sa kalusugan ay naroroon sa pagpapanatili ng isang healthy lifestyle.
Ang Holistic Health Benefits ng Naps
Maraming benepisyo ang dala ng napping sa maraming iba’t ibang antas at nakakatulong sa holistic recovery at pamumuhay.
Ang isang pag-aaral na isinagawa ng NASA ay nagpakita na ang military pilots at mga astronaut ay mas mahusay na nagpe-perform pagkatapos ng 40 minutong pagtulog. Ipinakita ng test subjects ang 34% na pagbuti ng performance at 100% na improvement sa pagiging alerto.
Patunay ito na ang napping ay maaaring magpapataas ng kalidad ng performance at attentiveness ng isang tao kaagad pagkatapos ng isang pag-idlip. Ngunit ang pagpapabuti sa pagiging alerto ay maaaring lumampas pa ng ilang oras pagkatapos mag-nap.
May mga psychological benefits din ang napping. Iniiwas ka nito sa mga stressor mo, at ito ay isang madaling paraan para makapahinga.
Iba’t-ibang uri ng mga Nap
Mayroong iba’t ibang uri ng naps. Depende sa lifestyle mo at mga pangangailangan, maaari kang pumili kung aling pattern ng pagtulog at nap ang tama para sa iyo.
Habitual Napping
Ang una ay habitual napping o pagpili ng takdang oras sa bawat araw para sa naps. Sa nap na ito, na may permanenteng oras sa sleep cycle mo, nakakatulong ito na magkaroon ka ng sapat na lakas sa mataas na level buong araw.
Ang pag-idlip ng 2 oras araw-araw ay makakatulong sa mga tao na magtrabaho sa mga hindi pangkaraniwang oras ng trabaho o talagang abalang mga iskedyul. Ito ay inirereseta din para sa mga taong may narcolepsy. Bahagi din ito ng kultura sa Mediterranean at Hispanic na mga bansa bilang “siesta”.
Emergency Napping
Pangalawa ang emergency napping o naps na hindi natin maiiwasan dahil sa pagod. Bukod sa malinaw na recharging benefits ng napping para sa mga mag-aaral, may higit pa sa emergency napping na pwedeng may pakinabang sa lahat.
Ang pag-idlip, kung hindi lalampas sa 30 minuto, ay maaaring magdulot ng mga benepisyo ng power nap gaya ng pagiging mas alerto. Maaari din na isang reward system ang emergency naps. Ito ay para mapanatili mo ang iyong pagiging productive.
Planned Napping
Ang ikatlong uri ay planado o preparatory napping at ito ay karaniwang isang paraan ng preempting emergency napping. Ang mga nakaplanong pagtulog ay ginagawa bago ka antukin. Ito ay para sabihin sa iyong katawan na nakapagpahinga ka nang maayos dahil pinapayagan mo ang iyong sarili na magpahinga bago ka makaramdam ng pagod. Nakakatulong ito hindi lamang sa mga taong hindi makatulog ng maraming oras kundi pati na rin sa jetlag.
Sa pangkalahatan, maraming iba’t ibang benepisyo ng siesta. At mas maraming posibleng paraan ng pagsasama ng napping sa iyong lifestyle. Hangga’t ang mga naps ay ginagawa ng katamtaman at ang sleep cycle mo ay epektibo sa iyo, maaari kang magkaroon ng mga benepisyong ito at higit pa.