Alam mo ba na ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay hindi lamang nagbibigay sa iyo ng enerhiya na kailangan mo para sa buong araw, ngunit maaari ring maiwasan ang ilan sa mga nakamamatay na sakit? Alamin kung ano ang sleep deficiency at paano ito maaaring makapinsala sa iyong kalusugan, dito.
Pag-unawa Kung Ano ang Sleep Deficiency At Paano Ito Nakaapekto sa Iyong Kalusugan
Katulad ng pagkain, pag-inom, at paghinga, ang pagtulog ay isang pangunahing pangangailangan ng tao. Ito ay mahalaga para sa mabuting kalusugan at pangkalahatang kagalingan. Gayunpaman, ang sleep deficiency ay maaaring mangyari sa sinumang walang tamang dami ng mataas na kalidad ng pagtulog. Kadalasan, maraming tao ang nagdurusa dito, na maaaring magresulta sa parehong short- at long-term consequences.
Para sa mga taong interesado malaman kung ano ang sleep deficiency, tinatalakay ng mga pag-aaral na ang mga taong hindi nakakakuha ng sapat na kalidad ng pagtulog ay mas malamang na magkasakit pagkatapos ng exposure sa isang virus. Dahil dito, naaapektuhan din nito kung gaano ka kabilis gumaling kung ikaw man ay magkasakit.
Ang sleep deficiency ay maaaring magdulot ng mga problemang pisikal at mental. Ilan sa mga mental concern ay kinabibilangan ng kapansanan sa paghuhusga, mood, pag-aaral, at maging ang retention ability. Maaari itong humantong sa productive loss pati na rin ang pagbaba ng social functioning. Bilang karagdagan, maaari rin itong magdulot ng malubhang aksidente at pinsala. Higit pa rito, ang sleep deficiency ay naiugnay sa iba’t ibang malalang isyu sa kalusugan tulad ng obesity at stroke.
Obesity
Maraming mga pag-aaral ang nakatuklas ng ugnayan sa pagitan ng sleep deficiency at pagtaas ng timbang. Halimbawa, ang mga taong natutulog nang mas mababa sa anim na oras bawat gabi ay kadalasang mas malamang na magkaroon ng mas mataas kaysa sa normal body mass index (BMI). Sa kabilang banda, ang mga taong may walong oras na tulog ay may pinakamababang BMI.
Habang natutulog, ang iyong katawan ay gumagawa at namamahala ng iba pang hormone. Kabilang sa mga ito ang ghrelin, ang hormone na responsable para sa kagutuman, at leptin, na nagpapabusog sa iyo. Maaaring mapataas ng sleep deficiency ang ghrelin levels habang binabawasan ang leptin levels, na ginagawang mas malamang na makaramdam ka ng labis na gutom at labis na pagkain. Ito ang dahilan kung bakit ang sleep deficiency ay may potensyal na panganib para sa obesity.
Diabetes
Ano ang sleep deficiency? Ayon sa mga mananaliksik, ang hindi sapat na pagtulog ay maaaring mag-ambag sa Type 2 diabetes sa pamamagitan ng pag-impluwensya sa kung paano pinoproseso ng katawan ang glucose.
Sa isang short-term sleep restriction study, ang isang pangkat ng mga malulusog na subject na may 4 na oras lamang na tulog bawat gabi ay mas mabagal na naproseso ang glucose. Ito ay kung ihahambing sa kung kailan sila pinayagang matulog sa loob ng 12 oras. Bilang karagdagan, natuklasan din ng maraming epidemiological studies na ang mga nasa hustong gulang na natutulog nang mas mababa sa limang oras bawat gabi ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng diabetes.
Higit pa rito, ang obstructive sleep apnea, isang karaniwang sleep-related breathing disorder, ay naiugnay sa pag-unlad ng impaired glucose control, katulad ng naobserbahan sa mga may diabetes.
Mood at Iba Pang Mental Health Problems
Maraming mga tao na hindi nakakukuha ng sapat na pagtulog ay maaaring nahihirapan sa mga sumusunod na aspeto:
- Kontrol ng emosyon
- Magandang pagdedesisyon
- Pangkalahatang kakayahan upang makayanan ang pang-araw-araw na buhay
Bukod sa mga hamong ito, ang sleep deficiency ay maaari ring humantong sa iba pang mga problema sa kalusugan ng isip tulad ng depression at suicidal thoughts.
Heart Diseases, Stroke, at Hypertension
Sa pangkalahatan, bumababa ang presyon ng dugo habang natutulog. Bilang resulta, ang sleep deficiency ay maaaring humantong sa mataas na daily average blood pressure. Ito ay nagpapataas sa iyong panganib ng sakit sa puso at stroke.
Ayon sa pananaliksik, ang isang gabi ng hindi sapat na tulog sa mga may hypertension ay maaaring magresulta sa pagtaas ng presyon ng dugo sa susunod na araw. Ito ay maaaring makatulong na ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng hindi sapat na tulog at cardiovascular disease at stroke. Halimbawa, natuklasan ng isang pag-aaral na ang mga babaeng natutulog nang wala pang 6 na oras o higit sa 9 na oras ay mas malamang na magkaroon ng coronary heart disease.
Mayroon ding isang link sa pagitan ng sleep deficiency at coronary artery calcification, isang major indicator ng coronary heart disease.
Key Takeaways
Ano ang sleep deficiency? Maraming mga taong nagdurusa rito dahil sa maraming mga rason. Dahil dito, maaari itong magresulta sa ilang mga physical at mental health problems.
Siguraduhing mayroon kang downtime at magkaroon ng wastong pagtulog. Sa pag-iwas sa sleep deficiency, maaari mo ring maiwasan ang ilang mga kondisyon tulad ng obesity, diabetes, at heart disease.
Learn more about Healthy Sleep here.