Ang buhay ng isang may ulcer ay maaaring mahirap, pero siguradong maaari itong ma-manage. Ito ay sa tamang lifestyle habit at dietary intervention. Ano ang tamang diet para sa may ulcer?
Ang Pinakamahusay na Diet para sa may Ulcer ay Depende sa Indibidwal
Ang mga peptic ulcer ay mga sugat na nabubuo alinman sa loob ng tiyan o maliit na bituka. Sa ilang mga kaso, maaari rin silang mabuo sa esophagus.
Ang mga gastric ulcer ay mga peptic ulcer na nabubuo sa loob ng tiyan. Habang ang duodenal ulcer ay nabubuo sa itaas na bahagi ng maliit na bituka.
Mahalagang tandaan na ang sakit sa tiyan ng duodenal ulcer ay kadalasang nangyayari kung walang laman ang tiyan. At ang pagkain ang kadalasang sagot sa discomfort nito. Habang ang mga gastric ulcer ay kadalasang nagsisimulang sumakit pagkatapos kumain.
Ang totoo, talagang walang isang diet na tuluyang makapag-paalis ng mga ulcer nang walang tulong ng ilang gamot o treatment.
Ang diet para sa may ulcer mismo ay hindi pamalit sa treatment. Bagama’t makakatulong ito na mabawasan ang mga sintomas o discomfort.
Trial and Error ang Ulcer Diet Therapy
Dahil depende sa indibidwal ang diet therapy, natural itong eksperimental sa simula para ma-manage ang ulcers.
Dapat mong malaman ang mga nagti-trigger sa iyo at patuloy na pagtuklas nito. Salungat sa alam ng marami, ang pH level ng mga pagkain ay hindi nakakaapekto sa tiyan.
Ang mga may ulcers ay dapat maging masigasig sa pagsisimula ng mga sintomas. Makabubuti ring magkaroon ng isang daily food diary. Ito ay para ma-check kung may mga pagkaing nagpapalubha sa peptic ulcers. Malalaman mo na may partikular na mga pagkain na nagiging sanhi ng mabilis na reaksyon sa iyong tiyan. Maaari naman na sa ibang tao, minimal lang ang mga epekto nito.
Ang Pinakamahusay na Diet Para sa may Ulcer:
Iwasan ang Matatabang Pagkain, Caffeine, at Alkohol
Sa kabila ng individualized approach, may mga grupo ng pagkain na sikat na nagti-trigger ng mga ulcer.
Sa kabuuan, ang mga pagkaing may taba, caffeine, o alkohol ay hindi mabuti para sa isang taong may peptic ulcer.
Ang mga pagkaing may maraming taba ay may posibilidad na manatili sa tiyan nang mas matagal kaysa sa iba pang mga uri ng pagkain.
Ang ibang matatabang pagkain ay nananatili ng matagal sa tiyan na nagiging sanhi ng discomfort. Mahusay na alamin ang diet para sa may ulcer
Siguraduhing Kumain sa Takdang Oras
Kapag walang laman ang tiyan, nauuwi ito sa paggawa ng mas maraming dormant acid nang walang anumang pagkain na dapat i-digest.
Ang oras ng pagkain ay mahalaga. Nag-i-stimulate sa produksyon ng acid ang pagkain ng masyadong marami bago matulog. Pwede itong maka-abala sa pagtulog sa gabi.
Ang pag-inom ng gatas kada ilang oras ay nakakatulong din na mabawasan ang sakit. Kilalang home remedy ito para sa ulcer attack.
Ang Stress at Emotional Eating ay maaaring magpalala ng Ulcer
Ang stress at stress eating ay maaaring magpalala ng ulcer. Maaaring ding magpalubha ang sobrang stress mula sa isang pangyayari o sitwasyon sa mga kasalukuyang sintomas ng ulcer.
Holistic ang dapat na approach sa pagpapagaling ng mga ulcer. Hindi ito dapat na ituring na purely physical disease. May mga mental factors na dapat i-consider. At ang sobrang stress sa trabaho o sa personal mong buhay ay maaaring makaapekto sa kung gaano katagal bago pagalingin ang iyong ulcers.
Risk Factors
Ang sobrang acidic na tiyan ay hindi ibig sabihin na may ulcers. May mga taong may mas mataas na panganib na magkaroon ng mga ulcer: ang mga nahawaan ng Helicobacter pylori at ang mga umiinom ng mga NSAID na gamot o non-steroidal anti-inflammatory na gamot tulad ng Aspirin at Ibuprofen.
Pinakakaraniwang uri ng ulcers sa tiyan ang peptic ulcers. Ang gastric ulcers (tiyan) at duodenal ulcers (intestinal) ay parehong nagdudulot ng matinding pananakit sa mga pasyenteng mayroon nito. Isa itong open sore na madalas nakikita sa isang procedure na ang tawag ay upper endoscopy.
Ayon sa St. Thomas Medical Group Gastroenterology Endoscopy Center, ang paninigarilyo at alkoholismo ay mga karagdagang risk factors.
Sinisira ng alkohol ang protective lining ng tiyan kaya mas madali itong masugatan. Nagpapalala naman sa Helicobacter pylori’s risk factors ang paninigarilyo.
Ang mga may edad din na 50 at pataas at may mga isyu sa baga at bato ay mas madaling kapitan ng pagkakaroon ng ulcers ayon sa Manhattan Gastroenterology.
Mga Karaniwang Paggamot: Mga Acid Suppressant
Ang ilang mga ulcer ay maaring i-manage sa bahay at ang ilan ay talagang malubha. Ang paggamot sa mga ulcer ay kadalasang kinabibilangan ng ilang uri ng mga suppressant ng labis na acid sa tiyan na nagdudulot ng mga peptic ulcer.
Kung may pagdurugo, ibinibigay ang karagdagang medical intervention at ito ay itinuturing bilang isang emergency lalo na kung kasama rin dito ang mga episode ng pagkahilo, pagsusuka ng dugo, pagdurugo, at pagkahimatay.
Key Takeaways
Mabuting alamin ang mga katotohanan at scientifically-based research sa paggamot sa ulcer. Ito ay mas mahusay kaysa sa umasa sa mga sabi-sabi.
Pag-aralan ang sarili mong ulcer sa pamamagitan ng pag-aalis sa iyong diet ng mga pagkaing nagti-trigger para sa ulcer at magtiwala sa mga gastroenterologist na naglathala ng publications tungkol sa role ng diet at paggamot sa ulcer.