Kabilang ang lapay sa tinatawag nating digestive system na tumutukoy sa lupon ng mga organ na umaaksyon upang matunaw ang mga pagkain araw-araw. Tumutulong din ang mga ito upang sipsipin ang mga sustansya mula sa pagkain at mga likidong kinokonsumo mo upang magamit para sa mahahalagang bagay tulad ng enerhiya, paglaki at pag-aayos ng mga cell. Ngunit, ano ang mismong tungkulin ng lapay dito? Paano kung hindi na ito gumagana nang maayos? Alamin ang iba’t ibang mga posibleng sakit sa lapay dito.
Ano Ang Lapay?
Bago tayo tumungo sa iba’t ibang partikular na sakit sa lapay, ating alamin muna kung ano ang lapay at ano ang ginagawa nito sa katawan.
Ang lapay o pancreas ay tumutukoy sa organ na parte ng digestive system na matatagpuan sa likod ng iyong tiyan. Bukod sa pagiging organ, itinuturing din ito na gland na responsable sa paggawa at paglabas ng mga sangkap sa katawan. Ang pangunahing tungkulin nito ay nahahati sa dalawang uri — ang exocrine function at endocrine function.
Habang isinasagawa ang pagtutunaw, ang iyong lapay ay gumagawa ng mga pancreatic juice na tinatawag na mga enzyme. Tungkulin ng mga ito na tunawin ang mga asukal, taba, at mga starch. Ang lipase, protease, at amylase ay ilan lamang sa mga pancreatic enzymes.
Dagdag pa rito, tumutulong din ang iyong lapay sa digestive system sa pamamagitan ng paggawa ng mga hormone. Ito ay mga chemical messengers na dumadaloy sa iyong dugo. Ang mga pancreatic hormone ang siyang namamahala sa antas ng blood sugar at gana, stomach acids, at maging ang pagsabi kung kailan dapat walang laman ang tiyan. Halimbawa nito ang insulin, glucagon, gastrin at amylin.
Iba’t Ibang Mga Sakit Sa Lapay
Kapag hindi na gumagana nang maayos at nararapat ang lapt, maaari itong humantong sa iba’t ibang klase ng sakit. Narito ang ilan sa maaaring ikonsiderang mga sakit sa lapay:
Pancreatitis
Nangunguna sa listahan ng mga sakit sa lapay ang pancreatitis. Ito ay tumutukoy sa pamamaga ng iyong lapay, Nangyayari ito buhat ng pagsisimula ng paggalaw ng mga enzymes sa lapay bago pa ito makarating sa nararapat na destinasyon, ang duodenum.
Ang pancreatitis ay nakakaapekto sa pagtunaw ng mga pagkain dahil ang mga enzyme ay hindi nagagamit nang wasto. Ito ay maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng pagdudulaw, pagsusuka, pagtatae, paglaki ng tiyan (bloating), at lagnat. Bukod pa rito, maaari rin humantong sa pagbaba ng timbang at malnutrisyon.
Depende sa partikular na sitwasyon ng tao, maari itong maging acute o chronic. Higit pa rito, maaari rin itong resulta ng genetics, gallstone, o sobrang pag-inom ng alak.
Pancreatic Cancer
Ang pancreatic cancer ay kadalasang nagdudulot ng mga sumusunod na sintomas:
Gayunpaman, ang tumor ay madalas na kumalat sa labas ng pancreas bago lumitaw ang mga naturang sintomas.
Lumalaban sa maraming karaniwang paggamot kabilang ang chemotherapy at radiation therapy. Sa mga huling yugto, maaaring mapabuti ng paggamot ang kalidad ng buhay sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga sintomas at komplikasyon.
Diabetes
Gumaganap din ng papel ang lapay sa pagkakaroon ng isang tao ng diabetes. Kadalasang ito nangyayari kapag ang mga asukal ay naipon sa dugo dahil sa hindi paggawa ng lapay ng sapat na insulin. O, maaari rin namang ito ay dulot ng hindi tamang paggamit nito, na nagreresulta sa mababang antas ng enerhiya.
Sa type 1 diabetes, hindi na gumagawa ng insulin ang beta cells ng lapay dahil inatake na sila ng immune system ng katawan. Samantala, sa type 2 diabetes, ang pancreas ay nawawalan ng kakayahang mag-ipon ng sapat na insulin bilang tugon sa mga pagkain.
Kabilang din ang hypoglycemia at hyperglycemia sa mga kondisyon na maaaring masangkot ang lapay.
Key Takeaways
Mahalagang parte ng digestive system ang lapay o pancreas dahil katuwang ito sa pagtunaw ng pagkain, maging sa pamamahala ng mga asukal sa katawan. Kung ikaw ay nakakararanas ng mga sintomas ng mga problema o sakit sa lapay, katulad ng kawalan ng gana, pananakit ng diyan, at pagbaba ng timbang, kumunsulta na agad sa iyong doktor upang masubukang maagapan ito.
Alamin ang iba pa tungkol sa Iba Pang Isyu Sa Digestive Health dito.