backup og meta

Benepisyo Ng Walking Para Sa Kalusugan Puso, Anu-Ano Nga Ba?

Benepisyo Ng Walking Para Sa Kalusugan Puso, Anu-Ano Nga Ba?

Ayon sa isang ulat na binabanggit ang Philippine Statistics Authority, ang sakit sa puso ay nananatiling pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa noong 2021. Sa kabutihang palad, may pag-asa para sa mga taong may mga isyu sa puso, tulad ng pagpalya ng puso. Ang paglalakad para sa kalusugan ng puso ay isa sa mga paraan upang mapagsilbihan ang iyong katawan nang pinakamahusay–pinapabuti nito ang iyong pisikal at mental na kakayahan. Upang maunawaan kung paano nakakatulong ang simpleng pagkilos na ito, titingnan natin ang mga benepisyo ng walking para sa heart failure.

Ano Ang Heart Failure?

Ang pagpalya ng puso, na kilala din sa tawag na congestive heart failure (isang uri nito, sa katunayan), ay kapag ang kalamnan ng puso ay hindi makapagbomba ng dugo nang maayos patungo sa mga iba’t ibang bahagi ng katawan. Nagiging sanhi ito ng pag-back flow o pag balik ng dugo sa puso at pag-iipon ng likido sa mga baga.

Madalas itong kaakibat ng sakit sa coronary artery, mataas na presyon ng dugo, at diabetes. Ikaw ay nasa panganib kung ikaw ay 65 taong gulang at mas matanda, sobra sa timbang, o inatake na sa puso. Ang mga lalaki ay mas malamang na magkaroon ng heart failure kaysa sa mga babae.

Sa ibang pagkakataon, ipapaliwanag natin kung bakit magandang ideya ang paglalakad para sa kalusugan ng puso.

Mga Sintomas Ng Heart Failure

Ang pang hihina sa puso ay nagpapakita ng sumusunod na sintomas:

  • Kapos sa paghinga (habang gumagalaw o kapag nakahiga)
  • Pagkapagod o kahinaan
  • Namamaga (manas) ang mga binti, bukung-bukong at paa
  • Namamaga (manas) ang tiyan
  • Mabilis o hindi regular na tibok ng puso
  • Mas kaunting kakayahang mag-ehersisyo
  • Patuloy na pag-ubo, hingal at/o may puti o kulay-rosas na bakas ng dugo sa plema
  • Mabilis na pagtaas ng timbang dahil sa pagdami ng likido sa katawan
  • Pagduduwal
  • Pagkawala ng gana
  • Nabawasan ang konsentrasyon at pagkaalerto
  • Pananakit ng dibdib (kung ang pagpalya ng puso ay sanhi ng atake sa puso)

Ang paglalakad para sa kalusugan ng puso ay maaaring magpakalma at magpaiwas sa mga sintomas na ito.

Ano Ang Benepisyo Ng Walking Para Sa Kalusugan Ng Puso?

Ang isang kamakailang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik mula sa Brown University ay natagpuan na ang mga taong mabilis na naglalakad ay may 30% na mas kaunting pagkakataon na magkaroon ng pagpalya ng puso, kaysa sa mga taong mabagal na naglalakad.

Ang pag-aaral ay kinasasangkutan ng 25,000 babaeng kalahok na sinundan sa loob ng 17 taon. Napag-alaman na ang mga kalahok na lumakad ng 2 hanggang 3 milya (mga 3.2 hanggang 4.8 kilometro) ay mas protektado mula sa pagpalya ng puso ng 27%, kumpara sa mga may average na bilis ng paglalakad na wala pang 2 milya kada oras.

Ang mga nagpapanatili ng isang mas mabilis na bilis (mahigit sa 3 milya bawat oras) ay mas malamang na hindi magdusa ng pagpalya ng puso ng 34%.

Ayon sa punong tagapagpananaliksik na si Dr. Charles Eaton, kinumpirma nito ang iba pang mga pag-aaral na nagpakita kung gaano kahalaga ang bilis ng paglalakad upang mabawasan ang dami ng namamatay at iba pang mga resulta na nauugnay sa puso.

Ang paglalakad para sa kalusugan ng puso ay kailangan lamang gawin sa mas maikling oras kaysa sa ibang mga aktibidad. 150 minuto bawat linggo lang ang kailangan, o 30 minuto limang araw sa isang linggo.

Benepisyo Ng Walking: Paano Nakakatulong Ang Ehersisyo

Isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang atake sa puso at stroke ay ang patuloy na paggalaw. Kasama rin ang pag-iwas sa paninigarilyo at pagpapanatili ng tamang timbang.

Ang mga kalamangan ng pisikal na aktibidad ay kinabibilangan din ng mas mataas na “magandang” antas ng kolesterol ng HDL (good cholesterol), pagpapanatili ng malusog na timbang, pagbaba ng presyon ng dugo, at regulasyon ng asukal sa dugo. Ang paglalakad para sa kalusugan ng puso ay maaari ring mapalakas ng mga mas maliliit na daluyan ng dugo. Dito maaaring dumaan ang dugo kung ang mga pangunahing coronary arteries ay naharangan na. Tinatawag na collateral blood vessels ang mga ito.

Sa katunayan, sa isang pag-aaral na inilathala sa siyentipikong journal Circulation, natuklasan ng mga mananaliksik na ang dalawang taon ng pagsasanay sa ehersisyo apat hanggang limang beses sa isang linggo ay nagpabuti ng oxygen uptake ng 18% at 25% na mas mahusay na “plasticity” sa kaliwang ventricular na kalamnan ng puso. Ito ay partikular na kapaki-pakinabang para sa mga nasa edad na at may may heart failure — na humahantong sa laging nakaupo na pamumuhay.

Key Takeaways

Ang benepisyo ng walking ay isa sa mga pinakamainam na paraan upang mapabuti ang iyong pangkalahatang fitness. Ang sakit sa puso ay ang nangungunang dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas. Dahil dito nararapat na baguhin ang pamumuhay para sa mga taong nasa panganib. (Ibig sabihin, ang mga matatanda, sobra sa timbang, mga taong may sakit sa coronary artery, diabetes, o mataas na presyon ng dugo.) Mabilis na nilalabanan ng paglalakad ang pagpalya ng puso. Sa gayon binabawasan ang dami ng namamatay at iba pang mga resulta ng cardiovascular diseases.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan sa Puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart failure, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-failure/symptoms-causes/syc-20373142#:~:text=Heart%20failure%20occurs%20when%20the,to%20appear%20blue%20(cyanotic), Accessed 7 Mar 2022

Walking quickly reduces risk of heart failure, researchers claim, https://www.diabetes.co.uk/news/2022/jan/walking-quickly-reduces-risk-of-heart-failure-researchers-claim.html, Accessed 7 Mar 2022

Physical Activity Helps Prevent a Heart Attack and Stroke, https://www.uofmhealth.org/health-library/hw114892, Accessed 7 Mar 2022

Reversing, the Cardiac Effects of Sedentary Aging in Middle Age – A Randomized Controlled Trial, https://www.ahajournals.org/doi/10.1161/CIRCULATIONAHA.117.030617, Accessed 7 Mar 2022

Heart Failure, https://medlineplus.gov/heartfailure.html, Accessed 7 Mar 2022

Heart disease remains top cause of death in PH in 2021: PSA, https://www.pna.gov.ph/articles/1168439, Accessed 7 Mar 2022

Kasalukuyang Version

07/11/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Bakit Hindi Pumapayat Kahit Mag Diyeta at Ehersisyo? Alamin Ang Dahilan

Dyeta o Ehersisyo: Ang 80 Diet 20 Exercise Theory ng Pagpayat


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement