Ano ang pinakamainam na breakfast para sa may diabetes? Ang almusal at ulam para sa diabetic ay dapat puno ng sustansya. Ito ay para manatili kang busog nang mas matagal na hindi naaapektuhan ang glycemic index.
Almusal ang pinakaimportanteng meal sa buong araw, lalo na kung may diabetes ka. Ayon sa research, ang mga taong may type 2 diabetes, ang hindi pagkain ng almusal ay sanhi ng pabago-bagong blood sugar buong araw.
Ibig sabihin, dapat unahin ang pagbibigay ng enerhiya sa katawan bago simulan ang araw. Pero ano ang pinakamainam na almusal at ulam para sa diabetic?
Tips sa Paggawa ng Diabetes-Friendly na Almusal
Ang pagkain ng almusal para sa mga pasyente ng diabetes ay nagsisimula sa mga masusustansyang sangkap dahil hindi sila labis na nagpapataas ng blood sugar. Heto ang ilang mga ideya:
Mababa sa carbohydrates at mataas sa protina ang itlog. Nakatutulong itong maiwasan ang pagtaas ng blood sugar. Kaya ang itlog ay mainam na pagkain at ulam para sa diabetic.
Ang brown rice, black brown rice, red brown rice, corn, oatmeal, toast, whole-wheat foods, English muffins, at whole-grain tortillas ay lahat mga staple. Mataas sa fiber, ang mga ito ay maaaring makapagpabagal sa pag-absorb ng asukal sa iyong daluyan ng dugo.
Ang greek yogurt ay may mas maraming protina at mas kaunting carbs kumpara sa tradisyunal na yogurt.
Dagdag pa rito, nakatutulong ang probiotics na mapababa ang blood sugar mo.
Cottage cheese
Hindi lamang masarap ang cottage cheese, pero ito ay mataas sa protina at mababa sa carbs, kaya diabetic friendly ito.
Mga Prutas
Ang berries, melons, peaches, grapes, apples, at oranges, ay lahat magagandang pagpipilian sa almusal para sa may diabetes. Ang dahilan ay ang mga prutas na ito ay may katamtamang dami ng asukal at mayaman sa fiber.
Mga Gulay
Para sa almusal at ulam para sa diabetic, dapat may iba’t ibang mga gulay tulad ng broccoli, kamatis, pipino, mushroom, kalabasa, kale, at asparagus, bukod sa iba pa. Ito ay upang madagdagan ang supplement fiber at mahahalagang vitamins at minerals.
Good fats
Ang mga pagkaing mayaman sa mabubuting uri taba ay tulad ng mga avocado, olive oil, at nuts. Ang mga ito ay hindi lamang nagpapanatiling mas busog ka nang mas matagal, ngunit mabuti rin para sa iyong puso.
Protina
Isa sa mga pangunahing layunin ng almusal ay panatilihin kang busog hanggang sa tanghalian. Ano ang pwedeng ulam para sa diabetic? Ang mga pagkaing mayaman sa protina tulad ng baboy, chicken breast, at karne ng baka ay maaaring makatulong din na mabawasan ang cravings. Nakakatulong ang mga ito na panatilihing kontrolado ang blood sugar levels sa mag hapon.
Green Tea at Kape
Ang dalawang inumin na ito ay mahusay para simulan ang iyong araw. May caffeine ang mga ito na nagpapabuti sa pagkaalerto, mood at metabolismo. Ang kape at green tea ay mayaman sa antioxidants na nakakatulong na protektahan ang utak, nerves, at puso. Kapaki-pakinabang ito para sa mga taong may diabetes kapag iniinom ng katamtamang dalas.
Pagkain at ulam para sa diabetic: Mga Mungkahi
Ang ilang mga mungkahi para sa masarap at masustansyang almusal na hindi mo maaaring balewalain ay kinabibilangan ng:
Pritong Itlog na may kasamang Wholemeal Bread
Ang whole wheat bread na may itlog na pinirito sa olive oil ay isa pang mungkahi para sa breakfast ng diabetic. Parehong mataas sa protina ang masarap na ulam na ito at hindi masyadong matagal gawin. Kung gusto mo ng mas masarap na lasa, dagdagan ng kalahating avocado.
Salad na Hinaluan ng Boiled Chicken Breast
Masustansyang almusal para sa diabetic ang mga gulay na sinamahan ng pinakuluang chicken breast.
Oats at Sariwang Prutas
Mainam ang isang bowl ng oatmel na may fresh fruit. Maaari mong dagdagan ng nuts (chia seeds, sesame seeds, flax seeds) o nuts (pistachios, walnuts, almonds). Ang maganda rito ay hindi kailangan ng mahabang oras para ihanda ito. Makakatulong na magkaroon ng aroma kung magdadagdag ng cinnamon powder at suportahan ang balanse ng asukal sa dugo.
Greek Yogurt
Ang greek yogurt na may kasamang sariwang prutas ay hindi lamang mabuti para sa iyong glycemic index ngunit tumutulong din sa digestive system na gumana nang mas mahusay.
Key Takeaways
Sana, sa pamamagitan ng artikulong ito, ang mga diabetic o caregiver ay nakakuha ng kapaki-pakinabang na impormasyon sa pagpili ng mga pagkain at pagbuo ng breakfast menus at ulam para sa diabetic. Ito ay upang makontrol nang epektibo ang blood sugar.
Matuto pa tungkol sa Type 2 Diabetes dito.
[embed-health-tool-bmi]