Karamihan sa mga tao ay hindi aware na sila ay problema na pala sa isang bagay hanggang sa magkaroon na lamang ng kapansin-pansing pagbabago sa kanilang buhay. Madalas ang ganitong scenario ay sa mga pang-araw-araw na problema. Pero hindi ito limitado lamang dito. Ito ay maaari ding maiugnay sa kakayahan ng katawan na tumugon sa mga sangkap tulad ng insulin.
Mayroon tayong tinatawag na insulin resistance kung saan ang katawan ay hindi magamit ng maayos ang insulin. Maaaring hindi mo mapansin ang mga maaagang sintomas nito na hindi nakaaapekto sa kalidad ng iyong buhay. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang lahat ay maayos. Ang pagiging resistant sa isang hormone na kasing-halaga ng insulin ay negatibong makaaapekto sa iyong buhay. Habang tumatagal at pinabayaan, hahantong ito sa iba pang mga sakit gaya ng diabetes. Ang article na ito ay naglalaman ng mga kailangan mong malaman tungkol sa karaniwang hindi napapansin na mga sintomas ng insulin resistance.
Ano ang Insulin?
Maaaring narinig mo na ang salitang insulin sa mga article na pangkalusugan tungkol sa diabetes. Pero ano nga ba ang insulin? At ano ang ginagawa nito para sa katawan?
Ang insulin ay isang hormone mula sa pancreas na tumutulong sa blood sugar regulation, metabolic control, at cellular growth regulation. Ito ay mahalaga sa pagpapanatili ng mga pangunahing proseso ng katawan.
- Ang blood sugar level ay naaapektuhan ng pagkain at hormones tulad ng insulit at glucagon.
- Kapag ang blood sugar level ay tumaas, madedetect ito ng katawan. Ito ang signal ng pancreas na gawin ang trabaho nito na maglabas ng insulin.
- Tinutulungan ng insulin ang pagpasok ng blood sugar sa mga cells ng katawan, na nagpapahintulot na ito ay magamit bilang enerhiya.
- Ito rin ang nagtuturo sa atay na ilagay ang blood sugar sa imbakan para magamit ito sa iba pang pagkakataon.
- Kapag ang blood sugar ay umabot na sa mga cells, ang konsentrasyon nito sa daluyan ng dugo ay bababa kaya bababa na rin ang insulin level
- Ang mas mababang antas ng insulin ay sign at signal para lumabas ang asukal na nakaimbak sa atay. Ito ay para ma-stabilize ang blood sugar level sa mga panahong di ka pa ulit nakakakain.
Ano Ang Insulin Resistance?
Ang insulin resistance, o impaired insulin sensitivity, ay nangyayari kapag ang katawan ay walang kakayahang tumugon nang maayos sa insulin. Kapag may mga problema sa kung paano napapamahalaan ng katawan ang insulin, ang proseso ay bumabaliktad:
- Ang mga blood sugar levels ay nanatiling mataas, ngunit ang iyong mga cells ay nagiging “gutom.”
- Ang pancreas ay gumagawa ng mga kinakailangang pagsasaayos sa pamamagitan ng paglikha ng mas maraming insulin upang makapaglipat ng mas maraming glucose sa mga cells.
- Kadalasan, nakasasabay ang pancreas sa pagtugon sa pangangailangan ng karagdagang insulin sa loob ng maraming taon. Ito ang dahilan kunga bakit ang insulin resistance ay hindi palaging humahantong sa diabetes. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ito nangyayari. Maaaring hindi magampanan ng pancreas ang function nito, at tumaas ang blood sugar levels. Ito ang nagreresulta sa type 2 diabetes.
Ano Ang mga Sintomas ng Insulin Resistance?
Mayro’ng mga tao na nagpapakita ng ilang mga sintomas ng insulin resistance tulad ng mga sumusunod:
- Labis na pagkagutom (polyphagia)
- Pagtaas ng blood sugar levels (hyperglycemia)
- Labis na pagkauhaw (polydipsia)
- Labis na pag-ihi (polyuria)
- Pagkahilo at pagkapagod
- Hirap sa konsentrasyon at mahinang mental stamina (brain fog)
- Pagkaantok
- Mataas na body mass index o BMI (overweight or obese)
- Maiitim na patches sa leeg at kili-kili (acanthosis nigricans)
[embed-health-tool-bmi]
Ano ang Nagdudulot ng Insulin Resistance?
Talamak ang kondisyong ito sa mga taong mayroon ng alinman sa mga sumusunod:
- May family background ng diabetes
- Pagiging overweight or obese
- Polycystic ovarian syndrome (PCOS)
- History ng stroke o heart disease
- Pagiging hindi aktibo at pagkakaroon ng sedentary lifestyle
- Pag-inom ng mataas na dose ng ilang mga gamot (tulad ng steroids)
- Metabolic syndrome
- Chronic stress
- Paninigarilyo
- Mga problema sa pagtulog (sleep apnea)
Key Takeaways
Mahalagang bantayan ang mga sintomas ng insulin resistance dahil maaari nitong palakihin ang pagkakataong magkaroon ka ng diabetes at iba pang kondisyon sa kalusugan. Ang pagbabago ng iyong pamumuhay ay maaaring makatulong na baligtarin ang mga epekto ng insulin resistance. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ilang pisikal na aktibidad sa iyong pangaraw-araw na gawain. Hindi lamang ito makatutulong sa iyo na maging mas sensitibo sa insulin, makatutulong din ito makapagpababa ng timbang. Higit pa rito, ang pagsasaalang-alang ng isang malusog at balanseng diyeta at pagtulog sa tamang oras ay maaaring magbigay ng mas magandang kalidad ng buhay. Alamin ang iba pa tungkol sa Diabetes dito.