backup og meta

Benepisyo Ng Insulin Plant Sa Kalusugan, Alamin Dito

Maraming benepisyo ng insulin plant sa bawat kalusugan ng indibidwal. Ang halamang insulin (Costus igneus, Chamaecostus cuspidatus) ay isang herb na bahagi ng pamilya Costaceae. May mga karaniwang pangalan din para sa insulin plant na kinabibilangan ng; fiery costus at spiral flag

Benepisyo Ng Insulin Plant Sa Kalusugan, Alamin Dito

Basahin ang artikulong ito para sa ilang benepisyo ng insulin plant?

Benepisyo ng Insulin Plant: Mga gamit

Kasama sa mga benepisyo ng insulin plant ang pagkontrol sa antas ng glucose sa dugo. Maaari rin itong pagmulan ng protina, iron, at antioxidants.

Ang halaman ay native sa Brazil, ngunit kalaunan ay ipinakilala sa India at iba pang bahagi ng Timog at Gitnang Amerika. Samantala, ang mga bulaklak nito ay karaniwang maliwanag na kahel (bright orange) na may malaki, madilim na berdeng dahon na may lila sa ilalim.

Ang  insulin ay may mga katangian na maaaring gamutin ang mga sintomas ng:

  • Diabetes mellitus
  • Obesity
  • Metabolic syndrome
  • Polycystic ovarian syndrome (PCOS)
  • Pinsala sa atay
  • Kanser

Mga Benepisyo ng Insulin Plant: Paano ito gumagana?

Nakuha ng insulin plant ang pangalan nito dahil sa kakayahan ng epektibong mapababa ang antas ng blood sugar. Katulad ng endogenous na insulin na ginawa ng katawan at synthetic forms na ginagamit bilang injections.

Ito ay kapaki-pakinabang sa mga taong may diabetes mellitus, labis na katabaan, at iba pang mga metabolic disorder.

Ang mga benepisyo ng insulin plants ay nagmumula sa phytochemical content nito.

Ang triterpenoids, flavonoids, proteins, at fatty acids na nilalaman ng halaman ay gumagana para delay ang carbohydrate absorption. At pagtaas ng glucose uptake at storage— at pagandahin ang epekto ng endogenous insulin.

Sa maraming mga pag-aaral na isinagawa para matuto nang higit pa tungkol sa mga benepisyo insulin plant. Ang parehong crude extracts at refined extracts ay gumawa ng magkatulad na levels of effectiveness.

Kapansin-pansin, tila pinababa nito ang blood sugar sa mga pasyenteng may diabetes. Ngunit hindi naging sanhi ng hypoglycemia sa mga normal na pasyente.

Mga Episode ng Hypoglycemic at Hyperglycemic: Paano Sila Naiiba?

Mga Pag-iingat at Babala

Ang mga herbal supplement ay karaniwang ligtas na inumin sa katamtamang dami, ayon sa health professional.

Gayunpaman, dahil ang karamihan sa herb at food supplements ay hindi inaprubahan ng FDA para sa tritment at pag-iwas sa mga partikular na sakit. Ang mga recommendation daily ay hindi laging ini-established.

Ano ang dapat kong malaman bago magamit ang benepisyo ng insulin plant?

Sa kabila ng pag-advertise bilang “all-natural” o “safe”, natural o food supplements ay dapat pa ring ituring ito bilang tradisyonal na gamot.

Ang ilang partikular na herbal preparations ay maaaring makipag-interact sa iba pang mga gamot na iniinom. Kung saan nagpapataas iton ng risk ng masamang reaksyon sa gamot at toxicity.

Bago gumamit ng anumang insulin plant preparation para makuha ang mga benepisyo nito, ipaalam sa iyong doktor kung:

  • Nagkaroon ka na ba ng allergic reaction sa insulin plant o iba pang supplement.
  • May kasaysayan ng allergy sa iba pang mga gamot, pagkain, o iba pang mga sangkap.
  • Umiinom ng iba pang mga gamot lalo na ang mga hypoglycemic agent o insulin.
  • Mayroon kang underlying conditions sa kalusugan, tulad ng kidney at liver impairment.

Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?

Walang sapat na data tungkol sa paggamit at kaligtasan ng suplementong ito sa panahon ng pagbubuntis.

Ang insulin plant ay dapat gamitin sa panahon ng pagbubuntis lamang. Kung ang mga potensyal na benepisyo ay nagbibigay-katwiran sa potential risk sa fetus. Ayon na rin sa tinutukoy ng iyong doktor.

Hindi pa rin matukoy kung ang active compounds ay excreted sa gatas ng ina.

Ang suplementong ito ay dapat gamitin habang nagpapasuso lamang. Kung ang potensyal na benepisyo ay nagbibigay-katwiran sa potential risk sa bata, gaya ng tinutukoy ng iyong doktor.

Mga side effect

Ang lahat ng mga suplemento ay may potensyal na magtamo ng side effects kahit sa normal na paggamit.

Maraming side effects ang nauugnay sa dosis at malulutas kapag ito ay naayos o sa pagtatapos ng therapy.

Anong mga side effect ang maaaring mangyari mula sa insulin plant?

Ang potential side effects habang ginagamit ang suplementong ito ay kinabibilangan ng:

  • Gastrointestinal discomfort
  • Irritation sa balat (kung inilagay sa balat)
  • Hypoglycemia

Maaari kang makaranas ng ilan, wala, o iba pang mga side effect na hindi nabanggit sa itaas.

Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect. At ito ay nagiging nakakaabala, kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist.

Interaksyon

Para maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-interact sa gamot. Dapat kang magtago ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit. Kabilang ang prescription drugs, nonprescription drugs, at mga produktong herbal. Maganda na ipaalam ito sa’yong doktor at pharmacist.

Mga Potensyal na Pakikipag-interact sa Gamot

Iwasan ang paggamit ng iba pang diuretics habang umiinom ng suplementong ito. Dahil maaari itong magdulot ng labis na pag-ihi, dehydration, at electrolyte imbalance.

Ang paghahanda ng liquid extract ng gamot na ito ay maaaring maglaman ng alkohol.

Iwasang kunin ang mga sumusunod kasama ng paghahandang ito:

  • Antihistamines
  • Mga pampakalma
  • CNS depressants

Kung nakakaranas ka ng adverse drug interaction, itigil ang pag-inom ng gamot na ito at ipagpatuloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot.

Ipaalam kaagad sa’yong doktor upang muling suriin ang iyong treatment plan

Maaaring kailanganin ang iyong dosis na ayusin, palitan ng ibang gamot, o ihinto ang paggamit ng gamot.

Nakikipag-interact ba ang pagkain o alkohol sa insulin plant?

Isa sa benepisyo ng insulin plant ay maaaring inumin kasama o walang pagkain.

Kung nakakaranas ka ng anumang gastrointestinal discomfort. Ang pag-inom ng gamot na ito kasama ng mga pagkain ay maaaring maiwasan ang mga sintomas dulot nito.

Mahalagang uminom ng sapat na tubig habang umiinom ng gamot na ito.

Ang paghahanda ng liquid extract ng gamot na ito ay maaaring maglaman ng alkohol.

Kaya, ang pag-inom ng alak ay dapat na limitado. Para maiwasan ang pagkalasing, lalo na sa mga bata o matatanda na kailangang magmaneho o magpatakbo ng makinarya.

Ipaalam sa’yong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang mga alalahanin. Tungkol sa mga pakikipag-interact sa pagkain at gamot.

Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring makipag-interact sa insulin plant?

Ang suplementong ito ay dapat inumin nang may pag-iingat kung mayroon kang allergy sa alinman sa mga sangkap nito.

Ipaalam sa’yong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang mga alalahanin. Tungkol sa mga partikular na kondisyon ng kalusugan.

Mga Benepisyo ng Insulin Plant: Dosis

Ang impormasyong ibinigay ay hindi substitute para sa propesyonal na medikal na payo. Dapat kang LAGING kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist bago gumamit ng insulin plant.

Ano ang dosis ng halaman ng insulin para sa bata?

Ang inirerekomendang dosis ng gamot na ito ay hindi established para sa paggamot sa anumang partikular na sakit o kondisyon.

Kumunsulta sa doktor para sa naaangkop na indikasyon at dosis.

Benepisyo ng Insulin Plant: Ano ang dosis para sa isang bata?

Ang suplementong ito ay hindi inirerekomenda para sa paggamit sa mga bata at ang inirekomendang dosis ay hindi pa established.

Kumunsulta sa isang doktor o pharmacist para sa mga alternatibo at higit pang impormasyon.

Paano magagamit ang benepisyo ng insulin plant?

Ang suplementong ito ay makukuha sa mga sumusunod na form ng dosis:

  • Liquid extract
  • Pinatuyong power
  • Tsaa
  • Kapsula

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Kung magkakaroon man ng emergency o overdose. Tawagan ang iyong mga local emergency services o pumunta sa’yong pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makalimutan ko ang isang dosis?

Kung napalampas mo ang isang dosis ng suplementong ito, mag-take sa lalong madaling panahon.

Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa iyong susunod na dosis. Laktawan ang napalampas na dosis at kunin ang iyong regular na dosis ayon sa naka-iskedyul.

Huwag kumuha ng dobleng dosis.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Shetty AJ, Parampalli S.M, Bhandarkar R, Kotian .S. EFFECT OF THE INSULIN PLANT (Costus igneus ) LEAVES ON BLOOD GLUCOSE LEVELS IN DIABETIC PATIENTS: A CROSS SECTIONAL STUDY. Journal of Clinical and Diagnostic Research [serial online] 2010 June

https://www.jcdr.net/articles/PDF/766/785_E(C)_F(P)_R(P)_PF_p.pdf Accessed November 1, 2020

A review on Insulin plant (Costus igneus Nak) https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3931203/ Accessed November 1, 2020

Effect of the insulin plant (Costus igneus) leaves on dexamethasone-induced hyperglycemia, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2924971/, Accessed April 8, 2021

Effect Of The Insulin Plant ( Costus Igneus ) Leaves On Blood Glucose Levels In Diabetic Patients: A Cross Sectional Study, https://www.jcdr.net/article_fulltext.asp?id=766, April 8, 2021

Insulin plant (Costus pictus) extract improves insulin sensitivity and ameliorates atherogenic dyslipidaemia in fructose induced insulin resistant rats: Molecular mechanism, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1756464615003187, Accessed Sept. 8, 2021

Kasalukuyang Version

05/19/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?

Halamang Gamot Sa Lagnat: Mayroon Bang Mabisang Herbal Para Dito?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas