backup og meta

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Pwede ba sa diabetic ang noodles? Ang noodles, vermicelli, o canton ay gawa sa grains at kasama sa mga starchy food. Malamang na mataas sa carbohydrates ang mga ito, kaya pwedeng tumaas ang blood sugar mo. Gayunpaman, ang pagbabago sa glycemic ay depende sa uri ng noodles na pipiliin mo, ang dami, at ang pagkaing inihain kasama ng noodles.   

Carbohydrate content

Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrate ay posibleng makaapekto sa iyong blood sugar nang higit pa kaysa sa mga pagkaing low- carbohydrate.

Mayroong 40g ng carbohydrates at 2g ng fiber ang isang mangkok (tasa) ng nilutong egg noodles (mga 160g).

Ang 160g ng spaghetti ay may 43g ng carbohydrates, kabilang ang 2.5g ng fiber.

Glycemic index

Ang mga pagkain na may mababang glycemic index score na 55 o mas mababa ay mas glycemic-friendly kaysa sa mga pagkain na may mataas na glycemic index score na 70. 

May hiwalay na mga glycemic index scores ang iba’t ibang uri ng noodles. Ang egg noodles ay 40, spaghetti (pinakuluan ng 10-15 minuto) ay 44, at whole-wheat spaghetti ay 37. Ang pagpapakulo ng noodles ng mas mahabang oras ay nagpapataas ng mga GI score at sila ay nagiging isa sa ang mga nagti-trigger ng pagtaas ng blood sugar. 

Glycemic load (GL)

Ang glycemic load ay contributing factor sa wastong prediction ng glycemic response na may kinalaman sa glycemic index. Dahil binibilang nito ang dami ng carbohydrates sa isang serving pati na rin ang glycemic index ng pagkain.

Ang hard-boiled egg noodles ay may GL na 18, ang regular na spaghetti ay may GL na 21, at ang whole wheat spaghetti ay may GL na 16.

Ibig sabihin, ang pagkain ng regular na spaghetti ay may mataas na GL. At malamang na magdulot ng pagtaas ng blood sugar kung kumain ka ng sobra at hindi ka kakain ng iba pang mga pagkain tulad ng berdeng gulay, karne, atbp.

Pwede ba sa diabetic ang noodles?

Kung paborito mo ang noodles, vermicelli, canton, at pho, pero nag-aalala ka na hindi mo na sila makakain dahil sa diabetes, huwag masyado mag-alala. Kailangan mo lang malaman kung paano mag-adjust dahil ang mga taong may diabetes ay pwede pa ring kumain ng starchy foods at kaya pa ring makontrol ang blood sugar.

Portion balance

Subukang gumamit ng measuring cup o scale para sa accurate na pagkalkula ng carb. Ang dami ng nakain na pansit ay dapat nasa hanay na 64-83g para sa mga babae. Habang ang mga lalaki ay maaaring kumain ng humigit-kumulang 128g. Sa balanseng serving ng noodles, maiiwasan ang mga epekto ng carbohydrates sa blood sugar.

Samahan ng mga pagkaing mayaman sa protina

Kapag kumakain ng noodles, dapat mong samahan ng healthy protein tulad ng itlog, lean chicken, beef, fish, at tofu. Nakatutulong ang pagkonsumo ng protina na mabawasan ang glycemic response sa pagkain at suportahang ma-regulate ang blood sugar. Mahusay din ito na maiwasan ang pagtaas ng blood sugar.

Kumain ka muna ng gulay

Pwede mo itong gawin sa lahat ng iba’t ibang pagkain. Ang pagkain muna ng mga gulay ay nagpapataas ng pagkabusog at naiiwasan ang labis na pagkain. Bukod dito, nakakaapekto sa blood sugar ang pagkakasunod-sunod ng pagkain. Ipinapakita ng mga pag-aaral na kung sisimulan mo muna ang pagkain na may mga gulay o protina, pagkatapos ay ang carbohydrates (noodles, vermicelli, pho), mas malamang na manatiling kontrolado ang blood sugar.

Cook medium

Ang overcooked noodles ay may bahagyang mas mataas na glycemic index. Samakatuwid, kapag nagpapakulo ng noodles, bantayan ang oras ng pagluluto ng noodles nang sapat. Ito ay upang ang glycemic index ay hindi masyadong mataas, at sa gayon ay makatulong na pabagalin ang pagsipsip ng carbohydrates.

Diabetic-friendly noodles

Bukod sa tradisyonal na egg noodles o wheat flour noodles, maaari kang sumangguni sa mga sumusunod na opsyon para sa mas masarap na pagkain habang tinitiyak ang kalusugan:

Soba noodles (buckwheat noodles)

Ang soba noodles ay nagmula sa Japan at ginawa mula sa mga buto ng buckwheat. Gluten-free at walang wheat-like ingredients ang mga noodles na ito. Ang soba noodles ay mataas sa cholesterol-lowering fiber, pati na rin ang magnesium, na nagpapabuti sa daloy ng dugo. Nakakatulong din ang fiber at magnesium na kontrolin ang blood sugar. Kaya naman ang mga noodles na ito ay magandang opsyon para sa mga diabetic kaysa sa tradisyonal na pasta.

Kelp noodles

Mayroong 10 calories sa 100g ng kelp noodles. Clear at makintab ang noodles na ito at gawa sa purong seaweed na hinaluan ng asin at tubig. Isa sa mga mahusay na pagkain ang ang kelp noodles. Makakatulong ang mga ito na subaybayan ang timbang mo dahil mababa sa calories ang mga ito. At mayroon lamang na 1g ng carbohydrates ang mga ito. Ito rin ay naglilimita sa risk ng pagtaas ng blood sugar at nagbibigay din ng mas maraming calcium at magnesium, na tumutulong sa pagpapalakas ng mga buto.

Mì shirataki

Tulad ng kelp noodles, maaari mong subukan at maghanda ng mga pagkaing mula sa shirataki noodles upang suportahan ang pagkontrol sa timbang. At limitahan ang mga biglaang pagbabago sa blood sugar pagkatapos kumain.

Ang 100g ng shirataki noodles ay mayroon lamang na 20 calories at mababa sa carbs, fat, at sugar.

Sana sa mga impormasyong ibinahagi sa artikulo, nakuha mo ang sagot sa tanong kung pwede ba sa  diabetic ang noodles at kung paano kumain upang hindi maapektuhan ang blood sugar.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Merienda For Diabetics, Anu-Ano Ang Mga Puwede Mong Subukan?

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement